Chapter 21

7 1 0
                                    

Isinuot ko sa ang Tiffany and Co diamond hinged bangle bracelet. Regalo ito sa akin ni JC noong birthday ko and I really love it. Nilingon ko si JC nang makitang nakadapa pa rin ito ng higa sa aming kama. Wala siyang damit pang itaas at tanging boxer shorts lamang ang suot.

"Hindi ka pa rin ba babangon dyan? Don't you have plans to go to your work?"tanong ko. Nagmulat siya at sinalubong ang aking titig.

"None, Aurora's school has a family day. Hindi mo ba alam?"

Hindi ko ipinahalata ang pagkanangha. So, a-attend talaga siya? Pero magmumukha lang siyang tanga doon kapag ginawa niya iyon since wala naman akong balak pumunta.

"I'm aware, but I won't go. May lakad kami ng mga kaibigan ko."

Nangunot ang kaniyang noo bago umayos ng pagkakahiga. Sumandal siya sa headboard ng kama habang ako ay nanatiling nakatayo. Nakabihis na ako at ready ng umalis kahit na mamaya pa ang oras na magkikita kami nina Roselle. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matiis si Aurora.

"Mas importante pa ba ang lakad n'yo kaysa kay Aurora? Can't that wait and be reschedule? This is her first time attending an event like that."aniya at bakas ang pagkadisgusto sa aking pasya.

"To be honest? Uhm, yes, I already talked to her, and she knew I won't go, so don't worry about your daughter."

"Our daughter, Aurelia."mariing sabi pa niya.

Umangat ang gilid ng aking labi bago walang imik na dinampot ang aking handbag. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng pintuan nang magsalita siyang muli.

"Then I hope it is fine with you if I'll ask Agacy to stand as her mother."

Dumiin ang pagkakahawak ko sa doorknob at bahagya ring kumunot ang aking noo dulot ng labis na pagkairita.

"I won't mind. Kahit siya pa ang tumayong ina ng batang iyon habang buhay. Baka nga maging masaya pa ako kapag nangyari iyon."bawi ko bago lumabas at padabog na isara ang pintuan.

Akma na akong bababa mula sa third floor nang mahagip ng aking mga mata ang pintuan ng kwarto ni Aurora. Napahinto ako ng tuluyan nang lumabas si Ruth doon kasunod ang aking anak. Nakabihis na ang bata at talagang napaka-cute niya sa kaniyang P.E uniform. Nagkatagpo ang aming paningin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi ngunit nang lumitaw ang kaniyang dimples nang ngitian niya ako ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit siya sa akin at yumakap sa aking hita.

"Hi, Mommy! Gwood mowning pwo!"masayang bati niya.

"Good morning, Ma'am!"bati rin ni Ruth kaya tinanguan ko siya.

"Mommy? Are you coming with me, na? You look like a queen, and I am your princess!"

Hinaplos ko ang pisngi ni Aurora at hindi na napigilan pang yumuko upang halikan siya sa kaniyang pisngi. Pumantay ako sa kaniya at mabilis na nilingon ang pintuan ng aming kwarto ni JC. Siguro by this time ay naliligo pa siya kaya hindi niya makikita kung kakausapin ko si Aurora.

"Listen, baby. Mommy can't go with you, but your Daddy will. Ano bang gusto mong pasalubong? I will buy everything you want."

Napanguso siya at tila nag-iisip.

"Hmm? I want a kiss and hug from you pwo!"

Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi. Umangat ang aking kamay at walang imik na niyakap siya nang mahigpit. I'm really sorry if I had to create a line between us, Aurora. Ang maliliit niyang braso ay pumulupot sa aking leeg at niyakap rin ako pabalik. Kahit ayaw ko pang bumitaw ay ginawa ko. Sinapo ko ang kaniyang maliit na mukha at hinalikan ang magkabila niyang pisngi. She giggled.

"I love you."mahinang sabi ko at halos maluha-luha na. Ngumiti siya. Bakas na bakas ang tuwa sa mga mata ni Aurora.

"I love you too, Mommy!"aniya bago lumapit at halikan rin ako sa aking pisngi.

Tumayo ako at marahang pinat ang kaniyang ulo. Nilingon ko si Ruth at nakitang nakangiti siya habang nakatitig sa amin. Nakahawak pa ito sa kaniyang bandang puso na animo'y antig na antig sa nasaksihan.

"Hintayin n'yo na lang na bumaba si JC. Sabay na silang mag-breakfast ni Aurora."

"Ay naku, Ma'am! Huwag na po! Papasukin ko na po este namin si Sir!"

Pinagtaasan ko ng kilay si Ruth kaya natawa siya.

"Joke lang po hehehe! Sabi ko nga maghihintay na lang kami dito. Hali ka na, baby Aurora."

Isang tingin ang ipinukol ko kay Aurora bago tuluyang bumaba. Dumiretso ako sa parking lot at kaagad na pinaandar paalis ang aking kotse. Tinungo ko ang daan papunta sa bahay ni Lavinia since siya ang pinakamalapit. Ite-text ko na lang siguro si Roselle na dadaanan namin siya mamaya.

Bumaba ako sa aking sasakyan at balak pa lang sanang mag-door bell nang bumukas iyon. Bumungad sa akin ang isang lalaking hindi pamilyar, kasunod niya ay si Lavinia na tila iritadong iritado.

"Huwag ka ng babalik! Babasagin ko na talaga 'yang mga ano mo!"sigaw niya na tila hindi ako napansin.

Nilingon siya ng lalaki at masasabi kong gwapo siya at mayroong magandang pangangatawan. Well, iyon talaga ang una kong napapansin since I am a model and I owned a modeling agency. Sa tingin ko nga ay papasa siya kung sakali man.

"Next time, don't fucking call and tell me that you're crying because you miss me."nakangising aniya ngunit bakas rin ang pagkairita sa mukha.

Tinungo niya ang nakapark na motorbike sa tapat ng bahay ni Lavi at pinaandar iyon ng napakabilis.

"Gago!"sigaw pa ni Lavi.

Napapailing na pumalakpak ako dahilan upang mapalingon siya sa aking gawi. Nanlaki ang kaniyang mga mata at itinuro ako.

"H-hoy! Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?"kinakabahang tanong niya kaya tumango ako.

"Cover your upper body. Bakat ang nipples mo habang nakikipagsigawan ka sa lalaking 'yon."

Mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na ipinagkrus ang kaniyang mga kamay sa dibdib.

"Fuck! Kaya pala panay ang tingin ng gagong 'yon sa dibdib ko! Bwisit!"

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon