Chapter 40

20 2 0
                                        

"Don't you have a job, Aurelia?"kunot noong tanong ni Jose Cuervo habang inaayos ko ang kaniyang necktie.

"I took a leave, darling. There, perfect! Ang gwapo ng asawa ko."

Tumingkayad ako upang halikan siya ngunit umiwas ito dahilan upang lumapat ang labi ko sa kaniyang pisngi. May kung anong sumakit sa aking dibdib ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon. Nilampasan niya ako at tinungo ang daan palabas sa aming silid. Mabilis kong pinigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Umuwi nga siya at dito na tumitira pero parang wala rin naman. God knows how many times I tried to talk about our marriage pero panay siya iwas sa akin. 

Nalulungkot man ay bumaba na rin ako upang sumunod sa kaniya. Aurora went to her school this morning, balak ko nga sanang ihatid pero kailangan kong sundan sa kaniyang trabaho ang asawa ko. Kung pwede nga lang magkasama kami 24/7 ay ginawa ko na. Minsan ay napapaisip rin ako sa aking mga kalokohan, ni hindi sumagi sa aking isipan noon na magagawa ko ito. 

"I have a meeting with the Dela Fuentes', stay here for the meantime or you can go and hang out with your friends, Aurelia."

I miss him calling me Lia.

Walang imik na naupo ako sa sofa sa kaniyang office at inilabas ang aking laptop. Ang plano kong pagpapahinga sa trabaho ay hindi ko nagawa dahil wala rin naman akong ibang makausap sa kaniyang opisina, mas lalo namang hindi ko siya pwedeng abalahin.

"Aurelia, just go somewhere else. Mabo-bored ka dito."

Hindi ako nakatiis na hindi siya balingan ng atensyon. Gustuhin ko mang mainis ay pinigilan ko, ganoon niya ba kaayaw sa presensya ko kaya niya ako itinataboy?

"I will stay here, Jose Cuervo."nginitian ko siya nang bahagya bago nag-iwas ng tingin.

"Okay."

Napairap ako sa kaniyang isinagot. Cold as ice! But this is better than before, at least madalas na kaming magkita. Hindi rin nagtagal at umalis siya para umattend sa meeting, hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay dumating ang kaniyang secretary upang dalhan ako ng meryenda. Utos daw ng kaniyang boss kaya bigla ay naalis ang lahat ng tampo ko sa aking asawa. 

Nang malingunan ko ang orasan ay napansin kong halos tanghali na, more than two hours na siyang wala at dapat ay thirty minutes lang ang kanilang meeting. Nang hindi ako nakatiis ay lumabas ako at nagtungo sa kaniyang secretary.

"Ah, si Sir Jose Cuervo po? Lumabas po siya kasama sina Mr. Dela Fuente at ang anak niya."

Oh, so kasama na naman pala ang malanding Mary na iyon? At bakit hindi man lang ipinaalam iyon sa akin ng magaling kong asawa? Chineck ko ang cellphone ko kung may text ba siya ngunit wala naman. 

"Alam mo ba kung saan sila nagpunta?"

"Yes po, Ma'am. Ang sabi po ni Sir ay sa McArthur restaurant daw po."

"Thank you."

Nginitian ko ang babae at hindi na nag-aksaya pa ng oras at tinungo ang nasabing lugar. Pagkapasok ko sa resto ay kaagad kong hinanap si JC at hindi naman ako nabigo nang matanawan ko ito. Lunch with the Dela Fuentes'? Eh bakit si Mary lang ang nandoon? Imbis na lumapit ay nagtago ako at tahimik silang pinanood. Mukhang wala namang kakaiba sa ikinikilos ng asawa ko. Nagpasya akong i-text si JC upang tanungin kung nasaan siya kahit na alam ko na at hindi naman ako nabigo nang mabilis niyang i-check ang kaniyang phone. Iyon nga lamang ay hindi siya nag-reply at sa halip ay muling itinago iyon. What the fuck is his problem?!

Nagmamadaling lumipat ako ng tinataguan nang makitang tumayo na ang dalawa. Naningkit ang aking mga mata nang makitang humawak si Mary sa kaniyang braso at ang magaling kong asawa ay hindi man lang umiwas! Ganito ba siya sa lahat ng ka-meeting niya?! Nanlaki ang aking mga mata nang matanawan na inihatid niya ito sa kotse ng babae, hindi pa doon natatapos dahil nakita kong humalik si Mary sa kaniyang labi. Maiintindihan ko sana kung sa pisngi, pero sa lips?! Mas lalo akong nagulat sa reaksyon ng aking asawa, natawa lamang ito na napapailing. What the fuck?! Are they having an affair?

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon