"LOVE STORY"
Tahimik ang paligid ngayon dito sa rooftop ng isang building sa Liamson at wala ring ibang mga estudyante na tumatambay dito ngayon.Naisipan namin ni Nicole na pumunta rito pagkatapos naming kumain dahil may oras pa naman kami.
"Mark? is that... even possible?" bulong ni Nicole at sakto lang naman na marinig ko.
Naka tayo siya sa may harap ng mga rails at naka tingin sa mga asul na ulap.
Tumayo naman ako sa gilid niya habang naka pamulsa.
"Just trust her" sagot ko sakanya.
Napansin ko ang pag buntong hininga ni Nicole habang naka hawak siya sa mga rails.
"Medyo naguguluhan pa ako pero..."
Lumingon siya sakin at ngumiti bago tapusin yung sinasabi niya.
"Alam ko namang andyan kayo para samahan ako, diba?" ani niya.
Pinag masdan ko ang mukha niya habang nag sasalita siya at hindi ko maiwasang tumingin pa ng mas malalim sakanya.
Nararamdaman ko ang tibok ng puso ko ngayon, bumibilis na tila ba'y may hinahabol. Ngayon ko lang 'to naranasan, sakanya lang at siya lang ang nag paranas sakin non.
"Andito lang ako para sayo" sagot ko sakanya at nang mapagtanto ko na napa tigil siya ay agad ko rin namang binago yon.
"I mean... andito lang kami ni Louise! alam mo yon? kasama mo kami, kasama ka namin" pag babago ko at napa hawak pa ako sa likod ng leeg ko ngayon dahil nakaramdam ako ng kahihiyan at medyo... namumula na rin ako. mark naman kasi.
Ngumiti naman si Nicole at tumango habang naka tingin pa rin sakin.
"Thank you, Mark" halos bumilis pa ang tibok ng puso ko nung marinig ko yung boses niya, sobrang gaan sa pakiramdam at ewan ko ba, iba yung tama non.
Ganito rin ba nararamdaman ni Cath kapag kausap niya mga crush niya? parang hihimatayin na ako rito e.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil wala na akong maisip. Tumango nalang ako sakanya at nginitian siya.
Nang mapagod kami kaka-tayo ay napag desisyunan namin na umupo sa bench na andon habang pinapanood ang kulay asul na kalangitan.
"Ang ganda nila, Mark" ani ni Nicole.
Ngumiti ako at lumingon sakanya bago sumagot.
"Maganda nga" sagot ko at hindi ko namalayan na naka titig pala ako sakanya ngayon. ihhh! lumingon siya!
Nag tama yung mga mata namin ni Nicole at ilang segundo pa ay may mga memory anomalies na naman na nag pakita sa memorya ko.
Mga memory anomalies na.... kasama ko siya!?
Sinubukan ko pang tumingin sa mga mata niya nang matagal at patuloy pa rin na nag papakita sa memorya ko yung mga anomalies na yon, kasama ko nga siya... mag kasama kami sa mga memoryang yon na galing sa nakaraan.
Nakita ko rin ang pag bago ng expression sa mukha niya ngayon, possible ba na... parehas lang ang mga nag papakita sa mga memory anomalies namin? iisa lang ba ang tumatakbo sa utak naming dalawa?
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang isang memory anomaly, kung saan... naka luhod ako sa harap niya habang nasa harap ng mga alon at tumama ang tuhod ko sa buhangin at... may hawak na sing sing.
Ang iba roon ay medyo malabo at sobrang bilis pa, hindi ko pa makita nang maayos pero malinaw na sakin ngayon ang ibang mga pinapa-hiwatig ng mga memory anomalies na yon.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...