Epilogue

40 2 0
                                        

"Jose Cuervo, enjoy the view."nakangising sabi ni Lorenzo.

Kunot noong nilingon ko ang mga modelong rumarampa sa harap. I was bored. That's why I came with him. Hindi ko naman alam na pupunta pala siya dito. Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa iba nang may makaagaw ng atensyon ko. Ang huling babaeng rumarampa ang pinakamaganda sa lahat. Umangat ang gilid ng aking labi nang magtama ang aming paningin. Nag-iwas siya at nagpatuloy muli sa paglalakad. May gusto sa akin 'to, sigurado ako doon.

"Do you know her?"tanong ko sa aking katabi. Kunot noong nilingon ako ni Lorenzo.

"Sino don? 'Yung huling babaeng lumabas?"

Marahan akong tumango.

"Ah, si Aurelia Alvarez. Bakit mo naitanong? Type mo?"nakangising aniya kaya napangisi rin ako.

Aurelia Alvarez? My Lia.

"Too bad, nililigawan na 'yan ni Mallari."

Motherfucking Siddharth?

"Akala ko si Agacy ang girlfriend niya?"kunot noong tanong ko.

"Naghiwalay na, si Agacy ata ang nakipaghiwalay."

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Kung hindi lang si Siddharth ang nanliligaw sa kaniya ay baka kumilos na ako, sayang. Doon ko unang nakita si Aurelia. Minsan ay nagkakatagpo kami sa mga ilang okasyon ngunit hindi nagkakausap dahil masyado siyang malapit kay Siddharth. I've dated a lot of women, but I can't forget her. Habang tinititigan ko siya ay unti-unti akong nahuhulog. I can't wait for their breakup and if that happens, I swear I will do everything to make her mine.

It was music to my ears when I found out that Siddharth had broken up with Aurelia. Hindi ko inaasahang makikita ko siya sa bar kasama ang kaniyang mga kaibigan. Naghintay ako ng ilang sandali bago siya nilapitan nang makitang iniwan siya ng kaniyang mga kasama.

That was the best night of my entire life. Ni hindi ko magawang makatulog at sa halip ay pinagmasdan lamang siya sa aking tabi. Gumalaw si Lia at tila batang nagsumiksik sa akin. I'm her first and probably will be the last. Matapos ang nangyari ay hinayaan ko muna siya at hindi inabala. I'm waiting for her to come over and tell me that she's pregnant. Of course, I will take the responsibility and then marry her right away. Great plan, isn't it? It might sound too selfish, but I want her to be mine.

"Yes, hello?"tanong ko matapos sagutin ang tawag ng aking kapatid.

"Oh my god, Kuya! The Alvarez are here! You impregnated Ate Aurelia!"

Halos hindi ko maintindihan ang sinabi ni Swarthy ngunit nang maproseso ay nabitawan ko ang aking telepono at tila aatakihin sa puso dahil sa sobrang bilis ng tibok non.

What the hell? I am going to be a father! Damn! You did a great job, Jose Cuervo!

Nagmadali akong umuwi sa bahay nang araw na iyon at sa sobrang saya ay kaagad kong inaya si Lia na magpakasal. Wala siyang naisagot at tila wala sa sarili hanggang sa umalis ang kanilang buong pamilya. Magpepresinta pa sana akong ihatid sila ngunit sinenyasan ako ni Dad na sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa library at doon ay naupo siya sa kaniyang silya.

"She's Siddharth's ex-girlfriend, Jose Cuervo."

"They have already broken up. I didn't steal her from Siddharth."

Napapailing na lamang siya sa aking sinabi. Hindi rin nagtagal ang aming naging pag-uusap at inutusan niya na rin akong lumabas.

"Jose Cuervo!"sigaw ng aking ina nang matanaw ako. Kaagad siyang lumapit at tila hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon