"BEREAVEMENT"
Mag a-alas nwebe na ng gabi nung makauwi ako galing sa bahay nila Nicole.Binuksan ko yung pintuan ng bahay namin at agad na bumungad sakin ang tahimik, madilim
at walang buhay na paligid nito mula sa loob.Malayong malayo sa sinabi ni Mrs. Lacsamana na baka raw ay nag aalala at nag hihintay na ang mga magulang ko sa aking pag uwi dahil gabi nanga at delikado na rin sa labas.
Sana nga, diba? pero malayong malayo sa katotohanan na ako lang ang mag isang nakatira sa bahay na 'to. Wala naman sila mama at papa eh, ako lang mag isa.
Nasanay na rin naman ako na wala sila. Pero, may parte pa rin naman sakin na umaasang babalik pa sila. Umaasang sana balang araw ay babalik ulit ang makulay at masayang ihip ng hangin mula sa tahanan na 'to.
Nag lakad lang ako papasok at sinara yung pintuan.
Huminga ako ng malalim at nag lakad nalang patungo sa aking silid. Habang nag lalakad ako ay lumingon muna ako sa pintuan ng kwarto nila mama at papa.
"Ma? Pa?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa pintuan na yon.
Huminga ako ng malalim bago mag salita ulit.
"Sana alam niyo na... nangungulila na ako sainyo" bulong ko pa habang pinipigilan ko ang pag tulo ng mga luha sa aking mata.
Alam kong kahit anong sabihin ko ngayon dito ay hindi naman nila maririnig pero, gusto ko lang ilabas lahat ng mga saloobin ko ngayon. Gusto kong kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam ko.
Aaminin ko. Oo, malaki ang tampo ko kanila mama at papa. Nangako sila noon bago sila umalis na babalik sila para sakin ngunit hanggang ngayon ay wala pa. Ilang taon na rin ang nakakalipas mula nung mga oras na yon. Grade 2 palang ako nung umalis sila at Grade 9 na ako ngayon, isipin mo yon? sobrang sakit para sakin na mangulila sa magulang.
Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na ako sa kwarto ko para mag palit ng damit at mag ligpit ng gamit na andon.
Black Gloss Upper Right Piano, yan ang piano ni mama. Simula nung umalis sila ay hindi na nagagamit kaya nilipat ko nalang dito sa kwarto ko para naman hindi masira at sinimulan ko nang gamitin habang nag eensayo ako sa pag tugtog.
Naka pwesto yung piano sa harap lang ng bintana kaya nasisinagan din ng ilaw yung loob ng kwarto ko kahit papano. May mga light bulb naman dito sa bahay pero sadyang mas komportable ako sa madilim at tahimik na lugar, sa nakasanayan ko.
Umupo ako sa piano bench at nag simulang tumugtog.
Pumikit muna ako ng ilang sandali habang pinapakinggan ang bawat pag kumpas ng musika na pinapatugtog ko ngayon.
Hindi ko na alam ang mga susunod pa na tono dahil wala rin naman akong Music Sheet na nag lalaman ng keynotes na yon. Hindi ko rin alam kung anong title kaya hindi ko mahanap sa internet.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung sino ang sumulat ng musika na yon. Ang alam ko lang ay naririnig ko si mama noon na tumutugtog gamit yon. Yon yung tumatak sa isip at puso ko.
Tumigil ako sa pag papatugtog at lumingon sa isang maliit na rectangle shaped picture frame na nasa study table sa gilid.
Family Picture, yung huling family picture namin nila mama at papa.
Kinuha ko yung picture na yon at pinunasan muna saglit bago ibalik.
"Mahal na mahal ko kayo" bulong ko roon at tumayo na papuntang kama para humiga.
Binuksan ko yung cellphone ko para mag check kung may mga bagong messages ba. Hindi ako nakapag online nung kasama ko si Nicole dahil abala rin kami sa pag gawa ng painting tapos nag dinner pa kasama yung mga magulang niya kaya ngayon lang ulit ako makakapag online.
MCR GC : ACTIVE NOW
Ridel: Bakit ang tahimik ni Mark ngayon? himala ah.
Cath: busy yon sa date niya
Ridel: Date? kailan pa nagkaroon ng ka date yon?
Ridel: staka wala siyang sinasabi ah, bakit alam mo?
Cath: nakita ko siya na palabas sa school kanina kasama yung bagong student. ehe, nicole mylove
Ridel: Nicole? Transferee?
Cath: the one and only, Nicole Lacsamana
Ridel: Damot talaga ng tao na yan, hindi manlang tayo busugin sa chismis niya2 hours ago na yung mga messages na yon sa gc namin nila Ridel at Cath.
Oo nga, medyo tahimik ako ngayong araw dahil ang daming nangyari at ngayong gabi lang ulit ako makakapag cellphone.
Mark: what's up guys, buhay pa ako
Sagot ko sakanila sa gc namin, wala pang ilang segundo ay nag reply na kaagad si Cath habang si Ridel naman ay naka seen lang.
Cath: wow, buti buhay ka pa
Cath: kwentuhan mo naman kami tungkol doon sa date niyo ni NicoleNapangisi nalang ako at nag reply ulit.
Mark: kwento? mahabang kwento yon at ang masasabi ko lang ay hindi yon DATE gaya ng iniisip mo.
Mark: staka paanong magiging date yon? hindi naman ako katulad mo na sobrang bilis kumilos akala mo naman maagawan.
Pag bibiro ko kay Cath sa gc namin. Hindi naman magagalit yon, sanay na kami sa ganitong usapan at asaran. Just go with the flow lang.
Ridel: payag ka ron Cath? wag, hindi kita pinalaki na ganyan
Pag susulsol naman ni Ridel.
Cath: sige, sabi mo eh :(
Maikling sagot ni Cath kaya napatawa nalang ako.
Naiimagine ko na yung mukha niya kapag naaasar, mabilis lang maasar yan e.
Gustong gusto kapag siya yung gagawa pero kapag sakanya ginawa grabe naman kung maapektuhan.
Nakipag kwentuhan lang muna ako kanila Ridel at Cath nang napag desisyunan kong mag facebook nalang muna bago matulog.
Habang nag iiscroll ako sa newsfeed ng fb ay dumaan yung mga articles at mga balita tungkol doon sa The Ruling dalawang buwan na ang nakakalipas.
Binabasa ko ngayon yung article tungkol sa The Ruling na pinost sa mismong fb page ng Liamson Times nang bigla nalang may nag flash na mga memorya sa utak ko.
"I-ito na naman" bulong ko sa sarili habang nakahawak sa ulo ko.
Nangyayari ulit siya. Hindi ko alam kung bakit pero nung mga oras na yon ay may mga iilang memorya o mga pangyayari na nag papakita na naman sa utak ko.
Para siyang mga video clips na sunod sunod at hindi ko rin naman maintindihan dahil malabo at mabilis lang ang mga yon.
Madali lang ang mga pangyayari. Napahinga ako ng malalim at pinatay ko na rin yung cellphone ko habang iniisip pa rin yung rason at possibleng dahilan kung bakit nakakaranas ako ng mga pangyayaring yon.
Curious ako sa bagay na yon, kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin non.
Nag simula akong makaranas ng mga pangyayaring yon ilang buwan na ang nakakalipas pagkatapos ng The Ruling.
Kung may koneksyon yung pag yanig sa mga memorya na nag papakita sa utak ko ay ano yon?
Kung iisipin mo ay parang nasa loob ka ng isang bote na may iba't iba pang bagay sa loob.
Kapag sinimulan mong hawakan at alugin ang bote na yon ay mag hahalo at mag tatama tama ang mga bagay na nasa loob. Gaya rin ba ng mga memorya yon? na galing sa nakaraan?
Ganon din ba sakin? pero hindi ko maintindihan.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...