Nagising ako sa marahang pagdampi ng kung ano sa aking noo. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si JC. Well, his full name is too long. Plus, it doesn't sound appealing if I'll call him Jose or Cuervo only.
"Good morning."aniya bago lumayo sa akin at sumandal sa headboard ng hinihigaan naming kama.
Nasapo ko ang aking noo at pilit na inalala ang nangyari kagabi. I had sex with him and it was my fucking first time! Iritadong nilingon ko siya.
"There's no good in my morning. You were too rough and hard last night, asshole!"
Natawa siya nang mahina at nilingon ako.
"Am I? Should I be gentle for our next time then?"
Inabot ko ang kumot at itinakip iyon sa aking katawan. Sumandal ako sa headboard kagaya niya. Napapikit ako nang mariin ng kumirot ang aking gitna.
"There's no next time. I was drunk, and you took advantage of me."pagsisinungaling ko kahit alam ko sa aking sarili na hindi naman niya ako pinilit. Gusto ko lamang makita at marinig ang kaniyang magiging reaksiyon.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay tumayo mula sa pagkakahiga. Thank god, naka-boxer na siya! Pero kahit na ganoon ay mayroon pa ring bumabakat. As far as I could remember, the thing under that tiny piece of cloth is large and long. Nakita kong pinulot niya sa sahig ang aking mga damit at naglakad pabalik sa akin. Inangat ko ang aking tingin sa kaniyang mukha.
"Do you want to have a warm bath?"tanong niya matapos ilapag sa gilid ng kama ang aking mga kasuotan. Umiling ako at hinawi ang kumot na tumatakip sa aking katawan.
Tumayo ako at dinampot ang aking undergarments at dress. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang labi kasunod ng paglunok. Napangisi ako at hindi siya pinansin, sa halip ay sa harapan pa niya mismo ako nagbihis.
"What? Why are you staring at my body lile you haven't touched and licked it, Villamor?"nanghahamong tanong ko.
Napailing siya at may kung anong dinampot sa kaniyang paahan. Pag-angat niya ay nakita kong hawak niya ang heels ko. Lumuhod siya sa aking harapan upang isuot iyon sa akin. Hindi ako umangal at hinayaan na lamang.
Tumayo siyang muli at pumantay sa akin. Mas matangkad siya ng dalawang dangkal sa akin kung hindi ako nakasuot ng heels. Akmang hahalikan niya ako ngunit pinilig ko ang aking ulo dahilan upang lumapat ang kaniyang labi sa aking pisngi. Ramdam ko ang pagngiti niya at marahang pagtawa. Dinampian niya iyon ng mararahang paghalik.
"Stop it. Once is enough, I won't let you have me again."pagtutol ko at itinulak siya palayo sa akin. Tumalikod ako at hinawi ang aking buhok dahilan upang lumantad ang aking likuran.
"Zip it up."
Naramdaman kong lumapat ang kaniyang kamay sa aking likuran at pinalandas muna iyon doon bago hinila paitaas ang zipper ng aking dress. Napakalandi pala ng lalaking ito! Kanina ko pa napapansin ang paghalik at haplos niya.
"Thanks, ihatid mo na ako sa amin."utos ko.
Naglakad siya papalayo at tinungo ang isang pintuan na sa wari ko'y walk in closet niya. Maya-maya pa ay lumabas rin siya makalipas ang ilang minuto suot ang white t-shirt.
"Do you want me to carry you?"
Kahit nahihirapan ay umiling ako. Humawak ako sa gilid ng hagdan habang dahan-dahang bumababa.
"JC, I said no!"sigaw ko ng buhatin niya ako na para bang bagong kasal.
"JC, huh? Shut up, I know you're sore."
"And it was your fault!"
Nakangising nagkibit balikat siya.
"You're gorgeous, hot, and sexy. I can't help it."aniya na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi.
Matapos niya akong maihatid sa bahay ay kaagad rin akong bumaba at hindi na nagpaalam sa kaniya. Mabilis ang aking naging kilos at nagtungo kaagad sa aking silid. Akmang bubuksan ko na iyon ng makitang lumabas si Nemesis sa kaniyang kwarto.
"Ngayon ka lang dumating?"
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nagpatuloy lamang sa loob. Ini-lock ko ang pintuan bago hinubad ang lahat ng aking suot. Tinungo ko ang daan patungo sa banyo at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makitang tadtad ako ng red marks sa katawan.
"Damn him!"naiinis na sigaw ko sa loob ng banyo.
Upang maalis ang init ng aking ulo ay nagbabad na lamang ako sa tub na mayroong maligamgam na tubig. Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay naalala ko si JC. Bakit ba hindi maalis sa aking isipan ang lalaking iyon? Hinilot ko ang aking sentido nang maramdamang kumirot iyon. This doesn't feel so right. Hindi ko dapat inilalapit ang sarili ko sa lalaking iyon. If I am not mistaken, his family is close to Siddharth's.
"Okay ka lang, Aurelia? Masakit ba ang ulo mo?"tanong ni Roselle sa akin.
"Hindi naman pero nahihilo ako na medyo nasusuka."
"Baka buntis ka!"
Sinamaan ko ng tingin si Lavinia.
"Shut up! Konti na lang maniniwala na akong may kapangyarihan ang mga salita mo, Lavi! Lahat nagkakatotoo maliban dyan sa sinabi mo.Bakit naman ako mabubuntis gayong–"
Napahinto ako sa pagsasalita at halos bumalot ang kakaibang lamig sa aking katawan nang maaalala ang nangyari sa amin ni JC noong nakaraang buwan. Fuck it! Sa pagkakatanda ko ay hindi siya gumamit ng condom at mas lalong hindi niya hinugot ang kaniya!
"Hey! Ano na? Bakit napahinto ka? Ay kung sa bagay hindi ka mabubuntis kasi virgin ka pa eh!"
Sinamaan ko siya ng tingin nang magtinginan sa amin ang ilang staff sa paligid namin.
"Isigaw mo pa at nang sa ganoon ay ma-i-headline na naman ako bukas."sarkastikong sabi ko kay Lavi pero nag-peace sign lamang siya sa akin.
"Baka dahil sa init lang 'yan. Uminom ka rin kasi ng maraming water."suhestyon ni Roselle sabay abot sa akin ng isang bottled mineral water. Mabuti pa siya at matinong kausap.
"Pero sure kang walang nangyayari sa inyo ni Siddharth bago kayo nag-break?"
Halos maibuga ko ang tubig na iniinom at sinamaan rin ng tingin si Roselle.
"Syempre wala! Gay ata 'yon eh."sabat naman ni Lavi bago pa ako makasagot.
"He's not!"
"Paano mo napatunayan? May nangyari ba sa inyo? Three years din kayo, girl."usisa ni Lavi.
"We made out–"
"Make out lang? He's weak!"
"He respect me. Stop it, Lavi! You're irritating the hell out of me!"
"You're still defending him after what he did? You're really different, Aurelia. Kung ako ikaw baka naisumpa ko na iyon."umiiling na wika niya.
"Okay, we'll stop bringing up your past relationship, Aurelia. Tama na, Lavinia, nasa moving on process pa lamang siya."saway ni Roselle and I thanked her for that.
Hindi na ako nagsalita pa dahil iba ang aking inisiip. Huwag naman sanang magbunga ang isang gabing pinagsamahan namin ni JC. Tiyak na isa 'yung gulo kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...