Chapter 19

9 3 0
                                        

Is my husband cheating on me?

If he did that, I swear I would not forgive him. Imbis na matuwa ako kung sakali mang nagloloko siya upang magamit na grounds sa annulment ay taliwas ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko sa pangalawang pagkakataon ay naloko akong muli.

Habang hinihintay ko ang pagdating ni Roselle sa meeting place namin ay napa-second look ako nang may matanaw na pamilyar na kakilala. Kung hindi ako nagkakamali ay sina Coleen at Owen iyon, first cousins of JC sa father side. Nandoon sila noong kasal namin kaya nakilala ko kaagad. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba o babatiin sila. Mukhang hindi nila ako napansin dahil abala ang magkapatid sa pag-uusap.

"Jose Cuervo has his own rules. Hayaan mo na lang, Ate."dinig kong wika ni Owen.

Nagkunwari akong abala sa pagkain kahit na ang totoo ay pasimple akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Curiosity runs in me upon hearing my husband's name.

"Hayaan? He just married his friend's exgirfriend, Owen. Hindi ko alam kung bakit siya hinayaan nina Tita Emersyn at Tito Mcneir. If I was Siddharth, I would beat him to pulp. Hindi ba niya alam ang salitang off limits?"bakas ang inis sa boses ni Coleen.

Sa pagkakaalam ko ay mayroon na rin siyang asawa at mas matanda siya ng ilang taon kay JC. But I won't call her Ate even if she's way older than me. I just don't feel calling her that way.

"He has his reasons. What if he really loves the woman? Papakasalan niya ba 'yun kung hindi?"

Owen Villamor is too fond of his cousin? Tsk! Tsk! Talagang idine-defend pa niya, huh? At ano raw? JC is in love with me? That's the biggest joke I've ever heard!Napahinto ako sa aking mga naiisip nang magsalitang muli si Coleen.

"I don't think so. In my opinion, he just took the responsibility as the father of the baby. Masama mang pakinggan pero nagdududa pa rin talaga ako kung anak ba niyang talaga iyon o kay Siddharth. Ang sabi ng ilan ay kakahiwalay pa lamang nila nang magkita sina Jose at Ayen, and the rest is in history."

Kahit gusto ko siyang komprontahin dahil sa narinig ay minabuti kong pigilan ang aking sarili. Hindi ko alam na ganito pala ang tingin niya sa akin. I thought she was nice, but after what she said? I was definitely wrong.

"Kilala mo naman si Jose. Hindi niya aakuin ang responsibilidad kung hindi sa kaniya ang dinadala ni Aurelia. Sigurista ang lalaking 'yon."

"Ewan, ang gulo talaga. Pero may hinala rin akong may kinalaman 'yon kayna Agacy at Siddharth. Oh my god! Naalala ko pala! I've seen Agacy and Jose last time. Partida at madaling araw pa iyon. I was just wondering kung ano ang ginawa nila."bahagya pang humina ang kaniyang boses ngunit hindi nakaligtas sa aking tenga ang lahat ng kaniyang sinabi.

So totoo ngang nagkita sila ni Agacy? At talagang nagsinungaling pa siya sa aking tinawagan siya ng kaniyang ama? Kumuyom ang aking mga palad.

"Talaga? Kung sa bagay ay medyo malapit nga rin ang dalawang iyon bago pa man makilala ni Aurelia si Jose. Nakita ko na rin sila dating magkasama. Hindi ko lang alam kung may relasyon ba o wala. Maybe they're doing something nasty before. We both know kung gaano kalakas ang hatak ng pinsan natin sa mga babae."narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Owen.

Kahit na gusto ko silang lingunin ay hindi ko magawa dahil tila napako ako sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung papaano ipoproseso ang mga narinig mula sa mga pinsan ni JC.

"Siguro nga ay ganoon? Pero ang gago naman ni JC kung ipagpapatuloy pa rin nila iyon ni Agacy. But at some point, malabo rin atang mangyari iyon dahil kilala ko si Agacy. She's nice and akala mo santa na sa sobrang bait."

"What about Aurelia? Nakilala mo na rin siya, hindi ba?"

"Yeah, she's the famous runway model. We're not that close, and nakakarinig na rin ako ng issue tungkol sa kaniya. Not sure, but she looks nice rin naman."

Really? Then I'll show you how nice I am once I saw you again!

Hindi ko magawang makaalis hanggang sa namalayan ko na lamang na wala na pala sina Owen at Coleen. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Roselle. Wala si Lavinia dahil nasa Singapore siya upang bisitahin ang kaniyang mga magulang. Napahilot ako sa aking sintido nang maramdamang kumirot iyon.

"Aurelia? Parang wala ka sa sarili. Namumutla ka, ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Roselle ngunit bago pa ako makasagot ay tuluyan na akong nahilo at nawalan ng malay.

Sa aking pagmulat ay namalayan kong nasa loob na pala ako ng ospital. Iginala ko ang aking paningin sa loob at nakita si JC na may kausap na doctor. Napagawi ang tingin sa akin ng doctor at ngumiti siya. Nilingon ako ni JC.

"Gising na pala siya. Kumusta ang pakiramdam mo, misis?"nakangiting tanong ng doktora sa akin. Tinangka kong umupo at kaagad naman akong inalalayan ni JC.

"I feel so sleepy and tired."nanghihinang sagot ko.

"Nahimatay ka kanina dahil sa labis na stress, pinaalalahanan na rin kitang lumayo sa kahit na anong makakapag-trigger. Mas mabuting magpa-confine ka kahit isa o dalawang araw para maobserbahan kayo ng baby mo."paliwanag niya kaya tumango ako.

Muli silang nag-usap ni JC at maya-maya pa ay lumabas na rin nang tuluyan ang doktor. Bumaling siya sa akin.

"What happened? Nagpunta ako kaagad dito noong tinawagan ako ng kaibigan mo."

"Where is she?"malamig kong tanong.

"Umalis na. Babalik rin ata mamaya."

Inabot ko ang aking bag na nakapatong sa gilid at kinuha ang cellphone mula doon. May mga text mula kayna Mommy at tinatanong kung ayos lamang ba ako. Nagtipa ako ng mensahe ngunit napahinto rin nang magsalitang muli si JC.

"Lia, the doctor said you should not stress yourself. Stop using your phone and go back to sleep. Social media might be harmful to your condition."

Iritadong nilingon ko siya.

"I am talking to Siddharth, so stop bothering me. You're the stress I want to get rid of. You've caused a lot of problem in my life, so fuck off, Jose Cuervo!"pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay si Mommy ang kausap ko.

Kitang kita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Muli ay bumabalik sa akin ang mga alaala noong kausap niya sina Agacy, ang pag-uusap nina Owen at Coleen kanina. Ang lahat ng iyon ay may kinalaman sa amin. Did he plan everything from the very beginning?

"Siddharth again? As much as I want to confront you, I won't do it. If he makes you happy, then go and talk to him as long as you can."mariing aniya bago ako talikuran.

"Be fair enough, JC. You went out with Agacy, and I didn't get mad over it. So what is it to you if I talk to my ex-boyfriend?"

Napahinto siya sa tangkang pag-alis ngunit hindi ako nilingon. Natakayo lamang siya nang ilang segundo doon bago tuluyang pinihit ang seradura at lumabas. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. So it's true? He didn't deny nor admit, but I knew it was true. He has an affair with the woman I hate the most!

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon