Hindi ako nakapagsalita, maski pagtutol ay hindi ko nagawa. Lutang ako hanggang sa makauwi kaming muli sa bahay. Mommy looks so excited kahit nabigla, same as Nemesis. Sa pagkakadinig ko ay magkikita sila bukas ni Tita Emersyn para pag-usapan ang kasal. They're really pushing it. Naiwan kami ni Daddy sa sala. Kahit na kinakabahan ay lumapit ako sa kaniya.
"D-dad, are you mad at me kasi nabuntis ako?"
Hindi niya ako nilingon at sa halip ay sa iba bumaling ng tingin.
"Hindi ko alam, Aurelia. Kahit na sinabi ng Jose Cuervo na 'yon na pakakasalan ka niya ay hindi ako matahimik. Saan ako nagkulang ng paalala na huwag mong gagawin 'yon hangga't hindi ka pa naikakasal? Oo, nasa tamang edad ka na pero kabilin-bilinan kong kasal muna bago 'yon! Ni ang sabihin sa amin na hiwalay na kayo ni Mallari ay hindi mo nagawa! Tapos ngayon malalaman ko na lang na buntis ka at sa anak pa ni Mcneir?!"
"I'm s-sorry."nakayukong paghingi ko ng tawad. Hiyang hiya ako dahil alam ko sa sariling ako ang may mali.
"Just go to your room and rest. Bawal ka ring mapagod sa trabaho. You should take a leave from your work. Uutusan ko na lang ang Tita Monroe mo na siya muna ang pumalit sa'yo."
"But kaya ko naman po–"
"I know you can't, and for once, Aurelia! Matuto kang sumunod sa akin. Kauna-unahang apo ko 'yan kaya kailangang maging maingat ka. Alam mong muntik ng makunan ang Mommy mo noon dahil sa stress at hindi ko isusugal ang buhay ng apo ko para lang sa trabaho."
Kahit na napipilitan akong pumayag ay tumango na lamang ako at umakyat paitaas sa aking silid. Nahiga ako at niyakap ang unan sa aking tabi. Tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Basta ang alam ko hindi ako masaya sa mga nangyayari matapos ang paghihiwalay namin ni Siddharth.
"Sabi ko na nga ba!"sigaw ni Lavinia.
May paghampas pa sa ito sa table at napatayo sa kaniyang inuupuan. Mabuti na lamang at nasa loob kami ng bahay dahil sobrang lakas ng boses niya. Pinuntahan ko siya sa kaniyang bahay kasama si Roselle upang sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Anong sabi ni Jose Cuervo?"nag-aalalang tanong ni Roselle.
"Ang cool talaga ng name niya! Pangalan pa lang eh nakakalasing na! Kaya ka siguro nabuntis!"
"Shut up, Lavinia!"
Kinagat ko ang ibaba kong labi.
"He said he's going to marry me. He even asked me straightly kung kailan ko gustong magpakasal!"
Nalaglag ang kanilang panga at bakas na bakas ang pagkamangha sa kanilang mga mata.
"Wow! Saludo na talaga ako sa'yo, Aurelia. Ibang klase na ang ganda mo. Biruin mo, exboyfriend mo na nga si Siddharth, tapos ngayon fiancee mo na si Jose Cuervo?! Wow lang!"tila nagniningning pa ang mga mata ni Lavinia kaya napairap ako.
Anong kahanga-hanga sa nangyari sa akin?! Gwapo nga at mula sa mayamang pamilya ang dalawang iyon ngunit pareho namang gago!
"Hindi pa ako pumapayag sa gusto niya. Hindi lang ako nakasagot pero tutol ako. Nabuntis niya lang ako pero hindi naman namin mahal ang isa't isa para magpakasal."
"Edi baka ginawa niya 'yon para sa baby n'yo?"hula ni Roselle.
Maaari ngang iyon ang dahilan.
"Pero malay ba natin at may hidden feelings pala sa'yo si Villamor, then sinadya niyang buntisin ka para mapasa-kaniya ka."
"Lavinia, what the fuck? Itigil mo na ang pagbabasa at panonood mo ng romantic genre, pwede ba?"iritadong wika ko.
Natawa ang dalawa sa aking sinabi. Masyadong malawak ang imahinasyon niya. Napadako ang tingin ko sa phone ko nang tumunog iyon. Nag-text si Mommy.
"Anak, where are you? Nandito kami ngayon ng Daddy at kapatid mo sa bahay ni Emersyn."
Napakunot ang aking noo. So, itinuloy nga nila ang pagpunta? Tumayo na ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko. Habang tinatahak ko ang daan ay natakam akong kumain ng lasagna kaya naisipan kong huminto upang bumili. Papalabas pa lamang ako habang bitbit ang binili nang may matanaw na pamilyar sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko at kaagad na lumabas upang makasiguro. Humigpit ang pagkakakapit ko sa hawak habang ang mga mata ay nakatutok kayna JC at Agacy. Pinagbuksan pa niya si Agacy ng pintuan. What a fucking gentleman? Kahit malayo at kitang kita ko kung gaano kasaya si Agacy. Magkakilala pala sila? At higit sa lahat ay bakit sila magkasama? Dumaan ang kakaibang galit sa akin. Bakit ba lahat ng lalaking dumadating sa buhay ko ay involve kay Agacy? Damn her!
Sumakay ako sa aking kotse at sinundan ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko pa 'to ginagawa gayong hindi ko naman mahal si JC. Umaasta akong isang girlfriend na sinusundan ang boyfriend niyang may kasamang ibang babae. Hindi ako nagselos sa kahit na kanino man kahit noong kami pa ni Siddharth, pero iba si Agacy. Nagkita na kami noon pero hindi ko pa siya pormal na nakakausap.
Huminto ang kotse ni JC sa isang kilalang restaurant. Bago ako bumaba sa sasakyan ay isinuot ko ang itim na face mask at sunglasses nang sa ganoon ay hindi nila ako makilala. Ipinusod ko rin ang aking buhok at isinuot ang itim na baseball cap. Good thing Roselle left her cap in my car.
Pagkapasok ko ay kaagad na hinanap ng mga mata ko ang sinusundan at hindi ako nabigo. Pasimple akong lumapit sa kanilang pwesto. Damn! Mukha na akong stalker sa ginagawa ko pero kailangan kong malaman kung bakit sila magkasama. Hindi ko naman sila maaaring komprontahin dahil ayaw kong magkaroon ng eskandalo. Tumalikod ako sa kanilang gawi ngunit bago iyon ay nakilala ko ang isa pang lalaking nasa table, si Lorenzo Trinidad, ang nakatatandang kapatid ni Agacy.
Inangat ko ang hawak na Menu at namili muna doon kung ano ang maaaring orderin habang naghihintay sa pag-uusap ng tatlo sa aking likuran.
"You're marrying her for my sister? I'd never thought you could be this evil, Villamor. I felt pity for that woman."dinig kong wika ni Lorenzo.
Sinong her ang tinutukoy niya? Mag-iisip na sana ako nang biglang maalala na ako pala ang babaeng sinasabi niyang pakakasalan ni JC. Pero ano raw? He'll marry me because of Agacy? Humigpit ang hawak ko sa Menu at halos malukot ko na iyon.
"Kuya, hindi ganoon 'yon. Just shut up and leave them alone. Wala na rin naman akong pakialam kay Siddharth. Hindi ako makikipagbalikan sa kaniya. Narinig ko ngang nag-break sila pero wala akong kinalaman doon."
Walang kinalaman? Damn you, woman!Our ex-boyfriendnd is still in love with you!
Hindi ko narinig na nagsalita si JC pero sapat na ang mga nakalap kong impormasyon mula sa magkapatid na Trinidad. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Gusto ko silang lapitan at komprontahin. Ang kapal-kapal ng mukha nilang pag-usapan ako at sa public place pa talaga?
Tikom ang aking mga palad na lumabas at mabilis na tinungo ang aking sasakyan. Doon bumuhos ang aking mga luha. I felt like I was cheated and betrayed for the second time! He's not going to marry me because of the baby! Gusto niya akong pakasalan para sumaya si Agacy at magkabalikan na sila ni Siddharth. May hinala akong mayroon siyang nararamdaman para kay Agacy dahil kung wala ay hindi niya isasakripisyo ang sarili niya para maikasal sa akin.
Pinahid ko ang aking pisngi at inayos ang sarili. Too bad for them, nalaman ko ang plano nila. Hindi ko aakalaian na ganito pala kasama si JC. Muntik na. Muntik na niya akong mapaniwala. Imbis na dumiretso sa bahay ng mga Villamor ay pinili kong magtungo sa kinaroonan ni Siddharth. Kailangan ko siyang makausap.
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...