CHAPTER 17

17 4 0
                                        

"THE MCR TRIO"
Saturday, April 19, 2014 — Sumakay kami ni Cath sa tren at nag commute pa sa Jeep para makarating sa studio building nila Ridel para bisitahin siya.

Bumili na rin kami ng pagkain niya na fried chicken with rice, para hindi na siya lumabas mamaya at sakto namang lunch na rin kami makakarating.

Medyo traffic sa mga kalsada ngayon kaya no choice kami, nakaupo kami ngayon sa Jeep, nag hihintay sa pag usad ng traffic.

"Paabot po" ani nung isang pasahero at inabot kay Cath yung pamasahe niya.

Nakita kong ngumiti si Cath at kinuha yung pamasahe nung pasahero at inabot din sakin dahil ako yung mas malapit sa driver.

"Kuya, pamasahe raw po" ani ko naman at inabot yung bayad nung pasahero.

Tumingin naman sa rear-view mirror yung driver habang inaabot yung pamasahe para tignan kung kanino yon.

Nakaupo si Cath sa tabi ko at naka tingin lang sa paligid, hawak hawak ko naman yung bag niya na nasa kandungan ko ngayon.

"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya dahil medyo tahimik siya.

Lumingon naman si Cath sakin at ngumiti.

"Syempre" sagot niya.

Tumango nalang ako at ilang minuto pa ay nakarating na kami sa harap ng studio building nila Ridel.

"Para po!" ani ko sa driver.

Nang makahinto yung jeep sa tapat ay senenyasan ko muna si Cath na siya na yung maunang bumaba para maalalayan ko siya.

Bumaba  na kami sa jeep at nag lakad papunta sa entrance ng building.

"Excited na ako!" bulong ni Cath sakin habang nag lalakad kami.

Ngumiti naman ako sakanya at sinabayan siya sa pag lalakad.

"Matutuwa yon, pustahan" ani ko sakanya.

Hawak hawak ni Cath yung binili namin na pagkain ni Ridel habang ako naman ay nakasabit sa balikat ko yung bag niya dahil wala naman akong ibang dala.

Pumasok kami sa building at nag lakad papalapit sa elevator para puntahan si Ridel sa 3rd floor dahil andon yung studio nila.

"Ang alam ko sa 3rd floor sila" ani ni Cath sakin.

"Wow, lakas ng memory mo ah" pabirong sabi ko.

Ngumisi lang naman siya at pinindot na yung 3rd floor button sa elevator at nag hintay pa kami ng ilang segundo bago bumukas yung pintuan.

Nang makarating kami sa 3rd floor ay bumungad saamin yung mga iba't ibang movie posters na naka dikit sa pader ng hallway at yung iba naman ay nakalagay sa stand at naka display lang sa mga gilid-gilid.

Umupo muna kami sa mahabang black bench na nasa malapit ng isang malaking double door para hintayin nalang dito sa labas si Ridel, baka kasi may ginagawa pa sila sa loob at nakakahiya naman kung kakatok kami at mang iistorbo pa.

Ilang minuto kaming nag hintay ni Cath, parehas kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin na bumukas yon.

Lumabas na yung ibang mga team members nila Ridel at nakita naman namin siyang palabas na rin.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon