"ANNOUNCEMENT"
Nasa classroom kami ngayon at malapit na ring matapos yung last subject, uwing-uwi na ako at nakaka-bagot na rin dito.Magkatabi kami ni Cath ng upuan, si Ridel naman nasa harap namin, si Nicole naman katabi niya si Louise sa may center row.
Tapos si Kathrine andon sa pwesto niya na malapit sa bintana, nasa left side, katabi niya si Jessica. Biruin mo yon? nagsama yung dalawang introvert. (eme)
Medyo malayo lang ng unti yung pwesto ni Nicole pero at least napag mamasdan ko pa rin yung kagandahan niya.
"Bago tayo mag dismiss ay may i-aannounce muna ako para sainyo" ani ni Mr. Dela Cruz habang naka tayo sa harap.
Lumingon naman kami ni Cath sakanya at nakinig.
"Bago yon ay bigyan muna natin ng malakas na palakpak si Louise, The defending champion for chess tournament" ani niya.
Nagka-tinginan pa kami nila Cath at Ridel sabay ngiti at palakpak nang malakas para kay Louise.
Lumingon naman si Louise sa amin at ngumiti, nag thumbs up naman si Cath sakanya.
Nakita ko rin kung paano maging supportive si Nicole kay Louise, bagay talaga niya kapag palagi siyang nakangiti. Hindi bagay kapag sinumpong siya.
"Wooooo! Congrats Pres!!" rinig naming sigaw ni Ryann.
"Congrats, Louise!!" ani pa nung iba naming mga kaklase habang nag papalakpakan.
"Thank you sa support guys!" sagot ni Louise sakanila at kita rin yung malaking ngiti niya.
Pumalakpak din at ngumiti si Mr. Dela Cruz habang pinapanood kami.
"Ahem" ani ni Mr. Dela Cruz kaya napatahimik na ang buong klase at nakinig sakanya.
"Speaking of chess, pinag pa-planuhan na ng School's Heads at ng Principal ang pag open ng Chess Club dito sa Liamson Integrated School. At syempre, si Louise ang napiling maging president doon. Kung ayos lang sakanya"
Ngumiti naman kami at tinignan si Louise, tumango siya at mukhang agree naman na hawakan yung posisyon na yon. #deservedpresidentlouise
Binalik namin yung atensyon namin kay Mr. Dela Cruz nang mag salita ulit siya.
"Sa ngayon ay wala pang specific date kung kailan sisimulan ang pag bubukas ng Chess Club, mag hahanap pa ng ibang mga officers na pwedeng makasama ni Louise"
"Lahat ng members at officers ng Club na yon ay dapat marunong din mag chess kaya sa mga gustong sumali, mag ensayo na kayo"
Tumango tango naman kaming lahat at nakinig nang maayos para wala nang mag tatanong tanong mamaya sa gc.
Naramdaman ko naman na kumalabit sakin si Cath kaya napa lingon ako sakanya.
"Mark! sali tayo? andon si Louise!!" bulong niya sakin.
"Ikaw lang, hindi ako marunong mag chess" ani ko.
"Pft! edi wag"
Nakita ko naman na kinalabit niya rin si Ridel kaya napa lingon din siya sa likod.
"Ikaw? Ridel sali tayo!" bulong ni Cath.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...