Wala akong nagawa. Nakapagdesisyon na sina Daddy at Mommy, ganoon rin ang mga magulang ni JC. Gustuhin ko mang umalis at magpakalayo-layo ngunit kalat na ang balitang ikakasal ako at dinadala ko ang kaniyang anak. Nagsulputan ang ilang issue tungkol sa break up namin ni Siddharth.
Nakakatawa lamang dahil inakala ng mga tao na ako ang nagloko. Hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ko ba ang pagsasalita ni Siddharth sa publiko upang malinis ang aking pangalan. Sinabi niyang matagal na kaming hiwalay bago naging kami ni JC.
Inabot ko ang aking cellphone matapos akong iwanan ng mga stylist sa loob ng silid. Wala sa sariling idinial ko ang numero ni Siddharth. I'm still hoping that he will come. Ngayong araw ang kasal namin ni JC pero ni kaunting excitement at saya ay wala akong maramdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso matapos sagutin ni Siddharth ang aking tawag.
"Hello? Aurelia?"
Tuluyan na akong napaluha nang marinig ang kaniyang boses.
"Tell me you still love me, S-Siddharth."mahina ang aking boses at halos mapapiyok pa. Ramdam kong natigilan siya sa narinig.
"Araw ng kasal n'yo ngayon ni Jose Cuervo. You should prepare for your wedding vows, Aurelia."
"I hate you! How can I p-prepare my vows now that I'm going to marry him! The saddest part is he isn't you! S-Siddharth, sabihin mo lang s-sa akin na mahal mo pa ako ay gagawin ko ang lahat para h-hindi matuloy ang kasal. Sabihin mong darating ka, handa a-akong sumama sa'yo. Kahit saan, handa akong t-talikuran ang lahat. W-wala akong pakialam kung mapahiya ako. Nakikiusap a-ako sa'yo..."
"Aurelia, I'm really sorry. Alam nating hindi makakapayag si Jose Cuervo na mangyari ang gusto mo. If you'll only know what he can do. And.....I'm trying to win Agacy back. I'm really sorry for breaking your heart again."
Agacy na naman? That bitch! Namumuro na talaga siya sa akin!
"S-Siddharth! Siddharth!"
Tuluyan akong napahikbi nang putulin niya ang tawag. Ilang saglist pa ay naka-receive ako ng message mula sa kaniya.
"Please forget me and be happy with Jose, Aurelia. Best wishes."
Sa sobrang galit ko ay itinapon ko ang lahat ng makita sa harapan. Nagkalat ang make up sa sahig. Bumukas ang pintuan at bumungad doon sina Lavinia at Roselle. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang aking sitwasyon.
"Oh my god, Aurelia! What's happening here?!"
Dinampot ko ang nakitang gunting at akmang hihiwaan ang aking pulso nang matanawan ko si Mommy. Nabitawan ko ang gunting at napaluha na lamang. Nang makalapit si Mommy sa akin ay lumapat ang kaniyang palad sa aking pisngi. Halos mabingi ako sa sobrang lakas non.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Hindi kita pinalaki para maging ganito!"
"Mommy, don't you know that you're hurting me by p-pushing me to marry that man?"naghihinanakit na tanong ko.
"Stop blaming me and your father to the results of your indecent actions, Aurelia! Kung hindi ka lamang sana sumama kay Jose gayong mahal mo pa rin pala si Siddharth ay baka hindi nangyari ito!"umiiling na aniya kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Sabihin mong pinilit ka niyang gawin iyon at baka ako pa mismo ang unang pumigil sa kasal! Tell me, did he rape you?! Hindi naman, 'di ba?!"
Hindi ako nakapagsalita at napaiyak na rin lamang. Ilang minuto kaming natahimik doon at wala ni isang nagtangkang magsalita. Muli akong pinaayusan ni Mommy at tila robot lamang akong sumusunod.
"Ma'am, huwag na po kayong umiyak. Masisira po niyan ang make up n'yo."nag-aalalang wika ng make up artist ngunit kahit na ano pang sabihin niya ay hindi pa rin makakatulong.
Sinong hindi maiiyak gayong ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal?
Tila wala ako sa aking sarili hanggang sa makarating kami sa simbahan. Kahit na gaano pa ka-grande ang ayos ng aking kasal ay hindi ko magawang sumaya. Gustong gusto kong umalis pero imposible iyon. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Daddy at inalalayang makababa. Ni ang matingnan siya ay hindi ko ginawa. Nakatuon lamang sa daan ang aking mga mata. Galit ako sa kaniya pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil tama ang sinabi ni Mommy. Baka kung hindi nga ako sumama kay JC noong gabing iyon ay wala ako dito.
"Smile, Aurelia. I'm sorry, but this is for your own sake."malungkot na sabi ni Daddy at niyakap pa ako.
Bumukas ang napakalaking pintuan ng simbahan. Si Daddy na mismo ang naglagay ng aking kamay sa kaniyang braso dahil wala akong balak na gawin iyon. Kahit malayo pa sa dulo ng altar ay natanaw ko na doon si JC. Nagsimula ang kanta gamit ang tunog ng piano at violin. Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad at hindi ko na napigilang hindi maluha. Manipis ang suot kong puting belo kaya alam kong nakikita rin ng ilang bisita ang aking mukha.
Narating namin ni Daddy ang dulo at dahan-dahan niyang inalis ang aking kamay. Nilingon ko siya at halos magmakaawa na ako sa kaniyang huwag gawin iyon. Sinubukan kong higpitan ang kapit pero ngumiti lamang siya bago tuluyang inalis ang aking kamay at inabot iyon sa nakalahad na palad ni JC. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luha. Inalalayan ako ni JC patungo sa harap.
"Jose Cuervo, do you take Aurelia to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"
Naramdaman kong humigpit ang kapit sa aking kamay ni JC kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ang kaniyang ekspresyon.
"I do."aniya habang ang mata ay nakatitig nang mariin sa akin.
"Aurelia, do you take Jose Cuervo to be your wedded husband to live together in marriage? Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health and forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?"
Hindi ako sumagot kahit na narinig ko ang sinabi ng pari. Namayani ang ilang minutong katahimikan at inulit muli ng pari ang itinanong niya sa akin. Nakakunot na rin ang noo ni JC ngayon at bahagyang humigpit ang kapit sa aking palad, though hindi naman ako nasaktan. Tila nag-aabang rin siya sa aking isasagot.
"I d-do."wika ko kasabay nang pagtulo ng aking mga luha.
"You may now kiss the bride!"masayang sabi ni Father matapos naming magpalitan ng singsing ni JC.
Ngayon ko lang napagtantong hindi niya ako binigyan ng engagement ring, pero kung sa bagay ay hindi na rin naman kailangan iyon. Inangat niya ang aking belo at tila mas lalong napakunot ang kaniyang noo nang makitang umiiyak pa rin ako. Alam niyang hindi iyon dahil sa tuwa. Muli ay hinapit niya ang aking bewang at hinawakan ang aking pisngi.
Nagulat ako nang marahan niyang punasan ang tumutulong luha. Tila may kung anong naramdaman ako sa aking puso nang ilapat niya ang kaniyang labi sa akin kasunod nang malakas na hiyawan mula sa mga bisita sa loob ng simbahan. Isang marahang pagkagat sa aking ibabang labi ang kaniyang ginawa bago ako tuluyang binitawan. Dinampian niya rin ng halik ang ibabaw ng aking noo na ikinagulat ko ng husto.
"I will take care of you and our baby from now on, Lia."
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...