CHAPTER 18

15 4 0
                                        

"CONJECTURE MEMORY"
Hindi na kami makakapag tagal rito sa studio nila Ridel dahil may kailangan pa silang tapusin mamaya at ayaw din naman namin ni Cath na maka-abala pa.

"Mauna na kami Ridel, yung pagkain mo ha? ubusin mo yan" ani ko sakanya habang si Cath naman ay nakatayo sa gilid ko.

"Ako pumili nyan!" pag bibida ni Cath at ngumiti pa kay Ridel.

"Opo, noted. Wag kayong mag alala, sisimutin ko 'to" ani ni Ridel habang hawak hawak yung pagkain na binili namin para sakanya.

"Aba! Dapat lang! sayang effort kapag hindi mo inubos yan" pabirong sagot ko naman sakanya.

Tumawa naman saglit si Ridel, ganon si Cath.

"Pangako, kapag free na ako, babawi ako sainyo" sabi ni Ridel habang tinitignan niya kami ni Cath.

"Promise?" ani ni Cath sakanya.

"I promise" sagot ni Ridel at nag taas pa ng isang kamay.

Ngumisi naman ako at sumagot sakanya.

"Pinky promise?" ani ko kay Ridel

Napansin ko namang nakangiti na rin ngayon si Cath at nag hihintay sa sagot ni Ridel.

"Pinky promise! tamaan man ako ng kidlat" sagot ni Ridel kaya tumango kami ni Cath at ngumiti sakanya.

"Good luck, Ridol" malambing na ani ni Cath sakanya.

"We're rooting for you, our RIDOL" dagdag ko pa at nakipag fist bump pa ako kay Ridel.

"Salamat, ingat kayo ha? mag chat kayo sa gc natin kapag nakauwi na kayo" pag papa-alala ni Ridel saamin.

"Yes, mom" pabiro na sagot ni Cath sakanya.

"Chat ka namin pag naka-uwi na kami" sagot ko.

Tumango naman si Ridel bago siya pumasok sa studio room nila.

Lumingon naman ako kay Cath na ngayon ay naka tayo lang at naka tingin pa sa double door na nasa harapan niya.

Kinuha ko na yung bag niya at tinapik ko na rin yung braso niya para sabihin na umalis na kami.

"Tara na?" bulong ko sakanya.

"Okay, let's go" sagot niya sakin.

Lumabas na kami sa building na yon at nag lakad papunta sa paradahan ng mga jeep.

Habang nag lalakad sa sidewalk papunta ron ay may napansin akong pamilyar na mukha na nakapila rin doon.

Nang maka lapit kami sa linya kung saan pipila para maka bili ng ticket sa jeep ay mas lalo ko pang naaninag kung sino yon.

Nicole, Nicole Lacsamana...

Pumila kami ni Cath sa isang linya dahil mas unti lang ang nakapila roon kumpara sa kabila kung nasaan si Nicole.

Hindi niya ata kami napansin, ganon si Cath. Hindi niya manlang napansin na andito si Nicole.

Pinag masdan ko pa saglit si Nicole nang may bigla na namang kung ano akong naramdaman.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon