Chapter 22

7 1 0
                                    

"Sino ba kasi 'yung lalaking sinasabi ni Aurelia? Nag-uwi ka talaga ng lalaki sa bahay mo?"napapailing na usisa ni Roselle kay Lavinia. Inismiran kami ng aming kaibigan.

"We had sex, masaya na kayo?"

Umawang ang aking labi at hindi na napigilang matawa sa kaniyang sinabi lalo na nang makita ang nakakatuwang reaksiyon ni Roselle.

"What the hell, Lavinia?! Virgin here! Hindi ko naman tinatanong kung may nangyari, ang sabi ko sino?"

"Ganoon na din 'yon. Ayaw kong sabihin, ipang-aasar n'yo lang sa akin 'yon. Pero itago na lang natin siya sa pangalang TJ."

"TJ? Initials ba 'yon ng pangalan niya?"kunot noong tanong ko.

Sumilay ang mapaglaro niyang ngisi bagp dumukwang ng bahagya sa aming table.

"Short for Tender Juicy."

"Crazy woman!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa kaniyang pinagagagawa. Nag-vibrate ang phone ko at nakitang nag-text si Mommy.

"Hindi mo sinamahan si Aurora sa family day niya at hindi ka rin pumasok sa trabaho kaya nasaan ka ngayon?"

Umawang ang aking labi at mabilis na nagtipa ng mensahe.

"Who says? Jose Cuervo?"

"Your father and I went to her school, and I saw Agacy with Jose! What the hell were you thinking? You're letting that woman get near to your husband and daughter!"

"Let them, I know about that. And I'm with my friends right now, Mommy."

"Tsk! Hindi na ako magtataka na baka bukas ay hiwalay na kayo."

Imbis na mag-reply ay ibinalik ko na lamang ang aking cellphone sa loob ng aking bag.

"Oh, bakit mukhang nawala ka sa mood? Anong nangyari?"tanong ni Lavi sa akin.

"Mom texted me, nakita niya raw sina Agacy at JC sa school ni Aurora."

Nanlaki ang kanilang mga mata.

"Talaga raw? Ano 'yon? Nagpapaka-mommy siya sa batang hindi niya naman anak?"

"Well, family day daw ngayon at alam ko rin naman na pupunta si Agacy. He even asked for my permission to let Agacy act as Aurora's mother."

"At pumayag ka naman? God, Aurelia! If I were in your situation, I would do something! She's stealing not just your husband but your daughter, too."bakas ang inis sa mukha ni Lavinia.

"Bakit hindi ka naman kasi nagpunta? Ikaw naman 'yung tunay na nanay ni Aurora."segunda ni Roselle.

"Dahil dito, inaya n'yo akong lumabas kaya hindi ako nakapunta."

Umawang ang kanilang labi na tila isang biro ang aking sinabi.

"Nagpapatawa ka? Kung ako ikaw mas pipiliin ko ang family day na 'yon kaysa sa lakad ng mga kaibigan ko. I appreciate na mahalaga kami sa'yo pero anak mo 'yon, Aurelia. Hindi mo man lang ba naisip na masasaktan si Aurora?"

Napakunot ang aking noo.

"I already explained my reason to her, and she understands naman."

"Kahit na, she's just a kid for pete's sake! Hindi niya maiintindihan 'yon. I know that feeling, Aurelia. Alam mong hindi ako kailanman naging close sa Mommy ko. Kinamumuhian niya ang aking ama at dahil doon ay nadamay ako. Alam mo kung gaano kasakit para sa akin ang ginawa niya."

Hindi ako nakapagsalita, lalo na nang makitang nangilid ang luha sa mga mata ni Lavinia.

"I'm sorry, but I am mad at what you did to Aurora. Hindi ka na naawa sa bata. Naiintindihan kong galit ka kay Jose Cuervo pero huwag mo siyang idamay sa galit mo."

"Lavinia,"tawag ko nang tumayo siya at walang paalam na iniwan kami ni Roselle. Naramdaman kong tinapik ng bahagya ni Roselle ang aking kamay. Ngumiti siya sa akin.

"Hayaan mo muna 'yon. Nasobrahan ata sa cum ni TJ."aniya na hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi.

