"SUNSHINE"
Nang maka uwi ako sa bahay ay naabutan ko si Cath na nag hihintay sa tapat ng gate habang naka tayo.Doon ko napagtanto na naiwan ko siya sa bingguhan sa peryahan, nakaramdam ako ng guilty at hiya sakanya ngayon dahil pinag hintay ko siya nang matagal at hindi ko pa siya nasamahan sa pag uwi.
"C-cath! pasensya na kun-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang mag salita si Cath.
"Wala yon! okay lang, Mark" ani ni Cath habang naka ngiti pa.
"Ihatid na kita pauwi sa bahay niyo?" tanong ko sakanya.
Umiling naman si Cath bago mag salita.
"Pwede bang dito muna ako? ayoko pang umuwi sa amin" ani nito.
Tumango naman ka-agad ako at ngumiti sakanya.
Gabing gabi na ng mga oras na ito ngayon pero hindi naman nila hinahanap si Cath, ewan ko ba kung anong nangyayari sa bahay nila.
Umupo kami ni Cath sa sofa na nasa sala at nag simulang mag laro ng car racing video game na naka connect sa tv at dalawang controller.
"Aha!!! nauunahan kita!" masiglang ani ko nang mapansing kong nauuna na ako sa karerahan.
Hindi pa kasi ako nananalo sa car race kapag si Cath ang kalaban ko.
Nang sumulyap ako kay Cath ay napansin kong medyo matamlay ang mga ngiti niya ngayon.
Hindi katulad nang dati na sobrang sigla niya tuwing nag lalaro kami.
"Cath, nga pala... pasensya na talaga sa nangyari kanina" mahinang ani ko na sakto lang para marinig naming dalawa.
"Okay lang yon, naiintindihan ko" sagot ni Cath pabalik.
Huminga ako nang malalim at itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa monitor habang nag lalaro.
May parte pa rin sakin na mabigat sa pakiramdam dahil mali nga na iniwan ko si Cath kanina.
Hindi ko manlang naisip na maaaring maging active na naman ang mga memory anomalies at yung hotspots.
Paano kung oo? naiwan siyang mag isa ron kanina, hindi ko manlang siya nabantayan at paano kung bigla nalang siyang mawala? habang buhay kong pag sisisihan.
"Mark, alam mo... nakaka pagod din ang buhay. 'no?" napatigil ako nang tanungin sa akin ni Cath yon.
Matamlay ang boses niya na may halong unting pabirong tono.
"Minsan, nakakapagod din pero syempre.... lalaban ka" sagot ko sakanya habang nag lalaro.
"Mhm, pero ang draining. nakaka sakal"
Tumigil ako sa pag lalaro at nilingon si Cath.
"May problema ba?" ani ko nang mapansin kong bumugtong hininga siya.
"Wala... wala naman"
Kahit pa sabihin niyang wala ay nararamdaman kong may bumabagabag sakanya na higit pa sa inaakala ko.
Malakas kutob ko na meron, hindi naman yung tungkol sa nangyari kanina. Hindi naman siguro, diba?
May ilang minuto na katahimikan sa sala at ang tanging maririnig mo lang ay yung audio ng game na nilalaro namin.
Walang gustong umimik sa aming dalawa at mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.
Hindi ganito yung Cath na kilala ko, pero naiintindihan ko naman kung may mga oras talaga na kailangan nating tumakas sa katotohanan para masalba ang mga sarili natin.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...