Binuksan ko ang pintuan ng aking silid nang madinig ang pagkatok doon. Bumungad sa akin si Nemesis na nakasuot ng lavender tube dress. Mukhang pinagbihis siya ni Mommy nang maayos para sa pagdating ng mga Villamor.
"Magpalit ka ng damit mo, Ate. Sabi ni Mommy bumaba ka na daw, nasa dining na sina Kuya JC."aniya.
I sighed. Kanina ko pa sinabing hindi ako bababa pero sadyang makulit sina Mommy. Matapos akong makapag-ayos ay bumaba na ako at dumiretso sa dining. Naabutan kong kumpleto silang lahat doon. Gayon pa man ay kaagad kong iniwas ang aking tingin kay JC nang mapagawi ang mga mata nito sa akin.
"Good morning po."bati ko sa kanilang lahat at ganoon rin ang ginawa nila. Maging ang pamilya ni JC ay binati rin ako.
"Sit down beside Donovan, Aurelia."seryoso at walang kangiti-ngiting utos ni Daddy.
Ginawa ko ang kaniyang sinabi at naupo sa tabi ni Kuya. Napapagitnaan nila ako ni Nemesis. Namayani ang katahimikan sa hapag kaya nagdesisyon akong basagin iyon.
"JC,"tawag ko sa lalaki kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Itinaas niya nang bahagya ang isa niyang kilay na tila tinatanong kung bakit.
"I-"
"Mabuti pa pag-usapan na natin ang kasal."pagputol ni Mommy sa akin kaya nilingon ko siya. Isang makahulugang tingin ang nakuha ko sa kaniya.
"Kailan mo ba gustong magpakasal, hija?"tanong ni Tita Emersyn sa akin.
"I think it's much better if they will get married sooner."suhestyon ni Daddy na sinang-ayunan naman ni Mommy at Nemesis.
Kumuyom ang aking mga palad sa ilalim at hindi na napigilang hindi mapaluha. Nagkatagpo muli ang paningin namin ni JC at nakita ko kung papaano kumunot ang kaniyang noo.
"A-ayokong magpakasal."mahina at halos pabulong kong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
"Aurelia, napag-usapan na natin ito, hindi ba?"seryoso si Daddy at kahit na takot ay umiling ako.
"I said, I don't want to get married. Why can't you respect my decision, Dad?"
He scoffed. Tila hindi makapaniwala.
"Then why don't you take your responsibility for the consequences you've made?"balik tanong niya.
"Jose Cuervo will take his responsibility. My son will be a good father and a husband to you, hija."pamimilit ni Tita Emersyn pero tanging pag-iling lamang ang aking isinagot.
Paapanong magiging mabuting asawa at ama siya gayong may iba siyang dahilan para magpakasal? Pinukol ko nang masamang tingin si JC ngunit nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin.
"Let's talk privately, Aurelia."mariing wika niya bago nagpaalam at tumayo. Sumunod ako. Tinahak niya ang daan patungo sa pool area. Huminto siya at hinarap ako.
"Why did you change your mind? Did Siddharth ask you to come back?"
"So, what if he did?"pagsisinungaling ko.
Dumilim ang kaniyang ekspresyon.
"You have no choice but to leave him. You're still marrying me. You're fucking pregnant with my child, in case you forgot."mapanuyang aniya na ikinagalit ko nang husto.
"I don't want to marry an evil monster like you!"
"Evil monster, huh? How can you say so?"mapaglarong ngumisi siya.
"I really don't get you, Jose Cuervo. What's the point of marrying me where in the first place you are aware that we don't love each other?"
"I don't care. It's for the baby."
For the baby? Liar!
"You can be a father to our child without marrying me!"
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
"Well, I want my child to have a family. Don't test my patience, Aurelia. Stop being stubborn."
"There's no way I would marry you. Dream on, JC. Fucking dream on!"
Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang inilang hakbang niya ako at mabilis na hinapit ang aking bewang kasunod nang paglapat ng kaniyang mainit na labi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at akmang itutulak siya ngunit bago ko pa iyon magawa ay siya na mismo ang bumitaw.
"Asshole!"sigaw ko at sasampalin sana siya ngunit nahawakan niya ako at muling hinalikan. Sa sobrang inis ko ay kinagat ko nang mariin ang labi niya kaya napabitaw.
"So feisty."nakangising pinunasan niya ang dugong lumabas sa maliit na sugat na nagawa ko sa kaniyang labi.
"Aurelia!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakitang si Daddy iyon. Sa likuran niya ay nandoon si Mommy. Naglakad siya papalapit sa akin at ganoon na lamang ang takot na naramdaman ko nang makita kung gaano siya kaseryoso. Hinarap niya si JC habang masama ang tingin na ipinupukol sa katabi kong lalaki.
"You two kissed! There's no way to go out now, man! You're going to marry my daughter!"
Ako naman ang binalingan ni Daddy.
"And I don't take a no answer from you, Aurelia."
"How could you decide for my own?! You may be my father, but you have no right to interfere with this part."
"Aurelia, stop shouting at your father! Konting konti na lang ang pasensya ko sa'yo."saway ni Mommy.
Pinakatitigan ako ni Daddy at nakita ko kung papaano dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata na kaagad kong pinagsisihan.
"I'm s-sorry, I didn't mean to do that, Dad."
"Kapag hindi mo sinunod ang utos ko, kalimutan mo ng may ama ka. Sinasabi ko sa'yo, Aurelia, sa oras na suwayin mo ako ay talagang itatakwil kita. Ikaw na rin ang nagsabi na ako ang ama mo kaya alam ko kung ano ang mas nakakabuti sa'yo."
"I don't love him!"giit ko.
"Then start trying because one of these days he will be your husband."
Naramdaman kong hinawakan ni JC ang aking kamay ngunit binaklas ko iyon at nilisan ang lugar. Umakyat ako sa aking silid at doon umiyak nang umiyak. Napagawi ang tingin ko sa salamin na nadaanan. Huminto ako at ibinaling ang tingin sa aking bandang puson.
"I'm s-starting to hate you. Ever since you came into my life, there's no day I don't s-shed a tear. You're hurting me, and I h-hope you are gone."
Pumikit ako nang mariin at napahagulhol matapos kong sabihin iyon. Kumuyom ang aking mga palad at akmang susuntukin ang mismong puson ko nang matigilan ako. Am I a bad person for thinking that way? Am I selfish? I just want to be happy, and I know I won't be once I marry him. Kahit kailan ay hindi ko ata siya matututunang mahalin.

BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...