Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Aurora na tila may kausap sa phone. Nakikita ko pa kung papaano siya ngumiti at humagikhik. Sino naman kayang kausap niya? May kung anong kaba akong naramdaman habang iniisip na sana ay si JC iyon.
"Okay po, Daddy! I love you too!"aniya bago iabot kay Ruth ang cellphone.
So, ang asawa ko nga?
"Mommy!"sigaw ni Aurora nang makita ako. Ngumiti ako at yumuko upang mahalikan siya.
"How's my baby? Kumain ka na ba?"
Tumango siya bago tumakbo pabalik sa kaniyang pwesto kanina at naglaro doon. Nilingon ko si Ruth at nakitang lalapit na siya kay Aurora para bantayan ang bata nang senyasan ko.
"Ruth, come here."utos ko dahilan upang mapalingon siya at dumiretso sa akin.
"Yes po, Ma'am?"nakangiting tanong niya.
"Uh, si JC ba ang kausap ni Aurora kanina?"tanong ko kahit narinig ko namang nagpaalam si Aurora sa kaniyang ama. Gusto ko lamang makasigurado.
"Opo, si Sir Jose nga po. Kaso mabilis lang po ang pag-uusap nila. Super busy ata ni Sir sa trabaho."
"Ganoon ba? Wala ba siyang nabanggit kung nasaan siya o kung kailan siya uuwi?"
"Uy! Si Ma'am namimiss si Sir!"tukso niya kaya nanlaki ang aking mga mata.
"What? No! Hindi ko siya nami-miss! I was just asking, okay? Baka kasi hanapin siya ni Aurora at wala akong maibigay na sagot."
"Ah, okiee po. Pero mukha pong alam ni Aurora kung nasaan ang Daddy niya. Hindi ko po kasi naririnig masyado ang pinag-uusapan nila."
Tumango ako at inutusan na siyang bumalik kay Aurora. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Nasaan na ba siya? Hindi ba niya alam na nakakapag-alala ang ginawa niyang pag-alis? Tsk Matapos akong makapagbihis ay nilapitan ko si Aurora. Pinagpahinga ko na rin muna si Ruth dahil mukhang napagod siya kakaalaga sa aking anak.
"Aurora, is it okay if Mommy asks you a question?"tanong ko habang sinusuklayan siya.
"Opo."
"Uhm, alam mo ba kung nasaan ang Daddy mo? May nabanggit ba siya sa'yo?"
Umiling siya nang sunod-sunod.
"He only said he is somewhere far away, kapag balik na siya ay madami daw po akong toys, dress, and shoes!"
Gaano kalayo?
"Don't you miss him na? Hindi mo ba siya inaayang umuwi na dito?"
"I miss him po, and he said he misses me too. Sometimes, we do video chat, Mommy. Why po? Do you miss Daddy na?"tanong niya sabay lingon sa akin.
"H-ha? Ah.. eh.. k-kinda?"
"He said I don't have to worry about him. Oh, I forgot to tell you that he dropped by at my school and he brought me lunch!"
Tila may kung anong kumurot sa aking puso. Kung ganoon ay kay Aurora lang siya nagpapakita at tumatawag. Tumingala ako dahil tila nangingilid na ang aking mga luha. Bakit parang ang sakit? Ganito rin kaya ang nararamdaman ni JC noon sa tuwing binabalewala ko siya?
Naalala ko, nagkataong mayroon akong pinuntahang fashion runway sa Milan noon kasama sina Mommy at Tita Monroe. One year old pa lang noon si Aurora pero naiiwanan ko na siya kay JC. Dapat isang linggo akong mag-stay sa Milan habang isang araw lamang sina Mommy doon. Sa pangalawang araw ay panay na ang text at tawag sa akin ni JC. Maski sina Mommy ay inabala rin niya para anungin kung ayos lang ba ako.
And then on the other day, nakita ko na lamang siya sa labas ng pintuan ng tinutuluyang kong hotel. Talagang dumiretso siya papunta doon para lang siguruhing ayos lamang ako. Noong umuwi kami ay napagalitan pa siya ng kaniyang ama dahil may hindi ito natapos na trabaho sa opisina. Sinigawan at inaway ko pa siya noon dahil napaaga ang uwi ko.
Marami pang pagkakataon na binalewala ko si JC at ang iba ay mas malala pa doon. Habang binabalikan ko ang mga alaala ay napagtanto kong totoo nga pala talagang nakakasawa nga ang ugali ko. Baka nga tama si Agacy at ang mga magulang ko, baka tuluyan na siyang napagod sa akin.
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay,
I'm with you through all the way~"Could you please stop singing, Lavinia?!"iritadong utos ko.
Ngumisi lamang siya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Why naman? Relate ka ba, Mrs. Villamor?"
"Of course... not!"
"Don't me, Aurelia Villamor! Narinig kaya kitang pinapakinggan 'yung kantang 'yon habang nakatulala. Still wondering kung si Jose Cuervo ba ang iniisip mo."natawa pa siya sa kaniyang sinabi habang ako ay napairap. Sino pa kayang iisipin kong ibang lalaki bukod sa napakagaling kong asawa?
"Tsk! No way."
"Hindi mo ba siya nami-miss? Almost five months na din siyang hindi umuuwi. Grabe rin pala 'yon magtampo, ano? Kung ako ikaw baka hindi na ako mapalagay."
"Let him be. Aalis-alis siya tapos ine-expect niyang hahanapin ko siya?"
Yeah right, Aurelia! Palagi mo ngang tinatanong sina Ruth at Aurora!
Napapailing na lamang ako sa aking mga naiisip.
"Anyway, may suggestion ako sa'yo para malaman mo kung nasaan na si Jose."
"Ano naman?"maagap na tanong ko dahilan upang mapangisi siya lalo.
"Hindi raw interesado pero kitang kita ko naman sa mga mata mo na kuryosong kuryoso ka! Ipokrita ka rin pala, Aurelia."
"Tsk! Ano nga? Sabihin mo na lang."
"Whatever! Bakit hindi ko kaya tanungin sina Tita Emersyn kung nasaan siya? I'm pretty sure alam nila kung nasaan ang anak nila. Baka nga nagpaalam pa 'yon bago umalis, sa'yo lang talaga hindi ipinaalam kung saan siya pupunta. At kung nahihiya kang talagang itanong, I suggest dalhin mo si Aurora at gamiting excuse."
Nagtaas-baba pa siya nang kilay sabay hawi sa kaniyang buhok na tila napakaganda ng kaniyang suhestyon. Napangiwi ako.
"What? That's ridiculous, Lavinia! Nakakahiya kayna Mommy! Hinding hindi ko gagawin 'yan."
Napahinto kami sa pag-uusap nang marinig ang papalapit na mga yabag.
"Ninang!"sigaw ni Aurora nang makita si Lavinia.
Off ko ngayon at wala ring pasok si Aurora kaya nasa bahay lamang kami. Dumalaw si Lavinia, habang si Roselle ay nag-out of town.
"Hi, my pretty inaanak! Can I have a warm hug and a kiss from you?"
Niyakap siya ni Auroda at kaagad na humalik sa kaniyang pisngi. Napangiti ako sa nakita. My baby is too sweet.

BINABASA MO ANG
All for You
RomansaAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...