"HO-HO! MARKY!"
Papasok na sana ako sa venue ng js prom namin ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon, it was Cathy! my best friend! tumigil ako at lumingon sakanya para bumati, kasama niya rin si Ridel. isa rin sa mga kaibigan namin.We are the one and only MCR Trio!
"looking good, eh? hindi ko alam na may taste ka pala sa fashion, Mark" paasar na sabi ni Ridel habang kinukuhaan ako ng litrato gamit yung camera niya.
Ridel Gonzales, the one and only! sa aming tatlo, siya yung may hilig sa pagkuha ng mga litrato at pag gawa o pag sulat ng mga film. alam kong magiging successful siya in the future, nararamdaman ko yon at kita ko naman sa sipag niya para maabot yon.
"tapos na ba? mamaya gagamitin mo na naman yang mga picture ko para sa mga memes mo" patawang sabi ko kay Ridel kaya napangisi siya at tinago na ang camera bago ako lumingon kay Cath.
"oh? hindi ko alam na makakayanan mo pa lang mag suot ng dress para sa prom night natin" pabirong sabi ko sakanya.
Catherine Portillo, she was my best friend and partner in crime, parang kapatid na rin ang turing namin sa isa't isa, palagi siyang andyan tuwing kailangan ko siya, at ganon din naman ako.
"duh? hindi ko alam kung ma o-offend ba ako o ano" sarkastikong sagot ni Cathy habang nag lalakad papalapit sakin.
Isang magandang babae, short hair at hindi naman gaanong morena, hindi rin katangkaran, sakto lang. babae siya oo, pero babae rin ang gusto. Support naman ako sakanya, tanggap ko rin naman siya.
"pero, wow ha! hindi ko alam na bagay pala sayo yan? nakalimutan ko na yung huling beses na nag suot ka ng ganyan, napilitan ka pa nga noon e" patawang sabi ko habang tinuturo ang dress niya kaya napatawa na rin si Ridel.
Greek Theme ang napili nilang tema ng js prom namin. God and Goddesses, hays! palagi naman. Hindi ba sila nag sasawa ron?
"HO-HO! alam ko! at wag mo nang ipaalala *Mark Borja* napilitan lang naman talaga ako noon kasi wala akong choice, bigla ba naman akong pinag suot ng dress sa role play? duh!, hayaan mo na! pumasok nalang tayo sa loob, mag sisimula na rin yung js prom maya-maya" sinabi ni Cath at hinila niya kami ni Ridel papasok sa covered court ng campus kung saan gaganapin yung Js Prom namin.
Maraming tao, andon lahat ng ka-batch mates namin at syempre yung mga teachers. Maingay at puno ng mga ilaw at decorations ang loob, marami ring option ng pagkain. Dapat lang? ang mahal kaya ng binayad namin dito. pft!
"Mark?? pwede bang, ako yung last dance mo mamaya sa promenade?" tanong ni Cath sakin habang nag lalakad kami papasok.
"O-oo naman! bakit hindi?" binigyan ko siya ng matamis na ngiti at nag lakad kami kasama si Ridel nang sabay sa loob ng venue para puntahan ang iba pa naming mga kasama.
Mark Borja, yan ang pangalan ko. Grade 9 student galing sa Liamson Integrated School, parehas kami ni Cath at Ridel.
Mag kaka-klase kaming tatlo at masasabi ko talagang parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
Ako lang mag isa ang nakatira sa bahay namin dahil wala ang mga magulang ko, at wala rin naman akong kapatid. Bata palang ako nung umalis sila mama at papa, nag desisyon sila na mag trabaho abroad para sa kinabukasan ko.
Malungkot ang buhay ko nung umalis sila mama at papa pero.... salamat kay Cath at kay Ridel kung wala sila, baka wala na ring liwanag ang buhay ko.
Hilig ko ang pag tugtog ng piano, natuto ako dahil sa mama ko. Naririnig ko siya noon na tumutugtog kaya napamahal na rin ako ron, Patuloy pa rin akong nag eensayo kahit nung umalis na sila, umaasa ako na sa pag babalik ni mama ay maririnig niya ako na tumutugtog ng isa sa mga paborito niyang musika.
