"THE TRUTH"
Ilang minuto kaming natahimik ni Louise ng mga oras na yon, nag hahanap ako ng tamang salita para sabihin sakanya yung tungkol sa nangyari sa amin ni Nicole ngunit hindi ko masabi nang maayos.Nilingon ko si Louise at nakita kong malayo pa rin ang tingin niya, malalim ang iniisip.
Huminga ako nang malalim bago mag salita, napag desisyunan ko na ngayon na kailangan niya ring malaman yung tungkol doon para hindi na kami mahirapan pa sa pag hahanap ng sagot.
"Louise?" tawag ko sa pangalan niya at napa lingon naman siya sakin.
"Yes, mark?" sagot niya habang naka tingin sakin.
"Yung tungkol sa sinabi mo kanina" ani ko.
"Alin don?" sagot ni Louise at kita ko naman ang pag tataka niya.
"Yung doon sa tinuro mo sakin para madali nating malaman kung nakakaranas din ba ng deja vu ang isang tao na posibleng parte rin ng past life mo" ani ko sakanya at umiwas ng tingin.
Hindi agad agad nakapag sagot si Louise, pakiramdam ko ay nag iisip pa siya ng sasabihin niya sakin ngayon.
"Yung tititigan mo ang isang tao na pakiramdam mo ay matagal mo nang kakilala para malaman kung active ba yung mga memory anomalies?" pag sisigurado ni Louise.
Tumango naman ako sakanya at nilibot ko yung tingin ko sa loob ng covered na ngayon ay wala nang ka tao-tao maliban saaming dalawa.
"May nahanap kana ba?" tanong niya sakin.
Agad ko namang na gets kung ano yung tinutukoy niya, kung naka hanap naba ako ng mga katulad namin na nakakaranas din ng deja vu at memory anomalies na yon.
Lumingon ako kay Louise bago mag salita.
"Sa tingin ko ay meron na" sagot ko sakanya.
Agad namang umayos sa pag kaka-upo si Louise at mukhang nag hihintay pa sa mga susunod na sasabihin ko.
"Si Nicole" maikling dagdag ko pa.
Nag taas naman ng kilay si Louise at mukhang hindi pa maka paniwala sa sinabi ko.
"Nicole? Nicole Lacsamana?" tanong niya sakin at ramdam ko rin sa boses niya yung pag dadalawang isip tungkol don.
"Oo, si Nicole" sagot ko sakanya.
Natulala pa si Louise habang naka tingin sakin, hindi siya maka paniwala na isa rin si Nicole sa mga nakaka-ranas ng deja vu na yon.
"I kwento mo kung anong nangyari, Mark" utos niya sakin at agad naman akong sumagot.
"Nung isang araw, mag kasama kami ni Cath at pauwi na kami galing sa studio nila Ridel. Nag lakad kami papunta sa sakayan ng jeep at nakita ko si Nicole na naka pila ron tapos nung naka pila na kami sa kabila ay hindi ko maiwasan na tignan siya... hanggang sa aksidenteng nag tama yung mga tingin namin sa isa't isa tapos ayon na, nag simula na naman siya... yung mga memory anomalies, bigla nalang nag pakita sa memorya ko yon nung araw na yon. Habang patagal nang patagal yung pag tititigan naming dalawa ay mas lalo lang nagiging malinaw yung mga memorya na yon ngunit hindi namin kaya. Nakita ko rin sa mukha niya kung paano siya mahirapan, hindi rin nag tagal ay binasag din namin yung pag titinginan sa isa't isa kaya ayon, akala ko nga ay hindi na ako makaka uwi dahil sa pagkahilo"
mahabang kwento ko sakanya.Nakinig naman nang maayos si Louise sakin at sinasa-ulo ang bawat detalye na binibigay ko sakanya.
"Pagkahilo..." bulong ni Louise sa Sarili niya.
Mag sasalita na sana ako ng may biglang dumating na lalaki. It was the famous band singer sa Liamson Integraded School, Mike Santos.
Mas matanda siya saamin ni Louise ng dalawang taon. Balita-balita na rin sa Liamson yung tungkol sakanilang dalawa ni Louise, the popular band singer and the academic achiever and chess master are in a relationship.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
Hayran KurguCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...