"Nandyan ba si Siddharth Mallari?"tanong ko sa secretary niya.
Ngumiti siya at tumango. Madalas akong magpunta dito noon kaya kilala na ako ng mga nagtatrabaho doon bilang girlfriend ni Siddharth. Tinahak ko ang daan patungo sa office niya. Nang makarating ay nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ba o hindi, pero sa huli ay kumatok pa rin ako ng tatlong beses bago iyon binuksan.
"Aurelia?"
Tila hindi inaasahan ang aking pagdating. Tumayo siya at inaya akong maupo sa bakanteng silya pero tumanggi ako.
"Buntis ako."
Hindi ko man lamang mabakasan ng pagkagulat ang kaniyang mukha. Kung ganoon ay alam na niya? Ngunit papaano naman kaya at kanino niya nalaman?
"Magugulat ka ba kung sasabihin kong gusto kong akuin mo ang dinadala ko?"
Napakunot ang kaniyang noo at naglakad papalapit sa akin.
"Huwag mong sabihing tinanggihan ka ni Jose Cuervo?"mariing tanong niya kaya napangisi ako.
"How did you know it was him?"
"Nagkausap kami ng kapatid mo at nabanggit rin ni Donovan sa akin na nagdadalang tao ka. Inuulit ko, tinanggihan ka ba ni Jose Cuervo?"
"He didn't. Gusto niyang magpakasal kami."
"That's good, then congrats—"
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na pinatama sa kaniyang mukha ang aking palad.
"Congrats? Really, Siddharth?! I am your ex-girlfriend, and Jose Cuervo is your goddamn friend! Saan ka kumukuha ng lakas na sabihin 'yan?"
Nangilid ang luha sa aking mga mata.
"I've expected too much from you! Mas gusto ko pang magalit ka sa akin dahil sa nangyari kaysa sa ginagawa mo ngayon! Pinatutunayan mo lamang sa akin kung gaano mo k-kamahal si Agacy at kung g-gaano ka kawalang pakialam sa akin."
"Aurelia, calm down. Baka kung mapaano ka at ang baby mo."aniya at akmang hahawakan ako pero sinampal ko siyang muli.
"You knew how much I love you, right? Kaya g-ginamit mo ako pero hindi naman nagtagumpay. P-pwede ba akong humiling? Can you father my child, Siddharth? Ang u-unfair naman ata kung hindi rin k-kita pwedeng gamitin kagaya nang ginawa mo sa akin."umiiyak na sabi ko. Tinangka niya akong hawakan pero lumayo ako.
"Stop! Don't t-touch me!"
"I'm really sorry, I can't marry you. Minahal kita pero si Agacy pa rin talaga. I don't want us to suffer anymore."
"I hate you! But you know what? I hated myself more for coming here and asked you to take responsibility for me and my child!"
Lumambot ang kaniyang ekspresyon at inilang hakbang ako. He hugged me, and I lost it. Umiyak ako nang umiyak sa mga bisig niya, nang maging kalmado ay nagpasya akong itulak siya palayo sa akin. Nginitian ko siya.
"H-hindi ka nasaktan noong sinabi kong nabuntis ako dahil hindi mo talaga ako minahal. Wala ka talagang pakialam sa mararamdaman ko."
"It wasn't like that. I cared for you!"
"Then why you can't love me the way you did to Agacy?!"
Pumikit ako nang mariin nang hindi siya sumagot.
"I just hope karma will hit you so fucking hard, so you'll knew how much you've hurt me, Siddharth."
"Anak, pupunta pala dito bukas ang pamilya ni Jose para mamanhikan."wika ni Mommy nang makitang nasa sala ako.
Napansin kong wala doon si Kuya Donovan. Hindi ko pa pala nasasabi aa kanila ang desisyon ko at hindi na dapat pang patagalin iyon dahil masyado na silang maasikaso sa kasal namin ni KC na kailanman ay hindi mangyayari.
"I don't want to marry him."wika ko dahilan upang lingunin nila akong muli.
"Anong sinabi mo, Aurelia?"tanong ni Daddy gamit ang seryosong tono.
"Ayaw ko pong magpakasal."pag-uulit ko.
"Bakit naman, anak? Inako naman ni Jose ang responsibilidad niya, hindi ba? May problema ba? Nag-away kayo?"nag-alalang lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang aking kamay.
"May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?"
Umiling ako bilang sagot. Sa katunayan ay ilang beses na akong kinontact ni JC, ngunit hindi ko siya sinasagot.
"Basta, ayoko po. I don't love him and I don't want to sacrifice my own marriage just because of this baby!"
"Aurelia! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anak mo ang tinutukoy mo!"bakas ang galit sa boses at mga mata ni Daddy.
"It wasn't made out of love. It was pure lust, Dad! And you know what? If I have a choice, I would abort this baby—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sampalin ako ni Mommy. Nanginginig ang kaniyang kamay habang nakatitig nang masama sa akin kasunod ng pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Are you really my Aurelia? Gusto mong mawala ang sarili mong anak dahil sa sarili mong kagagawan? Yes, even if she or he wasn't made out of love, the baby is still inside your womb! Konektado kayo ng anak mo at sa bawat sinasabi mong masamang salita tungkol sa kaniya ay nasasaktan siya! Anong karapatan mong sisihin ang isang batang walang kamuwang-muwang?"
Tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata.
"This baby ruined my life, Mommy! Ngayong buntis na ako ay kailangan ko ng talikuran ang lahat! I have to marry a man that I don't really know personally!"
"Shut up, Aurelia! You're going to marry JC for the sake of your baby! At kung gusto mo talagang magtrabaho, gawin mo kapag nakapanganak ka! Hindi ko maatim na marinig ang mga sinasabi mo ngayon. Parang hindi na ikaw ang anak namin ng Mommy mo."seryosong sabi ni Daddy habang inaalo si Mommy.
"I hate you, D-Dad!"
"And I hate you too for being selfish! Kung ayaw mo palang mabuntis ay hindi mo na sana iyon ginawa! Huwag na huwag mong sisisihin ang bata sa sinapupunan mo dahil higit sa lahat ay ikaw ang mas may isip at nakakapagdesisyon. Subukan mong ipalaglag 'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Pinalaki ko kayong lahat at kung maaari ay hindi namin pinagbuhatan ng kamay pero sumusobra ka na!"
Sa sobrang sama ng loob ko ay tinalikuran ko sila at mabilis na umakyat sa aking kwarto. Hindi nila ako maintindihan! Noong una ay alam kong kahit papaano ay masaya ako dahil sa sinabi ni JC na pananagutan niya ako pero dahil sa narinig sa pag-uusap nina Agacy ay bigla akong nawalan ng amor. Pakakasalan niya lamang ako nang sa ganoon ay wala nang humadlang pa sa relasyon nina Siddharth at Agacy.
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...