Chapter 38

21 3 0
                                        

"Aurelia, what you're doing isn't healthy anymore. Nagkakasakit ka na kakahabol at kakaisip dahil kay Jose Cuervo."naiinis na sabi ni Lavinia habang itinutulak ang wheelchair kung saan ako nakaupo. Panay kasi akong nahihilo dahil kung minsan ay hindi na ako kumakain. Kung hindi nga lamang kami nagkahiwalay ni Jose Cuervo ay iisipin kong buntis ako kaya ganito ang nararamdaman ko.

Pero napakalabong mangyari non. Wala namang nangyari sa amin ng asawa ko at hindi na rin ako nagte-take ng pills. Kung sakali mang bumalik siya ay may plano na ako para sa aming susunod na anak. Batid ko rin kasing gusto ni Jose Cuervo ng malaking pamilya kaya gusto kong ibigay iyon sa kaniya.

"Daan ba muna tayo sa resto or diretso sa bahay n'yo? Pwede rin namang iuwi kita kayna Tito Mortin. Saan mo gusto?"

"Sa bahay na lang."

"Bahay nino?"

"Namin ng asawa ko, ni Jose Cuervo."wala sa sariling sagot ko.

"Ay wow naman sa pag-angkin."natatawang aniya bago ako tulungang sumakay sa kaniyang kotse.

Matapos akong maihatid sa bahay ay umalis na rin si Lavinia dahil susunduin pa raw nito si Roselle sa airport. Panay pa ang reklamo na dinaig pa raw niya ang boyfriend at asawa namin dahil siya ang nag-aasikaso. Hindi ko nadatnan si Aurora dahil hiniram siya nina Mommy Emersyn. Wala namang kaso iyon kahit nami-miss ko ang anak ko, hindi rin mabuti ang kalagayan ko kaya hindi ko rin siya maaasikaso.

Habang nakahiga sa kama ay natanaw ko ang wedding picture namin ni Jose Cuervo. Seryoso ang aking ekspresyon doon habang siya ay may tipid na ngiti ngunit bakas na bakas ang kasiyahan. Gusto kong alisin iyon at palitan dahil gusto kong pareho kaming nakangiti. Sa sandaling magbati kami ni Jose Cuervo ay aayain ko siyang magkaroon ng bagong wedding photoshoot nang sa ganoon ay kaaya-aya naman ang aking ekspresyon. Baka hindi na siguro maalis ang ngiti ko kapag nangyari iyon.

Nakaramdam ako ng antok at nang magising ay may naririnig akong paglagaslas ng tubig sa banyo. Nakakunot ang noong nagmulat ako at pinakiramdaman ang paligid. Marahil ay naglilinis ang mga kasambahay. Nawala nang tuluyan ang aking pagkaantok at ibinalik ang atensyon sa parte ng kama na hinihigaan ng aking asawa. Hinaplos ko iyon na animo'y nandoon pa rin siya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa aking sarili dahil kung umakto ako ay tila namatayan ako ng asawa, iniwan lang naman niya ako.

Hindi ko napigilan ang aking paghikbi dahil unti-unti akong nakakaramdam ng kalungkutan. Nadinig kong bumukas ang pintuan ng banyo ngunit hindi na ako nahiyang umiyak dahil alam ko namang aware sila kung bakit ako nagkakaganito. Naamoy ko ang pamilyar na shower gel, iyon ang ginagamit ng aking asawa. Marahil ay nalaglag iyon at bumukas kaya ganoon. Humigpit ang yakap ko sa unan at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"What the hell is wrong with you and why are you crying?"

Awtomatikong napamulat ako at bumangon upang tingnan kung sino ang nagsalita. Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si Jose Cuervo, bukod pa roon ay hindi ko malaman kung saan ako nagulat. Kung dahil ba nandito siya o dahil isang maliit na towel lamang ang kaniyang kasuotan. Kunot noong nagpupunas ito ng buhok habang nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?"nauutal na tanong ko sabay punas sa aking pisngi. Nakita kong umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Bakit? Bawal na ba ako dito?"

Napapailing na tumalikod siya at naupo sa silya habang patuloy pa rin sa pagpupunas ng buhok. Pinasadahan ko siya ng tingin, ganoon pa rin naman ang kaniyang hitsura. Kung may nagbago man ay mas lalo siyang naging attractive sa paningin ko.

"Hindi naman sa ganoon, nagulat lang ako na umuwi ka na."aniko bago muling bumalik sa pagkakahiga. Ilang linggo kaming hindi nagkita dahil nagpunta siya sa ibang bansa.

"I heard you're sick."

Hindi ko siya nilingon at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Umuwi kaya siya dahil nag-aalala siya sa akin?

"Hmm, masama nga ang pakiramdam ko. Sobrang sama kaya hinayaan ko muna si Aurora sa mga magulang mo dahil baka mahawa siya at hindi ko rin maalagaan."

"I see. Dapat pala ay umalis na rin ako dahil nakakahawa ang sakit mo."

"No! Dito ka lang!"

Mabilis pa sa alas kwatrong bumangon ako at halos madapa pa upang makapunta sa kaniyang pwesto. Nakakunot ang kaniyang noong tinitigan ako. Inilang hakbang ko ang aming distansya at walang pasabing inagaw sa kaniya ang towel na hawak. Marahang tinuyo ko ang kaniyang buhok, hindi naman ito umangal. Kung alam ko lang na uuwi siya ay sana isinuot ko ang pinaka-sexy kong pantulog. Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang kaniyang buhok, bagong gupit ang asawa ko.

"Medyo magaling na ako kaya hindi ka mahahawa. Dito ka na matulog, malalim na ang gabi. Kumain ka na ba?"malambing na tanong ko at nang magtama ang aming tingin ay umiwas siya. Hindi ko alam kung naiilang ba siya or ayaw niya lang talaga akong makita.

"Let's go downstairs and eat. Hindi pa ako kumakain."

Hihilahin ko na sana siya patayo nang mapagtanto kong wala pa nga pala siyang suot na pang-ibaba maliban sa towel na iyon. Baka kapag nakita siya ng mga kasambahay ay mahimatay ang mga iyon, ako lamang dapat ang makakakita sa kaniyang katawan.

"Wait, let me get you a boxer and a shirt."

Nakangiting nagtungo ako sa walk-in closet namin at ganoon na lamang ang saya ko nang matanaw ang pamilyar na travel bag doon. Mukhang dito nga talaga siya dumiretso. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi at lumabas na sa walk-in closet. Nang maabutan ko siya ay nakita kong nakatayo siya sa gilid ng kama habang may hawak na unan. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang mapagtantong nakasuot pala sa unan ang isa sa kaniyang mga t-shirt.

"Why did you put my shirt here?"nakataas ang kilay na aniya nang balingan ako.

"Ah, ano kasi...si Aurora, minsan ay natutulog siya dito at sabi niya nami-miss ka raw niya kaya inutusan niya akong ilagay 'yan dyan. Heto, magdamit ka na."

Inabot ko sa kaniya ang t-shirt at boxer short. Nagtaka ako nang hindi pa rin siya kumikilos.

"Ayaw mo ba nyan? Anong gusto mong isuot?"

"Turn around, magbibihis ako."aniya na ipinagtaka ko. 

Arte! Nakita ko naman na lahat sa kaniya eh. Upang hindi masira ang mood ay tumalikod na nga ako kahit labag sa aking kalooban. Nang matapos siya ay bumaba rin kami upang kumain, mabuti na lamang at nakapagluto sila. Hindi ko malaman ang aking gagawin at sasabihin nang umakyat kaming muli sa aming silid. Gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw ko namang sirain ang mood niya, baka mamaya ay magalit siya at umalis na lang bigla. Walang imik na nahiga siya sa parteng tinutulugan niya noon. Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi ito ang tamang oras para kausapin siya. Nang makalapit ako ay nakita kong nakapikit na si Jose Cuervo, marahil ay pagod sa byahe kaya ganoon.

Tinangka kong matulog ngunit hindi ako dalawin ng antok. Nakaharap ako sa kaniyang gawi ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin. Gusto ko siyang yakapin ngunit baka magising siya at magalit. Sa tanang nang aming pagsasama ay ngayon lamang ako naging ganito ka-concious sa ikikilos ko pagdating sa aking asawa. Noon, kahit na magkagalit kami at gusto ko siyang yakapin ay malaya kong nagagawa. Umangat ang aking kamay upang sana ay hawakan siya ngunit napahinto rin ako.

Imbis na matulog ay bumangon ako at bumaba upang uminom sana ng tubig nang mapagawi ang tingin ko sa nakahilerang alak. Wala sa sariling kumuha ako ng isang bote ng pinakamatapang na alak doon, Polish Vodka. Hindi pa ako gaanong nagtatagal nang makaramdam ng pagkahilo, shit! Nagkamali pa ata ako nang napiling inumin. Inihinto ko rin iyon matapos ang ilang shots bago nagpasyang bumalik sa kwarto. Siguro naman ay makakatulog na ako nito. Nang mabuksan ko ang aming silid ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si Jose Cuervo na mukhang lalabas rin. Napansin kong nakasuot siya ng jacket.

"Where are you going?"kunot noong tanong ko.

"I was about to find you, saan ka ba nagpunta? Did you drink?"

Umangat ang gilid ng labi ko.

"Did I? Come on, kiss me and you'll find out."

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya nawala ang takot at pangamba na nararamdaman ko. Nang hindi siya kumilos ay walang pakundangang nilapitan ko siya at hinatak upang halikan. Noong una ay hindi siya nakakilos sa pagkabigla ngunit hindi rin naglaon at tumugon rin.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon