"Fuck this shit!"
Napamura ako matapos makitang mag-positive ang pregnancy test na ginamit ko. Pang-limang beses ko na itong subok at lahat ng resulta ay iisa, buntis ako. Damn it!
Kabadong lumabas ako sa banyo at napaupo na lamang sa gilid ng aking kama habang nakayuko. What will I do?! I got pregnant out of wedlock! Iyon ang pinakaayaw ni Daddy. Ang malala pa doon ay hindi ko naman boyfriend si JC! Ni hindi na nga kami muling nagkita pa matapos ang nangyari sa amin. It's not like I was expecting him to see me again. He's one of the assholes, same as Siddharth.
Kinagat ko ang ibaba kong labi habang dahan-dahang hinahaplos ang aking maliit na puson. Wala pa akong maramdaman doon ngunit dahil sa mga senyales ng pagbubuntis at resulta ng test ay sigurado akong mayroon ng laman ang sinapupunan ko.
Lumipas ang mga araw at ako pa lamang ang nakakaalam ng tungkol sa aking pagbubuntis. Hindi ako makahanap ng tyempo dahil palaging wala sina Mommy at Daddy sa bahay. Wala rin akong lakas ng loob na sabihin iyon kayna Lavi at Roselle kahit na sila pa ang mga pinakamatalik kong kaibigan.
"Ate, what do you want to eat? Cake or Pizza?"tanong ni Nemesis sa akin.
"A piece of strawberry cake will do, Nemesis."
Ngitian ko ang aking kapatid. Umalis na siya upang kuhanin ang pagkaing nais ko. Dinig ko ang mga yabag pababa sa stairs kaya nilingon ko iyon. Ngumiti sina Mommy sa akin nang makitang nakatanaw ako sa kanilang gawi. Hindi ko magawang makangiti pabalik at sa halip ay nangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam pero para bang gusto ko silang yakapin at sabihin ang problema ko.
"Honey, what's wrong? Bakit parang naiiyak ka? May masakit ba sa'yo?"tanong ni Mommy at mabilis na lumapit sa akin kasunod si Daddy.
Hinaplos niya ang aking mukha at doon pa lamang nagsimulang tumulo ang aking mga luha.
"Aurelia? May problema ka ba, anak?"nag-aalalang tanong rin ni Daddy.
"I-I...."
Hindi ko magawang maituloy ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung kaya ko ba o hindi. I am such a disappointment. Hindi ko rin matanggap sa aking sarili ang nangyari kaya labis-labis ang pag-a-alangan ko.
"Bakit umiiyak si Ate? Ano pong nangyari?"usisa ni Nemesis na kababalik lamang dala ang ipinakuha kong cake.
"Anak? Magsalita ka naman, ano bang nangyayari sa'yo? Anong masakit? Hmm?"
Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata bago nagpasya.
"I-I'm hungry."wika ko at tila nakahinga sila nang maluwag doon.
"Oh, god! Akala ko naman kung ano na. Sandali, ano pa ba ang gusto mo at nang maikuha kita?"natatawang tanong ni Daddy matapos yumuko at patakan ng halik ang ibabaw ng aking noo.
"Wala na p-po."
"Kumain ka na, Ate. Ngayon lang kita nakitang umiyak dahil sa gutom."napapailing na wika ni Nemesis.
Muntik ko nang masabi! Bakit kasi hindi ko pa itinuloy? Kahit mabigat ang aking kalooban ay naubos ko ang cake dahil tila iyon ang gusto ng aking anak. Matapos makakain ay nakaramdam ako ng pagkaantok kaya umakyat na ako sa aking silid. Hindi ko alam kung kailan at papaano ko sasabihin pero sana naman ay magkaroon na ako ng lakas ng loob na umamin pagkagising ko, maaaring bukas o sa mga susunod na araw.