Pero bakit ganon? pakiramdam ko ay... nagsisinungaling lang ako sa sarili ko? h-hindi ko alam.... bakit ganito yung nararamdaman ko? b-bakit...
Nawala ako sa pag iisip ng biglang mag salita ang host ng js prom namin "Good Evening Students of Liamson Integrated School!....." hindi na ako masyadong nakapag bigay ng attensyon sa sinasabi ng host, may gumugulo sa isip ko ngayon at, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
Ilang minuto ang nakalipas, ay biglang umulan ng malakas sa labas, Nag sasaya na rin ang mga tao sa loob at ang iba naman ay sumasayaw, lumingon ako sa paligid upang tignan kung anong ginagawa ni Cath ngunit, hindi ko siya nakita... hindi ko siya makita.
Nag lakad ako papalapit kay ridel para tanungin siya. "Ridel? nakita mo ba si cath?" tanong ko sakanya "Hindi, baka andyan lang sumasayaw o nakikipag kwentuhan sa mga baby girls niya?" sagot ni Ridel habang hawak hawak ang camera niya.
Mag sasalita na sana ako ng biglang mag salita ang principal namin sa mikropono.
"Catherine Portillo!? hinahanap ka ng mga magulang mo" sabi ng principal sa mic kaya napalingon kami ni Ridel sa direksyon na yon.
Hinahanap? bakit nila hinahanap kung andito lang naman si cath? "Miss Portillo!?" ulit ng principal, nakita namin ang mga magulang ni Cath sa tabi ng principal, mukhang galit at naka krus pa ang mga braso.
Lumingon na rin ang ibang mga estudyante sa direksyon na yon. A-ano? nawawala si cath? p-pero magkakasama lang kami kanina? h-hindi, hindi pwedeng mangyari yon!
Tumakbo ako papalabas ng covered court para hanapin si Cath, nang makalayo ako sa covered court na yon ay nakita ko ang headband niya na nahulog sa tabi ng daan na kaharap lang ng wood bench ng campus namin.
"K-kay cath 'to" bulong ko sa sarili at pinulot ang headband na yon.
"C-cath!?" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo papalabas ng campus, nasa sidewalk na ako ng kalsada ngayon, madilim ang ibang parte ng daan ngunit naiilawan naman ng mga ilaw galing sa mga sasakyan na dumadaan.
Patuloy akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang cliff road na lugar.
Hinihingal na ako at pagod na pagod na kakatakbo pero hindi pwedeng tumigil ako.
"C-cath!!! n-nasaan kana?" sigaw at paiyak na sabi ko habang lumuluhod sa tabi ng kalsada.
"M-mark! D-dumating ka..." biglang nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon galing sa kabilang parte ng kalsada.
"Cath!! pinag alala mo ako" sabi ko sakanya habang nag pupunas ng luha at tumayo, pilit na ngumingiti ngunit hindi ko na napigilan ang luha ko nang pinag mamasdan ko siya sa kabilang parte ng kalsada.
Nakatayo at nakataas ang isang kamay na nasa gitna ng hangin, nakita kong pumapatak ang mga ulan sa braso at kamay niya, Bakas din ang luha sa kanyang mga mata nung ako ay nilingon niya.
"A-akala ko... hindi ka na dadating" sinabi ni Cath habang nakatayo at nakatingin sakin.
"Ano bang sinasabi mo? dadating ako, andito ako palagi para sayo" sabi ko sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Nakita kong tumawid si Cath galing sa kabilang parte ng kalsada para puntahan ako nang may narinig akong malakas na tunog.
Nagising ako sa pagkakatulog ng tumunog ang cellphone ko, umupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.
"A-ano yon? C-cath?? si Cath!" sabi ko sa sarili ko at biglang napagtanto na panaginip lang ang lahat ng yon.
"Panaginip? p-pero pakiramdam ko ay totoo! b-bakit, bakit ganon?" hinihingal na bulong ko sa aking sarili.
PANAGINIP NGA BA TALAGA ANG LAHAT?
![](https://img.wattpad.com/cover/374818651-288-k160163.jpg)
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...