Ilang oras pa kaming naglibot ni Roselle sa loob ng Mall bago siya nagpaalam. Nanatili ako doon at tinungo ang ilang shop upang ibili ng mga pasalubong si Aurora. Karamihan doon ay mga damit at laruan. I even bought her a new pair of shoes. Mahilig kasi siya doon.

Habang inilalagay ng mga tauhan ng shop ang aking mga pinamili sa compartment ng sasakyan ay itinext ko si Lavinia upang mag-sorry. Noong college pa lamang kami ay ikinukwento niya na sa amin ni Roselle ang tungkol sa kaniyang problema, ang relasyon niya sa kaniyang mga magulang.

Alam kong ang swerte ko dahil mayroon akong mga magulang na kagaya nina Mommy at Daddy, pero bakit hindi ko magawa iyon kay Aurora? Bakit hindi ko siya maalagaan nang walang humahadlang? God knows how much I love that kid. Kung pwede ko nga lamang sana siyang kasama buong araw ay gagawin ko.

"If you don't want me to get mad at you, then treat your daughter right. Baka magsisi ka, isang araw malayo na ang loob sa'yo ng anak mo."

Iyon ang reply ni Lavi sa akin. Napabuga ako ng hangin bago sumakay sa kotse. Marahil ngayon ay tapos na ang event at nakauwi na sina Aurora. I was silently praying that she's not mad at me. I really hope she's not. Gusto ko naman talagang pumunta, ayaw ko lang makita si JC.

Pagkarating ko sa bahay ay ipinark ko ang kotse. Sinalubong ako ng tatlong kasambahay at inutusan ko silang iakyat na sa itaas ang mga pinamili. Tahimik ang buong bahay. Hindi ako sinalubong ni Aurora, hindi kagaya ng parati niyang ginagawa sa kaniyang ama. May kung anong sumakit sa aking dibdib.

"Nakauwi na ba sina Aurora?"tanong ko sa kasambahay.

"Opo, Ma'am. Kani-kanina lang din po."

Tumango ako at nagpasalamat bago umakyat sa third floor. Balak ko muna sanang magpalit ng damit bago puntahan si Aurora nang madatnan ko silang mag-ama na natutulog. May kung anong humaplos sa aking damdamin at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Nakayakap ang binti at braso ni Aurora kay JC. Tahimik akong lumapit at pinagmasdan sila. Marahil ay napagod sila sa kanilang mga activities sa school kanina. Nagtungo ako sa walk in closet upang magpalit. Pagkalabas ko ay natanaw kong nakaupo na si Aurora sa kama habang nagkukusot ng kaniyang mga mata.

"Mommy?"nakanguso niyang tawag nang makita ako.

Lumapit ako at dahan-dahang binuhat siya upang hindi magising si JC. Hinalikan ko ang kaniyang matambok na pisngi at lumabas ng silid.

"Mommy has a lot of pasalubong for you."nakangiting wika ko.

Hindi siya sumagot at sumandal lamang sa aking balikat. Binuksan ko ang pintuan ng kaniyang kwarto. Yale doesn't have any dolls or teddy bears because she's scared, same as Mommy. Noong mga bata nga kami ni Nemesis, kahit na gaano pa namin kagustong magkaroon ng manika ay ayaw niya. Kaya ayon at ang ginagawa na lang naming manika ay si Daddy or si Kuya Donovan. Nakalapag sa ibabaw ng kama ni Yale ang mga laruan at damit na wala na sa loob ng paper bags. Ibinaba ko siya at inakay papunta sa kaniyang kama.

"Baby? Don't you like it?"

Nakatayo siya sa aking harapan. Naupo ako sa kama at hinawakan ang kaniyang kamay. Nakanguso siya at halatang malungkot.

"My classmates now think that my mother is Tita Agacy."aniya na ikinabigla ko.

Inangat ko ang kaniyang baba at nginitian siya.

"But I am your real mother, and you're my only baby."

"They won't believe me cause they never saw you."

"Aurora,"mahinang tawag ko sa aking anak.

"I'll go back to Daddy na po."aniya bago ako talikuran at iwan doon.

Nangilid ang aking mga luha sa kaniyang mga sinabi at wala akong magawa kundi ang palihim na humingi ng tawad.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon