Warning! Slight SPG!
Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama ay marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa non si JC. Malayo pa man ay naamoy ko na ang alak. Halos matumba pa siya sa paglalakad pero hinayaan ko na. Nagkunwari akong abala sa panonood ng palabas sa telebisyon kahit na ang totoo ay nasa kaniya ang aking atensyon.
"JC!"tawag ko sa kaniyang pangalan nang lumapit siya sa akin at agawin ang hawak na remote. Pinatay niya ang T.V kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang problema mo?!"tanong ko at akmang tatayo nang itulak niya ako pahiga sa kama bago pumaibabaw sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata. Namumungay ang mga matang pinakatitigan ako at halos mapigil ko ang aking paghinga nang pasadahan niya nang haplos ang aking pisngi, pabbaa sa aking leeg at dibdib. Manipis lamang ang aking pantulog at wala akong suot na bra.
Akma ko siyang itutulak nang tumayo siya. Ang akala ko ay aalis na siya nang tuluyan ngunit hinubad lamang pala niya ang kaniyang damit pang-itaas. Akmang tatayo akong muli nang mahawakan niya ang aking balikat at itinulak ulit pahiga.
"Damn it! Umayos ka nga! Nahihilo na ako sa'yo!"saway ko.
"Shut up! Shut your fucking mouth!"aniya at napaupo sa gilid ng kama.
Sinapo niya ang kaniyang ulo at minasahe ang gilid ng kaniyang noo. Napairap ako. This isn't the first time na ganito siya, kapag nakakainom si JC ay talagang napakasungit niya. Bumangon ako at tumabi sa kaniya.
"Hey, are you alright?"kunwaring pagalit na tanong ko.
Nakayuko lamang kasi siya habang nakatukod ang magkabilang siko sa kaniyang mga tuhod. Wala na siyang damit pang-itaas ngayon at nasa lapag na ang mga hinubad. Tumayo ako upang damputin iyon ngunit nang mapatapat ako sa kaniya ay hinapit niya ang aking bewang dahilan upang mapaupo ako sa kaniyang mga hita.
Nanlalaki ang mga matang aalis na sana ako ngunit kaagad niyang sinakop nang halik ang aking labi. Pumikit ako nang ipasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking pantulog at walang pasabing dinama ang aking kanang dibdib. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin at hindi ko na namalayang unti-unti na rin akong nadadala. Ipinaharap niya ako sa kaniya habang panay ang paghaplos sa akin. Naramdaman ko na lamang na inangat niya na nang tuluyan ang aking kasuotan dahilan upang lumantad ang aking hinaharap.
Tila nag-aalab sa apoy ang kaniyang pagtitig bago yumuko at patakan ng halik ang ibabaw ng aking dibdib. Napapikit ako nang mariin at napakapit nang husto sa kaniya nang maramdaman ang pagpasok ng kaniyang daliri sa suot kong pang-ibaba.
"Ah..."mahinang ungol ko at halos makagat na nang madiin ang aking labi para lamang mapigilan ang sarili. Napamulat ako nang huminto siya. Nagkatagpo ang aming paningin bago niya ipinagdikit ang aming mga noo.
"Tell me you love me, Aurelia."halos pabulong na wika niya na ikinagulat ko.
"Please? Just tell me that you love and I will do everything you want. Or at least...say that you like me."pakiusap niya ngunit nanatili akong tahimik.
Lumayo siya at kunot noong pinakatitigan ako. Maya-maya pa ay inalis niya ako sa pagkakaupo sa kaniya. Naiwan akong nakatanga habang siya ay naglakad papasok sa banyo. Ano raw? Anong nangyari? Ayan na naman siya sa pambibitin niya! Naiinis na kinuha ko mula sa sahig ang aking pantulog at isinuot iyong muli. Damn it, JC Villamor!
Halos mamuti na ang aking mga mata kakahintay sa kaniyang pagbalik ngunit nakalipas na ang halos kalahating oras ay hindi pa rin siya lumalabas. Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang pagpihit ng pintuan ng banyo kaya nagpanggap na akong natutulog.
Wala akong naramdamang tumabi sa akin at sa halip ay nakarinig ako nang napakalakas na pagsara ng pintuan. Napamulat ako nang wala sa oras at napagtantong lumabas si JC. So, hindi siya matutulog sa kwarto? Then good! Mas mabuti nga iyon dahil baka hindi ako makagpigil na tabunan siya ng unan habang natutulog. Nakakainis talaga ang lalaking iyon!
Kinaumagahan ay hindi ko na naabutan si JC sa bahay. Hindi niya iyon ginagawa dati. Madalas ay hinihintay niya pa talaga akong magising para lamang sabay kaming mag-breakfast kasama si Aurora. Anyway, wala rin naman akong pakialam.
"Wala bang ibinilin o ipinapasabi ang Sir mo para sa akin?"tanong ko sa nadaaanang katulong.
"Naku! Wala po, para nga pong mainit ang ulo ni Sir Jose dahil salubong na salubong ang kilay. Ni hindi nga po kumain nang umagahan."sagot niya kaya tumango ako at nagpasalamat.
Why is he behaving like that? Hindi pa ba siya nasasanay sa akin na wala akong naisasagot sa tuwing tatanungin niya ako kung mahal ko ba siya? Anong gusto niyang gawin ko? Sabihing mahal siya kahit hindi naman? Tss! Such a headache!
Habang nakikinig sa meeting tungkol sa monthly report ng kompanya ay hindi ko maiwasang hindi i-check ang aking cellphone. Nakakapagtakang hindi niya ako itine-text ngayon, huh? Dati, kahit hindi ako maghintay ay kusa niyang ginagawa. Kunot noong pabagsak na ilapag ko ang aking phone sa ibabaw nang table. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatingin silang lahat sa akin.
"Continue,"mariing utos ko kaya napabalik silang lahat sa pakikinig at pagsasalita.
Nakauwi na ako't lahat ay wala pa rin si JC sa bahay. Usually, 8 PM ay nasa bahay na siya dapat pero almost 10 PM na at wala pa rin. Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang makarinig nang busina ng sasakyan. Sumulip ako sa bintana at natanaw ang asawa ko na basta na lamang ipinark ang kaniyang kotse. Halos humarang pa nga iyon. Mukhang wala talaga siya sa mood.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng aming kwarto. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin at sa halip ay tinungo kaagad ang banyo. Kumuyom ang aking mga palad. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?! Bakit kung itrato niya ako ngayon ay parang hindi niya ako nakikita?
Bumukas ang pintuan ng banyo makalipas ang halos labing anim na minuto. Nakatapis lamang siya ng towel at dire-diretsong pumasok sa walk in closet. Halos padabog pa niya kung isara ang pintuan. Jose Cuervo! Isa na lang talaga at may kalalagayan ka na sa akin!
Sumandal ako sa gilid at hinintay ang kaniyang paglabas. Halos mangalay na nga ako doon dahil sa tagal. Napaayos ako nang tayo nang makitang lumabas na siya ngunit napahinto rin ako sa akmang pagsasalita nang makitang may bitbit siyang isang travel bag. Nagkatagpo ang aming paningin ngunit wala pa rin siyang imik at balak pa sana akong lampasan ngunit humarang na ako.
"Saan ka pupunta?"nahihimigan pa nang kaunting kaba ang aking boses.
"None of your goddamn business."
Pakiramdam ko ay may kung anong tumarak sa aking puso nang tuluyan niya na akong lampasan. Tila napako ako sa aking kinatatayuan bago nilingon ang gawing pintuan. Wala na siya doon at marahil ay nakalabas na. Narinig ko ang pagkabuhay ng sasakyan kaya dumungaw akong muli sa ibaba. Natanaw kong sumakay doon si JC at mabilis na pinaandar papalayo ang kaniyang kotse. Habang tinatanaw siya palayo ay kusang nagsipaglandas ang aking mga luha kasabay nang pagsikip ng aking dibdib. Bakit ako nasasaktan gayong hindi ko naman mahal ang asawa ko?
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...