Kinaumagahan ay nagkataong kumpleto kaming lahat na kumakain sa hapag. Kakabalik pa lamang kasi ni Kuya Donovan galing Pampanga. Kahit gaano pa kasarap ang ulam sa hapag ay tila wala akong gana. Binitiwan ko ang hawak kong kutsara at pinakatitigan sila. Abala ang lahat sa pagkain at kung minsan ay nagkukuwentuhan. Pinagmasdan ko ang reaksiyon nina Mommy at Daddy at nakikita kong mukhang nasa mood naman sila. Ito na ang tamang oras!
"I am pregnant."mabilis na wika ko kaya napalingon silang lahat sa akin.
"Ano 'yon, anak? May sinasabi ka ba?"nakangiting tanong ni Daddy at uminom ng tubig sa hawak niyang baso.
"Buntis po ako."
"Tangina!"mura ni Daddy at halos masamid na dahil sa pagkabigla. Dinig ko rin ang malakas na pagkalaglag ng mga hawak nilang kubyertos.
Nilingon ko si Mommy at tila hindi ko maintindihan ang kaniyang reaksiyon. Nakaawang ang labi na tila kukunot ang noo ngunit mayroong maliit na ngiti sa labi. Salubong ang kilay ni Kuya Donovan habang si Nemesis naman ay patuloy pa rin sa pagkain ngunit nasa akin ang atensyon.
"Tell me you're kidding."seryosong aniya matapos malunok ang kinakain.
"I am not, I'm really pregnant."pag-uulit ko.
"Oh my god! I should call Venus! We're really going to be magbalae pala after all those years! I'm happy for you, Aurelia. Siddharth will be a good father, we should plan the wedding!"
Nagsimulang tumulo ang mga luha sa aking mga mata sa sinabi ni Mommy. Akmang tatayo na siya para tawagan si Tita Venus pero umiling ako.
"Mom, it.... it w-wasn't him. Siddharth is n-not the father."lumuluhang sabi ko dahilan upang mapaawang ang kaniyang labi.
"Aurelia Alvarez?! Anong sinasabi mong hindi siya ang ama? Siya ang boyfriend mo, hindi ba? Huwag mong sabihing ginawa mo ang bagay na iyon sa ibang lalaki?"tila hindi makapaniwalang tanong ni Daddy na tila ngayon pa lamang nakabawi dahil sa pagkabigla.
Napahikbi ako. Naramdaman kong hinaplos ni Kuya ang aking likuran upang pakalmahin ako.
"We broke up, Dad. He broke up with me almost two months ago. And yes, for the last time, h-he's not the father of my baby."
Pumikit nang mariin si Daddy at napatungkod na lamang ng kamay sa kaniyang noo. Narinig ko ang paghikbi ni Mommy at doon ko nakitang lumuluha na rin siya kagaya ko.
"Then sino? Sabihin mo sa amin kung sino ang ama ng dinadala mo."
"I can't–"
"Aurelia, isa! Sino sabi?! Huwag mo akong sagarin!"sabat ni Daddy at hinampas ang ibabaw ng lamesa.
Lumuluhang umiling ako sa kaniya na tila ipinapahiwatig na huwag na niya akong pilitin na sabihin ang pangalan ng lalaking iyon.
"I am s-sorry, Dad. I am so sorry."
"Mortin, calm down."pag-awat ni Mommy at pilit na pinapakalma si Daddy.
"Papaanong kakalma ako, Amanda? Buntis ang anak natin at wala tayong kaide-ideya kung sino ang ama ng batang dinadala niya! If it wasn't Siddharth, then sino?! Huwag mong sabihing na-rape ka dahil putangina lang, lagot sa akin ang lalaking 'yon!"
"Daddy, no! I wasn't raped. S-si JC ang ama! It was Jose Cuervo Villamor!"napipilitang pag-amin ko sa takot.
Dinig ko ang pagsinghap nina Nemesis at pagmumura ng aking ama at ni Kuya Donovan. Damn! I'm so dead!
BINABASA MO ANG
All for You
RomansaAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...