CHAPTER 25

4 3 0
                                        

"PIANO COACH"
Nag lalakad na kami ngayon ni Nicole sa sidewalk papunta sa street kung nasaan yung bahay nila.

Tinignan ko yung orasan sa cellphone ko at 7:20 pm na, medyo nagabi na kami sa daan kaya nag text si Nicole sa mga magulang niya para hindi sila mag alala kung nasaan na siya.

Bitbit-bitbit ko pa rin yung bag niya hanggang ngayon, gaya ng ginagawa ko kapag kasama ko si Cath. Inaalalayan ko rin siya kapag may mga nadadaanan kaming medyo malulubak na parte sa may sidewalk.

Nasanay na ako, nasa dugo ko na talaga ang pagiging gentleman. #walkinggreenflag

"Okay ka lang Mark? akin na yung bag, baka nabibigatan kana" ani ni Nicole habang inaabot yung bag niya.

"Nah ah! okay lang ako" sagot ko at nilayo ko rin yung bag niya para hindi niya ma-abot.

"Sigurado ka? kaya ko naman"

"Sigurado boss, staka sanay na ako mag buhat ng bag. Ganito rin ako kapag si Cath ang kasama ko kaya don't worry, i got you"

Tumango nalang si Nicole at nag patuloy na kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng gate nila.

Tumayo kami sa harap at tinignan ko naman siya sabay abot sakanya nung bag niya.

"Good night, Nicole" ani ko sakanya sabay ngiti.

"Thank you sa pag hatid, good night din"

Tumango ako at akmang aalis na sana nang bigla siyang mag salita.

"Wait! Mark!" tawag sakin ni Nicole.

Lumingon naman ako sakanya.

"May nakalimutan ka?" tanong ko.

Umiling naman si Nicole at ngumiti bago mag salita ulit.

"Sasali ka sa piano club, diba?"

"Oo, sa audition" sagot ko sakanya.

"Uhmm kung okay lang sayo, pwede kitang tulungan" ani niya sakin.

Napataas naman ako ng kilay at hindi rin ako agad-agad naka sagot dahil medyo nabigla pa ako.

Si Nicole? tutulungan ako? wow... just wow

"H-huh? uhmm"

"I said, pwede kitang tulungan. I can be your piano coach if you want" ani ni Nicole sabay ngiti sa harap ko ngayon.

Nananaginip ba ako? teka, kalma mark, kalma.

"A-ahh eh... oo, sige! t-thank you" nauutal na ako ngayon at nararamdaman ko na rin yung pamumula ng pisngi ko pero pinipigilan ko naman, sinusubukan ko.

Tumango naman si Nicole at ngumiti.

"Sa piano club room nalang bukas" ani ni Nicole at kumaway pa siya sakin.

"Sige, see you tomorrow" sagot ko.

Pagkatapos non ay pumasok na rin siya sa bahay nila, bago ako umalis ay sinigurado ko munang naka pasok siya nang ligtas sa loob.

Nakauwi na ako sa bahay at naka bihis na rin, umupo ako sa piano bench ko at nag simulang tumugtog.

Sobrang saya ko ngayon, hindi ko inaakala na sasabihin niya yon. Sino ba naman ako para umayaw? staka si Nicole na yon, Nicole Lacsamana.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon