Chapter 23

7 2 0
                                    

Kinabukasan, balak ko sana siyang ihatid sa kaniyang school ngunit naliligo pa lamang siya noong umalis ako. Kailangan kong pumasok nang maaga sa opisina ngayon at hindi rin naman ako pwedeng ma-late.

Mamaya pang 12 PM ang tapos ng kaniyang klase kaya sinabi ko sa secretary kong mag-e-early out ako. Mabilis kong tinapos ang aking mga trabaho at ni-review rin ang ilang profile ng mga bagong modelo. Halos magmadali na nga ako sa pagmamaneho para lamang makarating doon.

Naalala kong wala pala akong napagsabihan ng tungkol sa pagsundo ko kay Aurora. Baka nandoon na rin ang driver na susundo sa kanila ni Ruth. Ipinark ko ang aking kotse at lumabas doon. Natanaw ko ang ilang mga batang sinusundo ng kani-kanilang mga magulang. Napangiti pa ako dahil sa excitement. Siguradong matutuwa si Aurora ngayong susunduin ko siya.

Alam ko ang kaniyang section ngunit hindi ang room kung saan. Nagtanong ako sa guard at kaagad niyang itinuro sa akin ang direksyon. Malayo pa lamang ay natatanaw ko na si Ruth dahil sa kaniyang household uniform. Tatawagin ko pa lamang sana siya nang makitang lumabas si Aurora mula sa classroom kasunod si Agacy. At anong ginagawa dito ng babaeng ito? Naningkit ang aking mga mata at naglakad patungo sa kanilang direksyon.

"Ay! Si Ma'am Aurelia!"sigaw ni Ruth nang matanaw ako.

Napalingon sina Aurora at Agacy sa akin. Hindi napawi ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Mommy! You're here! Yey!"wika ni Aurora bago nagtatakbo papalapit sa akin.

Humawak siya sa aking kamay at hindi na ako nakaalma pa nang hilahin niya ako patungo sa loob ng kaniyang room. Nilampasan namin si Agacy. Mayroon siyang tinawag na dalawang batang babae. Maybe her friends?

"This is my Mommy! I've told you many times that Tita Agacy isn't my mother, but I still love her naman."paliwanag niya sa kaniyang mga kaibigan.

Nginitian ko ang dalawang bata nang ngumiti sila sa akin. Maging sa guro ni Aurora ay ipinakilala niya ako. I am really happy because she's really proud of me. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinaalalayan siya kay Ruth na magpunta na sa gate ng school. Nagbilin rin akong doon na lamang nila ako hintayin.

"Bye, Tita Agacy!"nakangiting paalam ni Aurora. Nag-wave nang bahagya si Agacy.

"Bye, baby."aniya.

Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa akin nang maramdaman ang pagtitig ko.

"Hindi ko inaasahang makikita kita ngayon. This is the first time that you did this to Aurora, right?"aniya.

"Are you that desperate to gain my husband's attention that you'll slowly take away my daughter from me? Like, seriously, Agacy? Are you practising to be a stepmother? The last time I checked, isang beses lang kitang pinahintulutan na magpaka-nanay sa kaniya."

Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"You haven't changed, Aurelia. Kasalanan ko bang hindi mo magampanan ang responsibilidad mong maging ina sa kaniya? Why would you also think that I need to be close to your daughter to get Jose Cuervo's attention where in the first place I already have it?"

Damn this woman!

"Oops, my bad! Nakalimutan kong marumi ka nga palang mag-isip. Kahit na paulit-ulit ko pang sabihin na wala kaming relasyon ni Jose ay hindi ka pa rin maniniwala. Hmm, pero kung sa bagay, ganoon din naman ako sa inyo ni Siddharth noong kami pa. Ang pagkakaiba nga lamang ay hindi ako lumalampas sa limitasyon ko."

Hindi ako nakapagpigil na hindi siya sampalin.

"What the fuck are you saying, Agacy?! I was never the third party in your past relationship with Siddharth! Baka ikaw pa sa amin?"

Tahimik lamang siya ngunit masama na rin ang tingin sa akin.

"You knew the reason why Siddharth and I broke up, and that is because he's still in love with you. He left me for you, and you declined his proposal! So, kaya mo pala nilalapitan ang pamilya ko ay para makaganti ka sa akin?"

"I never said that, Aurelia. But this will be the last time that you'll raise a hand to me. Don't test my patience, I can be bad sometimes. I might hurt you physically and emotionally. I'm scared you'd cry if I lose my patience."mariing aniya habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata.

"You think I'm scared? To hell with your madness, Trinidad! Stay away from my daughter. You can have Jose Cuervo, but not Aurora. Just stick where you are until my husband and I got separated."

Ready na akong umalis at iwanan siya ngunit nang mapagawi ang tingin ko sa kabilang dako ay nakita kong nakatayo doon si JC. Nakakunot nang bahagya ang kaniyang noo at walang kangiti-ngiti sa labi. Napahinto ako at napaisip bigla kung narinig ba niya ang aming pinag-uusapan. Taas noong naglakad ako at lalampasan na sana siya nang magsalita siya.

"Ipinamimigay mo ako?"aniya at hindi ko inaasahan iyon.

Hindi ko siya sinagot at imbis ay nagpatuloy na lamang ako. Bahala silang mag-usap ng babaeng iyon. Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang maramdamang may humawak sa aking braso at iniharap ako sa kaniyang gawi.

"JC, let me go!"

"Si Siddharth pa rin ba?"

Umawang ang aking labi dahil sa labis na pagkagulat ngunit nang makabawi ay kaagad akong umatras at inalis ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Natatanaw ko pa rin si Agacy na nakatingin at tila naghihintay rin sa aking isasagot. Muli kong hinarap si JC nang may ngiti sa labi.

"It would always been him."sagot ko bago siya tuluyang iniwan doon.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon