Chapter 12

11 2 0
                                    

"Congrats, Aurelia! I'm so happy for you! Magkaka-baby girl ka na!"masayang sabi ni Lavi kaya napangiti ako.

Dinalaw nila ako sa bahay na tinitirahan namin ni JC. Kahapon ginanap ang baby shower at hindi ko makalimutan kung gaano kasaya ang asawa ko. Ang akala ko pa nga noong una ay madi-disappoint siya dahil babae ang magiging anak namin pero hindi naman iyon nangyari. Ganoon ba niya talaga kagustong magka-anak?

"Anong ipapangalan mo sa kaniya? May naisip ka na ba?"tanong ni Roselle.

"Aurora Jane."tipid na sagot ko kaya napatango sila.

"In fairness, ang ganda ng name. Pero nag-sex na ba kayo ulit ni Jose Cuervo?"

Halos maibuga ko ang aking iniinom sa sumunod na tanong ni Lavinina.

"What the fuck?! Lavinia, you and your mouth!"nanlalaki ang mga matang saway ko pero natawa lamang siya.

"What? I'm just asking because I'm curious! May nabasa rin kasi ako noong nasa college pa tayo, horny raw ang mga buntis. So, totoo ba iyon, Mrs. Aurelia Villamor?"tanong niya at nagkunwari pang may itinapat sa aking mic na animo'y isa siyang host sa talk show.

"Bakit hindi ka magpabuntis nang malaman mo?"balik tanong ni Roselle kay Lavi kaya napasimangot ang isa.

"Ayoko nga! Hinding hindi ako magkakaroon ng anak. Hindi ko feel maging isang loving and caring mother, 'no! Baka pagdating nang araw ay maging kaugali ko pa edi araw-araw may world war sa bahay?"napapailing na giit niya.

"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa handa. Baka nga kapag na-meet mo na 'yung right guy para sa'yo ay taon-taon kang buntis."natatawang sabi ni Roselle kaya napangiti rin ako.

"Ah, no way! Hindi rin ako mag-aasawa dahil sakit lang 'yun sa ulo. Malay ko ba kung mag-cheat siya sa akin o baka ako naman ang gumawa since madali akong magsawa. Natatakot lang ako na baka after two days matapos kaming ikasal ay mawalan na ako nang gana, worst is sa mismong araw ng kasal!"

"There's a way for you to overcome your greatest fear, Lavi."sabat ko sa kanilang usapan kaya nilingon nila akong pareho.

"Ano naman 'yon, Mrs. Villamor?"

Napaikot ang aking mga mata.

"Oh, please! Stop calling me Mrs. Villamor! Anyway, here's my tip for the two of you. If you don't want to end up with a failure marriage, then marry the man you truly love."

"Kung ganoon mahal mo pala ang nakakalasing mong asawa kaya pinakasalan mo siya?"tanong ni Lavi na ikinabigla ko nang husto.

"Of course not! You knew the situation and I don't fucking love him. It's the other way, I hate that man to hell. If you'll only knew."

Napakunot ang kanilang mga noo na tila nabitin sa narinig.

"Bakit? Ano bang ginawa niya sa'yo para kamuhian mo siya, Aurelia?"usisa ni Lavi.

"Hindi ka naman niya siguro pinagsamantalahan, 'no? Kasi ikaw na rin ang nagsabing kusa kang sumama sa kaniya."

"Uh! Stop reminding me my stupid actions! Oo na, ako na ang sumama at lumandi! Ayoko na ngang pag-usapan ang lalaking 'yon. Damn, Jose Cuervo Villamor!"

Nagkibit balikat lamang sila at natawa sa aking sinabi. Nang sumapit ang hapon ay umalis rin sila dahil may kani-kanila pang lakad. Nanatili akong nasa loob ng napakalaking bahay ni JC. May mga maids doon at driver pero hindi ko gaanong nakikita dahil lumalabas lamang sila kapag may iuutos. Kung minsan ay dumadalaw kami sa parents niya o sa akin. Hindi pa rin ako sanay na tawagin silang Mom at Dad, pero sa tuwing kausap ko sila ay napipilitan ako kahit nakakailang.

Dulot nang pagkainip ay bumalik na lamang ako sa kwarto namin ni upang matulog. Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog ngunit nagising ako sa marahang paglapat nang kung ano sa ibabaw ng aking noo, kasunod sa aking puson. Kahit hindi ko imulat ang aking mga mata ay alam kong si JC iyon. Palagi niya 'yung ginagawa sa tuwing darating siya o 'di kaya ay aalis.

"Get up, Lia. Mamaya ka na matulog."dinig kong sabi niya kaya iminulat ko ang aking mga mata.

Nakatayo siya sa gilid ng kama. Mukhang kanina pa siya nakarating dahil nakapagpalit na siya ng damit. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Inalalayan niya pa ako sa pagtayo dahil muntik na akong matumba.

"Be careful."aniya bago hinawakan ang aking kamay at akayin palabas ng kwarto.

Kahit na ayaw kong mapalapit sa kaniya ay tiniis ko dahil natatakot akong baka aksidente akong madulas habang naglalakad. Nag-o-overthink rin ako kapag dumadaan ako sa hagdan sa takot na baka mahulog ako kaya naman nang mabanggit ko iyon kay Tita Emersyn ay kaagad niyang sinabi kay JC. Nagulat na lamang ako nang malaman kong pinapatayuan niya na pala ng maliit na elevator ang kaniyang bahay. I guess, he really cares for the baby.

Habang kumakain kami ng dinner ay namayani ang katahimikan sa paligid. Muli ay pumasok sa aking isipan ang itinanong sa akin ni Lavinia kanina. Papaanong mayroong mangyayari sa amin gayong tila walang akong epekto kay JC? Kahit na gaano pa ka-revealing ang mga suot kong pantulog ay tila wala lamang sa kaniya.

Hindi sa naghihintay ako pero parang ganoon na nga. Hindi ko kasi maisagawa ang aking planong pagtanggi o 'di kaya ay pambibitin sa kaniya. Ayaw ko namang mag-initiate dahil baka magmukha akong desperada.

Lumipat ako nang pagkakahiga sa kabilang side dahil naiinip ako kakatitig sa pader at lampshade. Nakita kong  nakadantay ang isang braso ni JC sa kaniyang mga mata habang ang isa ay nakapatong sa kaniyang tyan. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin.

Umangat ako nang kaunti at nakitang malalim na ang kaniyang paghinga. Tulog na ata. Kusang umangat ang aking kaliwang kamay at idadantay na sana iyon sa kaniya nang gumalaw siya. Mabilis kong binawi ang aking braso at nagkunwaring natutulog. Umugang muli ang kama at naramdaman ko na lamang na dahan-dahan niyang inangat ang aking bandang ulo upang mapasandal ako sa kaniyang balikat at iyon ang magsilbing unan ko.

So, gising pa pala siya? Upang hindi siya maghinala ay umungot ako nang mahina at kinunot ang aking noo bago dahan-dahang nagsumiksik sa kaniyang katawan. Natukso rin akong idantay ang aking isang binti sa kaniyang mga hita. Ang komportable ng pwesto ko kapag ganito.

_____________________________

Not related pero mga anak talaga ni Mcneir ang paborito ko HAHAHA, lalo na si Yossi my love so sweet. Good morning, ebrebadeeee!

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon