"Is he coming with you?"Mommy asked.
Nag-angat ako ng mukha at inihinto muna ang pagtitig sa huling mensahe sa akin ni Siddharth, my boyfriend. Ngumiti ako nang tipid bago dahan-dahang umiling.
"Bakit daw?"usisa ni Daddy.
"I don't know, hindi niya po sinabi kung bakit."
Inabot ko ang isang basong tubig at uminom doon. Sa harapan ng mesa ay nakaupo sina Mommy, Daddy at ang dalawa ko pang kapatid.
"And you didn't ask him why? You trust him so much, Aurelia."wika ni Kuya Donovan.
"Well, yeah, I trust him because he's a good man. Siddharth is my boyfriend, so what do you expect? I'm a mature woman to understand him, Kuya."mariing sagot ko ngunit tanging pagngisi lamang ang isinagot niya.
Tumikhim si Daddy kaya napunta sa kaniya ang aking atensyon. Nakakunot ang kaniyang noo.
"Gusto mo bang samahan kita mamaya, anak?"
"No, but thanks, Dad. No worries, I can manage."
"Sigurado ka, Aurelia? Pwede naman naming i-cancel muna ni Mortin ang lakad namin mamaya."nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Yeah, it's not like wala akong kakilala mamaya sa party. Huwag na po kayong mag-isip, mag-enjoy na lang po kayo sa date n'yo mamaya."
Sa huli ay napapayag ko rin sila kahit na anong pamimilit sa akin nina Mommy at Daddy. Gusto pa nga nilang isama ko si Donovan pero busy rin ang Kuya ko dahil susunduin niya ang long time girlfriend niyang si Mauve, si Nemesis naman ay busy sa pag-aaral kaya hindi ko na inabala pa.
Hindi naman ako nagtatampo kay Siddharth kahit na sinabi niyang sasamahan niya ako. Sigurado naman akong valid ang kaniyang rason kaya hindi siya makakapunta ngayon.
"Thanks."wika ko sa driver matapos niya akong pagbuksan ng pintuan.
"Welcome, Ma'am! Text n'yo na lang po ako kapag magpapasundo na kayo."
Tumango ako at nginitian siya nang bahagya. Kagaya nang inaasahn ay maraming tao doon at nagkalay ang mga photographers. Naglakad ako patungo sa entrance kaya naagaw ko ang atensyon ng lahat. Huminto ako upang makakuha ng maayos na litrato. Matapos ang ilang minuto ay naglakad na ako papasok. Bumungad sa akin ang engrandeng ayos ng lugar. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ilang kilalang bisita doon.
"Aurelia Alvarez?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakitang si Carrey iyon, one of the models. Nakipag-beso siya sa akin. Katabi niya ang kaniyang date na akma pang hahalik rin sa akin ngunit umiwas ako.
"I don't know you."
Ngumisi siya.
"Dapat ko ba munang ipakilala ang sarili ko sa'yo? Fine, I'm–"
"Nope, I'm not interested."
Isang pekeng ngiti ang iginawad ko bago sila tinalikuran. He was obviously hitting me, kahit noong last encounter ko sa lalaking iyon ay hindi ko nagustuhan ang paghagod ng kaniyang tingin sa aking katawan. Nakita ko pa ang hindi makapaniwalang reaksiyon ng dalawa sa aking ginawa. Tinanggap ko ang inalok na wine na inabot sa akin nang isang kakilala. Tinungo ko ang isang table na walang umuokupa.
Iginala ko ang aking paningin nang hindi makita ang mga taong ipununta ko rito upang kausapin. Dapat talaga ay hindi na lamang ako tumuloy. Napadako ang aking mga mata sa isang lalaking pamilyar. So, nandito rin pala siya? The oh so great Jose Cuervo Villamor looks so damn good in his Armani tux.
Walang kangiti-ngiti ang lalaki habang kausap ang ilang matatanda doon. Iniwas ko na lamang ang aking tingin at pilit na inabala ang sarili sa ibang bagay. Ilang minuto pa ay dumating na ang aking mga hinihintay at kaagad na kinausap. Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa mga investors ng fashion company na pagmamay-ari ni Mommy, which is Amanda Alvarez. My mother was a famous super model back in her days, while my father is a haciendero and the grandson of a Mayor in their province.
"We'll go now, hija. Our secretary will just drop by your mother's office tomorrow."paalam nila.
"Sure, thank you."
Muli ay naiwan akong mag-isa sa table. Kinuha ko ang aking phone at nakitang pasado alas onse na ng gabi. Uuwi na lamang siguro ako kaysa mag-stay sa boring na party na 'to. Ininom ko ang natitirang alak sa hawak na baso bago sana umalis ngunit napako ako sa aking kinatatayuan ng makitang nakatingin sa akin si Jose Cuervo.
Anong problema ng lalaking 'to?
Labis akong nagtaka nang maglakad siya papalapit sa akin. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay may hawak na wine glass. Habang papalapit siya ay mas lalong nadepina ang kaniyang kagwapuhan sa aking mga mata, but for me, Siddharth is more attractive than him. Although they both look intimidating because of their manly features. Hindi ako nagkamali ng hinala nang huminto siya sa aking tapat.
"Where's Siddharth?"
"He's busy to attend the party, so he's not here."
"Are you going home?"
Tumaas ang kilay ko sa kaniyang itinanong. As if namang close kami para kausapin niya ako. Inabot ko ang aking purse habang ang mga mata ay nanatili sa kaniya.
"Yes."
Napalingon kaming pareho sa paligid nang biglang mag-dim ang mga ilaw at nagsimulang magsayaw ang lahat sa aming paligid. Nang balingan kong muli si Jose Cuervo ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at gulat na naramdaman nang maglahad siya ng isang kamay sa akin.
"What? Are you asking me to dance with you?"
"No, I want you to sing with me."sarkastikong aniya.
What the hell?!
"The sing alone, asshole."
Akmang lalampasan ko siya nang humarang siya. Sumilay ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.
"I am sorry. Will you dance with me, Aurelia?"
"I have a boyfriend, so no."mariing wika ko at halos mapairap na sa inis.
"If I was your boyfriend, I won't let you come here alone."
"Then thank God, you're not."
"Well, I don't take a no for an answer."
Nabigla ako nang hablutin niya ang aking purse at ilapag iyon sa table. Kinuha niya ang aking magkabilang kamay at inilagay iyon sa ibabaw ng kaniyang magkabilang balikat.
"What the hell? I said, I already have a boyfriend!""inis na wika ko at akmang aalisin iyon ngunit nahawakan niya ang aking braso.
"Why? It's not like you would cheat on him. Are you scared that you might fall for me?"nakangising tanong niya na nakapagpainit ng aking dugo.
"Of course not! Fine! Just one fucking dance and you'll let me go, alright?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay hinapit ang aking bewang. Halos manlamig ang aking pakiramdam sa sandaling magkalapit ang aming mga katawan. Gusto kong mag-iwas ng tingin ngunit ayaw kong isipin niyang naiilang ako sa kaniyang presensiya. Kahit na naiinis ay hindi ko magawang hindi humanga kay Jose Cuervo. I kinda like his perfume.
Napabalik ako sa aking sarili nang marinig ang ilang pagpalakpak. Doon ko napagtantong kami na lamang pala ang nagsasayaw at sa amin lamang nakatapat ang ilaw na tila naging sentro ng atraksiyon. Kaagad akong bumitaw kay Jose Cuervo kasunod noon ay ang paglayo ko sa kaniya. Ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon.
"I'm going."wala sa sariling paalam ko.
Bahagya siyang tumango. Kinuha ko ang aking purse at mabilis na tinungo ang daan papalabas. Habang papauwi ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari kanina. I felt something strange at hindi iyon maganda.
![](https://img.wattpad.com/cover/367599483-288-k784308.jpg)
BINABASA MO ANG
All for You
Storie d'amoreAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...