Chapter 17

8 3 0
                                        

Umalis si JC sa bahay, nagpaalam siya sa akin kanina kaya awtomatiko naman akong pumayag kahit na gusto ko siyang nasa tabi ko. Almost 8 PM na at kararating lamang niya galing sa trabaho. Kanina pa ako nakakain ng dinner, habang siya ay abala pa rin sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

Bitbit ang isang tasang kape at isang slice ng cake ay lumapit ako sa kaniya at inilapag iyon sa gilid ng kaniyang table. Napahinto siya at nag-angat ng tingin sa akin. Nakasuot siya ng eyeglasses at hindi ko maitatangging bagay iyon sa kaniya.

"Thank you."ngumiti siya nang bahagya at tumayo mula sa kinauupuan. Hindi na ako umiwas nang dampian niya ng halik ang aking labi.

"Go to sleep, Lia. Bawa sa'yo ang mapuyat."aniya bago muling naupo at ibinalik ang atensyon sa laptop.

"Papaano ka? Matutulog ka na rin ba?"

Nakita kong bahagya siyang natigilan.

"Hindi pa, mamaya na siguro. Mauna ka na. Marami pa akong kailangang tapusin."

Napanguso ako bago tumango kahit na hindi niya nakikita. Tinungo ko ang aming kama at nahiga na doon. Nakaramdam ako ng kaunting inis sa kaniyang ama. Hindi ba sinabi ni JC na kaya siya nale-late ay dahil sa akin? Na may buntis siyang asawa na kailangan ng atensyon at kalinga? Goodness! Siguro ay babad si Dad sa trabaho noong ipinagbubuntis pa lamang nina Mommy Emersyn ang mga anak nila.  Nakailang lipat na ako ng pwesto pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Mukhang napansin iyon ni JC kaya napalingon siya sa akin. Kaagad siyang lumapit at tinungo ang aking pwesto.

"What's wrong? May masakit ba sa'yo?"tanong niya.

"Wala, hindi ako dalawin ng antok."tinatamad na sagot ko bago muling pumikit.

Ilang minuto pa ay naramdaman kong mayroong tumabi sa akin at ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si JC. Hinaplos niya ang aking buhok na para bang patutulugin niya muna ako bago muling ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Kahit na ayaw ko siyang abalahin ay hindi ko napigilan ang sarili na pumikit muli at hayaan siya. Humarap ako sa kaniyang gawi at hindi na nahiyang idantay ang aking braso at hita sa kaniyang katawan. Kagaya ng dati ay ilang sandali pa at nakatulog na ako.

"Grabe ka naman, Aurelia! Edi napagalitan si Jose Cuervo nang dahil sa'yo?"nakangiwing tanong ni Roselle.

Kasama ko sila ngayon dahil kakatapos lamang naming magpunta sa OB ko. Si Mommy sana ang sasama pero may kinailangan siyang puntahan kaya naman hindi natuloy. Ayaw ko rin namang abalahin si JC dahil baka mapasama siyang lalo sa kaniyang ama kaya sina Roselle at Lavinia na lamang ang tinawagan ko.

"Hindi ko naman kasi alam na pagagalitan siya ni Dad. Ewan ko ba pero gustong gusto ko talaga siyang nakikita."

"Baka in love ka na! Ayieee!"giit ni Lavi sabay tawa nang malakas nang samaan ko siya ng tingin.

"Choss lang! Pero baka naman siya ang pinaglilihihan mo kaya ganern!"

Nagkibit balikat ako.

"Sa rest room lang ako."paalam ni Roselle bago tumayo.

"Ako rin, wait mo na lang kami dyan, Aurelia."segunda ni Lavinia kaya tumango ako.

Tinatamad rin naman akong sumama sa kanila. Iginala ko ang aking paningin sa mga dumadaan sa harap ng restaurant na kinaroroonan ko. Nakaramdam ako ng panlalamig nang makita si Siddharth na bumaba mula sa kaniyang kotse, kasama niya si Tita Venus. Ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko nang makitang pumasok sila sa loob.

Nagpalinga-linga si Tita Venus na tila naghahanap ng mauupuan. Wala sa sariling tumayo ako. Naagaw ko ang kanilang atensyon at ganoon na lamang ang pagkagulat sa kanilang mga mata nang makita ako.

"Aurelia?"patanong na tawag ni Tita bago lumapit sa aking gawi upang makasiguro.

Ngumiti ako sa kaniya. She was so nice to me when Siddharth and I were  still together.

"Hi, Tita Venus."

Ngumiti siya at napababa ang tingin sa aking baby bump.

"Ilang months na? Mukhang malapit ka ng manganak. By the way, congrats."

"Seven months na po."sagot ko bago inilapat ang tingin kay Siddharth.

Halos ilang buwan ko rin siyang nakita at ito ang unang beses simula noong ikinasal ako kay JC. Pakiramdam ko ay bumabalik sa aking lahat, ang pakikipag-break niya sa akin, ang pagmamakaawa ko sa kaniya at ang kaniyang pagtanggi. Ngumiti siya ngunit hindi ko alam pero nangilid bigla ang aking mga luha.

"Agacy didn't choose you, Siddharth. Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kaunting pagsisisi noong iniwan mo ako?"

Hindi ko na inalintana kahit na nasa harapan ko pa ang kaniyang ina.

"Aurelia, it's much better if we don't talk about it anymore."aniya kaya napangiti ako kasunod ng pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi ka nagsisi dahil hindi mo talaga ako minahal."

"Aurelia? Darling?"bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Tita.

Nag-iwas ako ng tingin kay Tita Venus at mabilis silang tinalikuran. Tinungo ko ang rest roo. kung saan nandodoon sina Lavinia at Roselle. Nagulat pa ang dalawa nang makitang umiiyak ako.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

"Siddharth is here with Tita Venus. N-na-realize kong h-hindi pa pala talaga ako nakaka-move on sa kaniya. Ang sakit lang sa tuwing iisipin kong hindi niya talaga ako minahal."

"Aurelia, may be you should also realize that you are a married woman now. Kay Jose Cuervo mo na dapat ituon ang atensyon mo dahil siya ang asawa mo, lalo pa ngayon ay malapit nang lumabas ang baby n'yo. Kalimutan mo na si Siddharth dahil ikaw na rin ang nagsabing hindi ka talaga niya minahal. What's the point of loving a man and cherishing your memories with him gayong hindi naman siya nagpakatotoo sa'yo? Na may iba siyang babaeng minamahal?"mahinahong paalala ni Lavi.

Hindi ako nakasagot at tanging pag-iyak lamang ang aking nagawa. Pagkalabas namin ng rest room ay kaagad hinanap ng aking mga mata sina Siddharth ngunit wala na sila doon. I sighed. Nagpahatid na lamang sa aking mga kaibigan pauwi sa bahay. Kahit ayaw nila akong iwanan ay pinilit ko silang umalis dahil alam kong abala silang pareho sa kani-kanilang mga buhay.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon