Chapter 24

10 2 0
                                    

Napahinto ako sa pag-scroll sa newsfeed ng social media account ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si JC. Marahil ay napatulog niya na si Aurora. Nagtama ang aming paningin ngunit ako na ang naunang nag-iwas. Pinilit kong inabala ang aking sarili sa paniningin ng maaaring i-post na picture.

Nakita ko sa peripheral vision ko na naupo si JC sa dulong bahagi ng kama. Dahil nakatalikod naman siya ay ibinaling ko na nang tuluyan ang aking mga mata sa kaniya. Simula noong sinundo ko si Aurora ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Hindi ko rin naman aakalaing sasabihin niya ang mga salitang iyon sa harapan ni Agacy.

"Bakit hindi mo siya magawang kalimutan?"tanong niya na kagaya kanina ay hindi ko na naman inaasahan.

Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay ngayon lamang niya ako tinanong ng ganoon. Hangga't maaari ay siya pa nga ang umiiwas na mabanggit ko si Siddharth. Tuluyan nang nasira ang kanilang pagkakaibigan at alam kong hindi ako ang rason non kundi si Agacy.

"He's my first love."mahinang sagot ko.

"And your first heartbreak. He broke up with you, and it's been almost five years since it happened. He used you to get over from Agacy, and I know you have an idea about it."

Hindi pa rin siya lumilingon ngunit batid kong salubong na ang kaniyang mga kilay. Bakas na bakas rin ang galit sa pagkakadiin ng bawat salitang binibitawan niya. I seriously felt nothing upon hearing Siddharth's name. Nakakatawa lang dahil hanggang ngayon ay inaakala pa rin nilang hindi ako maka-move on kay Siddharth. Matagal na, tanging galit lamang ang nararamdaman ko para sa lalaking iyon. Hindi ko matanggap na ginamit niya ako, iyon ang bagay na hindi ko makalimutan.

I love no one aside from my family and friends, at kung tatanungin kung mayroon ba akong lalaking magugustuhan ay alam ko sa sarili kong wala akong maisasagot. I've moved on from Siddharth and about Jose Cuervo? Baka kung hindi ko pa nalaman na planado ang aming pagpapakasal ay matagal na akong nahulog sa kaniya.

He's a good catch, I must say that because that's the truth. He has the looks, a Greek god's body, and he's damn wealthy. Ang pamilya niya ang pumapangalawa sa pinakamayamang angkan sa bansa, ang una ay ang mga Herrera at ang ikatlo naman ay ang mga Morozova. Kahit hindi ako magtrabaho at magwaldas ng milyon-milyon kada araw hanggang sa mamatay ako ay hindi siya mamumulubi. Pero hindi ako ganoong babae, mas gugustuhin kong pinaghihirapan ko ang mga bagay na nagugustuhan ko bago makuha. Isa pa, I have my own money.

"Do you really love me, JC? Ganito ba kalalim ang pagmamahal mo sa akin para saktan ang sarili mo? Sinabi ko na sa'yong si Siddharth pa rin at mananatiling siya habang buhay."pagsisinungaling ko.

Ibinaba ko ang aking cellphone at tumayo. Naglakad ako patungo sa kaniyang harapan. Huminto ako. Nagkatagpo ang aming paningin. Umangat ang gilid ng aking labi bago dahan-dahang hubarin ang suot na roba. Maging ang aking pantulog ay inalis ko. I am fully naked infront of my husband. Tumikom ang kaniyang mga labi nang mas mariin habang ang mga itim na mata ay pinasadahan ng sulyap ang aking kabuuan.

"What's stopping you from touching me? Ito na nga lang ang makukuha mo sa akin, ayaw mo pa? Uupo ka na lang ba dyan at tititigan ako?"nanghahamong tanong ko.

Tumayo siya at inilang hakbang ako. Hindi ko alam ngunit nang hawakan niya ang aking pisngi ay bumilis ang tibok ng aking puso. Hinaplos niya iyon bago pinatakan ng halik ang ibabaw ng aking noo. Yumuko siya at ang akala ko ay may gagawin na ngunit nakita kong pinulot niya ang aking mga saplot sa sahig at muling pumantay sa akin. Umawang ang aking labi sa pagkabigla. Pinakatitigan niya ako.

"I want your body, Aurelia, but I want your love more than that. I married you because I love you and I hope someday you'll realize how much I cared for our family. I hope that you'll give me a chance and learn how to accept my feelings for you."

Hindi ko magawang makapagsalita. Siya na mismo ang nag-angat sa aking mga braso upang maisuot muli ang aking pantulog. Nang matapos ay tinalikuran niya ako at walang pasabing lumabas ng aming kwarto. Napahawak ako sa aking bandang dibdib nang maramdamang lumalakas at bumibilis ang tibok ng aking puso. Tila mayroon ring kung anong kumukiliti sa aking sikmura.

Napakatagal na noong huling beses na naramdaman ko ito, taon na ang lumipas. Pinahid ko ang tumulong luha sa aking mga mata. Kahit na anong sabihin niya ay hindi ako magpapadala. Hindi na ako magpapauto pa sa kahit na sinong lalaki. Bago ako natulog ay itinatak ko sa aking isipan ang mga rason kung bakit ayaw kong mahalin si JC.

Pansin ko ang panlalamig sa akin ng aking asawa nitong mga nakaraang araw. Para bang iniiwasan niya ako. Kahit na gusto ko siyang komprontahin ay pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Pagkalabas ko ng meeting ay natanaw ko si Alyssa, ang aking secretary na tila nagmamadaling lapitan ako.

"What's the problem?"kunot noong tanong ko.

"Ah eh, wala naman po. Sasabihin ko lang po sana na may bisita po kayo kaya pinapasok ko na po sa office n'yo."

"Sino? Si Mommy?"

Umiling siya habang naglalakad ng mabilis dahil hindi siya makahabol sa akin. Maliit kasi ang kaniyang paghakbang. Si Jose Cuervo kaya?

"My husband?"

"Siddharth Mallari daw po."

Napahinto ako at halos mapako sa kinatatayuan.

"Who?!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata na tila nagulat sa pagtaas ko ng boses.

"S-Siddharth Mallari po, bakit po? Banned po ba siya sa company? Mali po ba ang ginawa kong pagpapatuloy sa kaniya?"nagpa-panic na tanong niya.

Ilang segundo akong tila wala sa sarili bago umiling bilang sagot sa kaniya. Pinaalis ko na si Alyssa at tinungo na ang daan papunta sa aking office. Isang malaking himala ang pagpunta ni Siddharth. Ilang taon rin siyang hindi umuwi sa Pilipinas at ngayon ay mababalitaan kong nandidito siya? Tss! Kalokohan!

Pinihit ko ang pintuan at kaagad na hinanap ng aking mga mata si Siddharth. Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon siya, nakatalikod pa habang nakatanaw sa labas ng opisina ko. Isinara ko ang pintuan kasunod nang pagharap niya sa akin.

"It's nice to see you again, Aurelia."aniya at ngumiti pa nang bahagya. He looks more manlier now, mas lumaki ang katawan ngunit bagay naman sa kaniya.

"What's nice to see an asshole like you?"balik tanong ko.

Natawa siya nang mahina. Naglakad ako papalapit at nag-cross arms sa kaniyang harapan.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo papunta dito?"

Sumandal siya sa gilid ng sofa.

"I miss you, I guess?"he chuckled at sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi.

He's really an asshole!

Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pintuan kaya napadakong pareho ang aming tingin doon. Ang akala ko ay si Alyssa lamang ngunit ganoon ang kabang naramdaman ko nang makitang si JC iyon. Napaayos ako nang pagkakatayo at tuluyan siyang hinarap. Dumako ang tingin niya kay Siddharth bago ilipat iyon sa akin. Umawang ang kaniyang labi at napangisi, ngunit bakas na bakas ang galit sa kaniyang mga mata. Kumuyom ang kaniyang mga palad.

"Long time no see, Villamor."mapanuyang tawag ni Siddharth.

"Not so nice meeting you again, motherfucker."bati rin ng asawa ko.

"Jose,"mahinang tawag ko nang muli niyang isara ang pintuan.

Now, I am dead! Ni hindi pa nga kami bati sa huling pag-aaway namin ay lalo pang lumala! Ang masama pa nito ay si Siddharth ang dahilan!

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon