Muli ay naalala ko ang mga binitiwang salita ni Jose Cuervo noong huli kaming nagtalo. May nabanggit nga siyang nakakasawa. Para saan iyon? Nagsasawa na ba siya sa ugali ko? Sa relasyon naming siya lamang ang may gusto? Ayoko mang isipin ngunit labis akong naapektuhan sa mga sinabi ni Daddy.
Hinaplos ko ang suot kong wedding ring. Pero na ngako siya, sa harap mismo ng altar at sa akin. Ilang ulit niyang sinabi noon na mahal niya ako at hindi niya ako iiwan. I am still mad at him, but he should be true to his words.
Nakatulala lamang ako sa mga rumarampang modelo sa gitna. It's been two weeks since he left. Nakauwi na rin sa bahay si Aurora at nakakapagtakang hindi niya hinahanap ang kaniyang ama. Maybe they're secretly talking while I was not around. Ganoon ba siya kagalit sa akin para tuluyan na akong baliwalain?
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay,
I'm with you through all the way~Napabalik ako sa aking sarili nang marinig ang ibang tugtog. Tapos na pala ang practice at nagpapahinga muna ang mga models sa kani-kanilang pwesto.
'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with meMayroong pumatak na luha mula sa aking mga mata sa sandaling natapos ang kanta. Mabilis kong pinahid iyon. Bakit ba ako umiiyak? This is not so me! And why do I feel like I can relate to the song? Why the heck I can't stop thinking about my husband?
Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Aurora na naglalaro sa sala. Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya.
"Hi, my little princess!"nakangiting bati ko.
Kaagad siyang tumayo upang salubungin ako. Kung wala dito si Aurora ay baka malungkot na naman ako. Hinaplos ko ang ibabaw ng kaniyang ulo bago siya binuhat. Dinampian niya ng halik ang aking pisngi.
"You know what, Mommy? Daddy called, and he's asking about you."
Nakaramdam ako nang kakaibang saya sa narinig. Really, Aurelia? Masaya ka na ngayon dahil kay JC? Tsk! Pero kahit na ganoon ay nakakabigla talagang nagawa niya akong itanong kay Aurora. Kung nami-miss niya na ako ay bakit hindi ako mismo ang kaniyang tinagawan? Naupo ako sa couch at kinandong ang aking anak.
"Hmm? What did he ask, baby?"
Ngumuso siya at sumandal sa akin na tila naglalambing. Nilalaro pa nito ang aking buhok.
"He's just asking if you're with me po, so I said no because you went to your work."
"That's it?"
Tumango siya kaya nakaramdam ako nang kaunting disappointment. Iyon lang ang itinanong niya kay Aurora matapos ang dalawang linggo niyang pag-alis?
"Did he mention where he is right now?"usisa ko.
Umalis sa pagkakaupo sa akin si Aurorq at inabot ang aking bag na nakalapag sa sa gilid. Nagtaka ako nang buksan niya iyon at kuhanin doon ang aking cellphone. Ang akala ko noong una ay kumukuha lamang siya ng litrato ngunit nang makita kong itinapat niya iyon sa kaniyang tenga ay halos makaramdam ako nang kakaibang kaba.
"Aurora? Are you calling someone?"nagugulat na tanong ko.
Humagikhik siya bago iniabot sa akin ang aking cellphone. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang tinawagan niya ang numero ni JC. Walang password o kahit na ano man ang cellphone ko dahil makakalimutin ako sa mga ganoon kaya nabuksan kaagad ni Aurora. Pangalan lang din ni JC ang nakalagay sa contacts kaya marahil ay nalaman kaagad niya kung sino ang tatawagan.
"Hello?"
Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang boses ni JC. Sa pagkataranta ay napindot ko ang end button. Nilingon ko si Aurora at nakitang nakangiti siya sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi mahawa sa kaniyang ngiti. Hinila ko siya papalapit upang yakapin.
Naghintay ako sa text o tawag ni JC dahil baka sakaling mag-usisa siya kung bakit ako napatawag. Well, hindi naman talaga akong tumawag sa kaniya at napakadali lamang sabihin non sa sandaling komprontahin niya ako. Ngunit halos abutin na ako nang madaling araw ay wala pa rin akong natatanggap. Sa huli ay nagpasya na lamang akong tumabi kay Aurora dahil nagsisimula na naman akong malungkot.
You're a pain in the ass, Jose Cuervo! Lagot ka talaga sa akin sa oras na umuwi ka!
Isang umaga, hindi ko inaasahan ang pagdating ni Agacy Trinidad sa aking opisina. Wala akong kaide-ideya kung bakit siya nandidito ngayon. Ipinagkrus ko ang aking mga kamay at bahagya siyang pinagtaasan ng kilay.
"What brought you here?"
Ngumiti siya, hindi ko mawari kung sarkastiko ba iyon o peke. Pero mukhang wala naman sa mga nabanggit. Tumayo ako mula sa swivel chair at iginaya siya paupo sa sofa sa gilid. Magkatapat kaming naupo doon.
"About Jose Cuervo and I..."
"What now? Aamin ka na ba na may relasyon kayo ng asawa ko? O baka naman pipilitin mo na akong makipaghiwalay sa kaniya?"
Natawa siya nang mahina na tila biro ang aking sinabi.
"Wala sa pagpipilian, Aurelia. Gusto ko lang sabihin sa'yo na wala kaming relasyon. Sa maniwala ka man o sa hindi ay itinuturing lang namin ang isa't isa na magkapatid. Close ang mga pamilya namin kaya hindi nakakapagtakang medyo malapit kami sa isa't isa ni Jose, but hanggang doon na lang iyon."
"What's the point of telling me, Agacy?"
"Para hindi ka maghinala sa kaniya. Kahit huwag na sa akin, magalit ka man sa akin o hindi ay wala na akong pakialam since we're not close. Pero kay Jose? Ibang usapan na ata 'yon. Dahil ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na mahal na mahal ka niyang talaga."
"You think I would believe you? Inutusan ka ba niyang magpunta dito?"
Naiirita na ako dahil hindi maalis-alis ang ngiti niya. Baka ganoon nga, baka pakulo na naman ito nang magaling kong asawa. Kung gusto niya talaga akong maniwala sa kaniya ay dapat si JC mismo ang magsasabi non.
"Hindi, ni hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon. Hindi na kami nagkakausap simula noong ipinagtanggol niya ako mula kay Siddharth. Ikaw ba, Aurelia? Alam mo man lang ba kung nasaan ang asawa mo?"
This bitch! Talagang pinapaiinit ang ulo ko. Umangat ang gilid nang labi ko.
"Can you leave? I'm not interested about Jose Cuervo's whereabouts, so get the fuck out of my place."seryoso at mariing utos ko.
"Well, as I've expected. Ipinakita mo lang sa akin na wala ka talagang pakialam sa kaniya. Ikaw itong asawa pero wala kang katiwa-tiwala. Sana lang mapanandigan mo 'yan sa sandaling si Jose naman ang umayaw sa'yo. Pero malay ba natin? Baka ngayon nga ay ayaw niya na sa'yo? Baka hindi na siya bumalik dahil nagsawa na siya dyan sa pag-uugali mo? Or baka pagbalik niya ay tuluyan ka niyang hiwalayan?"
"Agacy!"
Tumayo siya at nginitian pa ako lalo.
"I'm looking forward for him to leave you. Kaya siguro hindi nahulog sa'yo si Siddharth noon dahil hindi ka marunong magpahalaga sa mga taong nakapaligid sa'yo. Hindi na talaga nakakapagtaka kapag nakipaghiwalay sa'yo si Jose. Sa sandaling mangyari iyon ay ako pa mismo ang maghahanap nang karapat-dapat na babae para sa kaniya."
Tumayo na rin ako at pumantay sa kaniya. Sumeryoso si Agacy ngunit nandoon pa rin ang mapanuyang pagtitig.
"I'm going. Have a nice day, Aurelia. I am looking forward for you to cry and beg to your future ex-husband. Congratulations in advance."aniya bago ako talikuran at iwanan.
Hindi makapaniwalang nakatitig lamang ako sa pintuang nilabasan niya.
"Damn it!"mura ko at halos gusto nang ibato ang vase sa pader dahil sa sobrang inis.
Ang kapal ng mukha niyang puntahan ako para lang inisin! At si Jose Cuervo? Nasaan na ba ang lalaking iyon?!
![](https://img.wattpad.com/cover/367599483-288-k784308.jpg)
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...