"NEWLY MOVED"
Hapon na nung makarating kami sa bahay nila Nicole dahil bumili pa kami ng mga painting materials, bumili rin siya ng iba pang mga magagamit sa bahay kaya nag taka ako saglit kanina nung nilalagay niya yon sa cart.Inisip ko nalang na baka inutusan lang siya ng mga magulang niya para bumili ng mga gamit.
"Pasensya kana sa bahay namin, medyo makalat pa at hindi pa naaayos yung mga gamit. Kakalipat lang namin dito nung nakaraang linggo. Marami pang aayusin" ani ni Nicole nung makapasok kami sa bahay nila.
Oo tama nga siya, medyo makalat pa sa loob at maraming mga balik-bayan boxes na may lamang mga iba't ibang gamit, pero yung iba naman ay naka ayos na sa mga pag lalagyanan.
Nilibot ko yung tingin ko sa sala ng bahay nila ng dumapo yung tingin ko sa mga litrato na nasa taas ng mini cabinet.
Nakatingin lang ako ron saglit at lumingon kay Nicole.
"Okay lang. Wag kang mag alala, walang problema sakin" nginitian ko siya at tumango lang.
Binaba ko yung mga plastic bags sa sofa at nilabas yung mga painting materials na gagamitin namin, nag tanong pa ako sakanya bago mag ayos.
"Wala ba mga magulang mo dito ngayon?" tanong ko sakanya.
Lumingon siya sakin at ngumiti bago mag salita.
"Natutulog lang sila mama at papa sa kabilang kwarto kaya wag kang masyadong maingay" pabirong sabi niya sakin.
May coffee table dito sa sala nila kaya dito nalang kami gagawa, uupo nalang kami sa sahig mamaya.
"Mag bibihis muna ako ng damit ko tapos mag start na tayo mamaya" sabi ni Nicole kaya
tumango nalang ako at inayos yung mga gamit sa coffee table."Don't touch anything!" pag papaalala niya pa bago mag lakad papunta sa kwarto niya.
"I'll do touch anything, Got it" pabirong sagot ko kaso hindi niya ata narinig.
Pagkatapos kong ayusin yung mga painting materials sa coffee table ay nag lakad ako papalapit doon sa mga litrato na tinitignan ko kanina.
Mga pictures ni Nicole yung naka display don, pictures niya nung baby pa siya, birthday picture nung 8 years old siya at marami pang iba.
Kumirot yung puso ko nung makita ko yung Family Pictures nila ng mga magulang niya, naalala ko yung last family picture namin nila mama at papa bago sila umalis, bata pa ako nung mga oras na yon.
Tinaas ko yung tingin ko sa mga picture frames na nakasabit sa dingding, nakita ko yung pictures ni Nicole kasama yung mga magulang niya habang may hawak hawak siyang mga trophy at medals.
Ngumiti ako habang tinitignan yung mga pictures na yon, nakaka proud lang.
Hindi ko pa siya lubos na kilala pero sobrang gaan na ng loob ko sakanya, kahit pa alam ko na may unting sama pa siya ng loob para sakin.
"Hey, Mark! tara na?" lumingon ako kay Nicole na ngayon ay naka bihis na ng Pants at yung Green Shirt niya at syempre hindi mawawala yung Yellow-Green Stripes na Ribbon sa buhok niya.
"Okay boss" Ngumiti ako at umupo sa sahig na nasa kabilang dulo ng coffee table, siya naman ay pumwesto sa kabila na nakaharap sakin.
Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda niya pala sa malapitan, hindi ko maiwasang hindi ngumiti kapag tinitignan ko siya, nakayuko siya ngayon sa canvas habang binubuksan yung mga paints na gagamitin namin.
Ako naman ay patuloy pa rin sa pag sulyap sakanya.
"Bakit kulay black ginagamit mo? hindi ba mukhang boring yan? walang kakulay kulay" ani ni Nicole habang abala ako sa pag pa-paint sa canvas ko, tinaas ko yung tingin ko sakanya bago sumagot.
"Color black, represents hunger o pagkagutom. World Hunger yung theme ng painting na pinapagawa ni Mrs. Garcia, diba?" paliwanag ko sakanya, nag taas siya ng kilay bago mag salita ulit.
"Yes, indeed. World Hunger nga yung Theme pero hindi ba pwedeng lagyan mo naman ng unting pag-asa?" ani niya sakin, napahinto ako sa pag pa-paint at tumingin muna sakanya ng ilang segundo habang nag hihintay siya sa sasabihin ko.
"Mas gusto ko yung simple lang, staka ayos na rin yon" tumango ako at nag paint nalang ulit habang si Nicole ay nag sisimula na rin sa paggawa nung sakanya.
"Pero, kahit na. Alam mo yon, kahit sobrang dilim na ng paligid kailangan mo parin mag hanap ng ilaw o pag asa para mabuhay pa rin o maging masaya" sagot niya habang abala na siya ngayon sa pag pa-paint.
Malalim yung mga salita na binitawan ni Nicole, hindi ko alam kung tungkol paba yon sa World Hunger Theme Painting or iba na.
"Yeah, you just need to find that spark" sagot ko habang nakatingin sakanya at ngumiti, saktong nag taas din siya ng tingin kaya nag tama saglit yung mga mata namin.
"Yes, you need to find the spark" maikling sagot niya na may halong matamis na ngiti.
Naging abala na kami ni Nicole sa paggawa ng painting, kung minsan ay nag uusap kami at minsan naman ay may unti pang tawanan.
Mabait naman pala siya, sadyang naging dragon lang nung nabangga ko siya sa hallway pero kahit ganon, kailangan kong bumawi kasi hahabulin ako ng konsensya ko kung hindi.
Hanggang ngayon ay sobrang na gu-guilty parin ako dahil doon sa nasira kong painting niya, alam ko naman na sobrang effort siya sa pag papaint non tapos nasayang lang.
"Uh nicole? diba sabi mo kanina bagong lipat kayo rito?" tanong ko sakanya habang inaayos yung painting na ginagawa ko.
"Hmm, oo. wala na rin kasi kaming maayos na titirhan sa dati naming lugar kaya ayon, we moved to another city. Nag a-adjust palang kami nila mama at papa dahil sa nangyari" paliwanag niya habang busy pa rin sa pag pa-paint nung sakanya.
Binitawan ko muna yung paint brush ko at tumingin kay Nicole.
"Nag a-adjust? okay lang ba kung tanungin ko kung anong nangyari?" ani ko sakanya, ayokong maging straightforward kasi baka mamaya sobrang personal na pala ng tanong na yon.
Tumigil saglit sa pag papaint si Nicole at tumingin sakin habang hawak hawak niya yung paint brush.
"Because of The Ruling" maikling sagot niya, nakita ko kung paano nag bago yung expression ng mukha niya. Mali ba na tinanong ko yon?
"The Ruling? yung Earthquake Disaster 2 months ago?" nag tatakang tanong ko sakanya.
Tumango lang siya ng dahan-dahan habang nakatingin sa painting na ginagawa niya.
"Oo, The Ruling. Isa yung lugar namin sa listahan ng mga malapit sa Epicenter ng Earthquake na yon. Maraming namatay na residente at marami ring nasira na mga buildings, kasama na yung bahay namin don. Well, hindi naman siya totally nag collapsed pero delikado na rin kasing tirhan. Pati mga kalsada ay nakasarado para mga Public Transportation, tanging mga government military officers or teams lang ang pwedeng makapasok noon kaya ngayong buwan lang kami nakaalis don. May evacuation center naman kung saan kami nag stay"
Nakinig ako nang mabuti sa kwento niya at tumango nalang.
Hindi na ako nag tanong tungkol sa iba pang mga bagay para respetuhin yung privacy ng buhay niya.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...