"COLLIDE"
Liamson Chemistry Laboratory (December 20, 2014) — Mag kakasama kami ngayon nila Nicole at Louise dahil nag chat si Lou sa amin nung nakaraang gabi na may update na siya tungkol sa memory anomalies theory at masasabi na niya yon sa amin ngayon."Look, i have 3 ping pong balls here at meron din ditong storage box na may laman na tubig" ani ni Louise habang hawak hawak yung mga ping pong balls.
"Uh, oo. Anong meron?" tanong ko.
"Let's use this three ping pong balls and storage box filled with water as example for our experiment" sagot niya.
Si Nicole naman ay hindi nag sasalita at naka tingin lang din doon sa hawak-hawak ni Louise.
Hinulog ni Louise yung isang piraso ng ping pong ball sa may storage box na puno ng tubig at nanood naman kami ni Nicole habang ginagawa niya yon.
"So let's say, this is our world. The Earth"
"And this is the other universe" ani ni Louise sabay hulog nung isa pang ping pong ball.
"You mean, parallel universe?" tanong ni Nicole.
Tumango naman si Lou bago mag salita ulit.
"As well as this one" ani ni Louise nang maihulog niya ang huling bola sa may tubig.
Pinanood namin ang mga iyon na lumutang pero hindi pa ganon kalapit sa isa't isa.
"As you can see, hindi gaanong magalaw sa area kung saan ko ipinatong yung mga ping pong balls at hindi sila nag kakatama-tama" ani ni Lou habang pinapanood ang mga yon.
"Oo, hindi pa" sagot ko.
"But once na galawin natin yung surroundings ng storage box ay mag ca-cause yon ng force para gumalaw yung tubig na nasa loob" paliwanag ni Louise.
"Parang.... waves?" nag dadalawang isip na tanong ko sakanya.
"Yeah! exactly"
Hinawakan ni Louise yung storage box at dahang dahang inalog yung labas dito at nakita naman namin na unti-unti ring lumalapit sa isa't isa yung mga ping pong balls na nilagay niya hanggang sa mag tama na nga lahat ng 'to.
"They collide" bulong ni Louise.
"Anong ibig sabihin non?" tanong ni Nicole sakanya.
"Sabihin nalang natin na yung mga bola na yan ay ang mga planets or universe sa mundong ito. Kapag nag tama at nag dikit ang mga yan ay may chance na mag halo-halo ang mga memories natin gaya nung nasabi ko noon tungkol sa bottle, kapag nilagyan mo ng iba't ibang bagay sa loob o di kaya ay asukal na puti o pula ay nagkakaroon ng memory glitches, parang sa parallel universe papunta sa mundo natin na nagiging cause ng deja vu experience"
"Pag yanig.... yung earthquake?" tanong ko nang mapagtanto ko na may kinalaman nga yung The Ruling sa lahat ng ito.
"You're right, Mark. It could be the earthquake" sagot ni Louise at napatango naman si Nicole.
"Malaki yung chance na mas lalala yung memory anomalies na mararanasan natin kung sumakto na lilindo rin, pwede rin sa tubig. Rain, based the research na nalaman ko... isang sign din yon na may mawawala because of memory anomalies glitches kaya... you should be more careful" ani ni Louise.
"Mawawala?" tanong ko.
"I mean, disappear na parang bula" sagot niya sakin.
Napatigil naman ako nang maisip ko yung tungkol sa unsolved mystery sa missing flight kung saan nakasakay si mama nung pauwi na sana siya galing abroad.
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...