CHAPTER 29

5 2 0
                                    

"THIS IS YOUR FAULT"
Nakaupo lang ako mag isa sa may table na yon habang patuloy pa rin na pinag mamasdan yung bata.

Sa tingin ko ay nasa mga 6-7 years old na siya. Tuwang tuwa pa habang nag lalaro.

Pinangarap ko rin noong bata pa ako na maging isang piloto pero nabago eh, pagiging pianist na ang pinag tututukan ko ngayon at masaya naman ako ron.

Abala pa rin yung tatay ng bata habang may inaasikasong mga dokumento na nasa table nila. Mukhang problemado rin at maraming iniisip, habang yung anak niya ay walang ka malay-malay kung ano yon.

Nag patuloy lang sa pag lalaro yung bata nang bigla siyang mapadapa.

Napatayo rin agad ako at nakita kong bumagsak sa tiles ng canteen yung eroplanong nilalaro niya at nasira rin dahil sa lakas ng impact.

Nang bumagsak yon ay bigla nalang din akong hindi mapakali.

May mga memorya na naman akong nakikita na mas malala pa kesa sa mga nauna kong naranasan. Ibang Ibang kesa sa mga nauna.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko nung mga oras na yon, pakiramdam ko ay may humahabol sakin kahit wala naman.

Bumilis tibok ng puso ko at tila ba'y para akong inaatake ng anxiety at trauma. Sumabay pa yung mga memory anomalies na naiisip ko ngayon sa utak ko.

Hinihingal ako at napansin kong wala na yung mag ama roon sa loob, hindi ko manlang sila napansin na lumabas kanina.

Nag lakad ako papalabas ng canteen kahit hindi ko pa nakukuha yung adobo na order ko.

Biglang sumama yung pakiramdam ko at nahihilo na rin ako pero matuloy pa rin yung mga nakikita kong memory anomalies at naririnig ko yung iba't ibang boses na nasa utak ko ngayon.

Pati na rin yung boses ni mama, si mama.

Pumikit ako habang nag lalakad sa may hallway ng hospital at nang pag mulat ko ay iba na yung itsura ng lugar kaya napatigil ako.

Naging madilim at gulo-gulo, hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko ngayon.

"A-ano 'to?" bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad at tinitignan ang paligid.

Anong nangyayari sakin? hindi ganito yung hospital na pinasukan ko ah. Nasaan ako ngayon? nasaan ako???

Nag patuloy ako sa pag lalakad at lumingon lingon sa mga paligid.

May nakita pa akong mga naka lutang sa ere na notebooks, piano sheets at iba't ibang mga gamit.

Nag lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway at nakita kong may blackboard na naka dikit sa pader na andon. Naroon din yung mga paintings na ginawa namin para sa Art Project.

"B-bakit andito 'tong mga 'to? Nasaan ako?"

Nag lakad ulit ako papalapit at napahinto ako nang mabasa ko ang isang malaking sulat na nasa pader malapit sa may hagdanan.

"KASALANAN MO ITO"

"THIS IS YOUR FAULT!"

Napalunok ako at kinakabahan na rin ako ngayon, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.

"K-kasalanan ko? a-anong kasalanan ko" bulong ko sa sarili ko.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon