Pakiramdam ko ay nahuli niya akong nagtataksil base sa galit sa kaniyang mga mata. Kunot noong nilingon ko si Siddharth. Nakangisi na rin siya ngayon kaya napataas ang kilay ko.
"Sinadya mo bang magpunta dito?"
"Yeah, dumaan lang ako para humingi ng sorry para sa mga nagawa ko noon."
"What the? Siddharth fucking Mallari!It's been years! Ano ba talagang gusto mo?"
"Calm down, Aurelia. I mean no harm, napadaan lang talaga ako para bisitahin ka. I'm going now, baka kung ano pa ang isipin ni Villamor."paalam niya.
Napapailing na lamang ako habang sinasamaan siya ng tingin. Sa tingin ko ay alam ko na ang ipinunta niya. Siguro ay alam niyang magpupunta dito si JC kaya sia dumaan. Ano 'yon? Gumaganti siya dahil close sina Agacy at JC ? Fuck you, Mallari! Manggagamit ka talaga! Hindi na siya ang lalaking nakilala ko noon, sa paglipas nang panahon ay nabago na nang tuluyan ang kaniyang ugali. Mabilis kong ipinatawag ang security at sinabing banned na si Siddharth Mallari sa kompanya.
Naiinis na naupo ako sa aking swivel chair habang inaalala ang reaksiyon ni JC kanina. Galit siya, alam kong galit siya sa kaniyang nakita ngunit nag-uusap lang naman kami ni Siddharth. Tsk! Nakakainis talaga! Hindi ko alam kung bakit apektadong apektado ako sa maaaring isipin niya gayong wala naman akong ginagawang masama.
Hindi ako matahimik kaya binalak ko sanang puntahan si JC. Tumawag ako sa kaniyang secretary ngunit sinabi niyang wala daw ito doon. Hindi ko naman ito ma-contact ngunit labis ang pagtataka ko nang makita ang napakaraming missed calls galing sa kaniya. Baka kaya siya nagpunta dito ay dahil hindi niya ako matagawan? Sa huli ay dumiretso na lamang ako sa bahay. Nandoon rin naman sina Mommy at Nemesis sa kompanya kaya ayos lamang kahit umalis ako nang maaga ngayong araw. Inuumpisahan na rin kasing itrain si Nemesis. Pero ang gusto naman ng kapatid ko ay sumali sa Miss Universe. Not sure kung sigurado siya o nagbibiro, pero kung sakali man ay hahayaan ko siya as long as she's happy and confident.
Pagkapasok ko ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Nakita ko si Agacy na nakaupo sa couch sa sala habang si JC naman ay nakaupo sa kaniyang tapat. Tila seryosong bagay ang kanilang pinag-uusapan.
"And why are you here, Agacy?"seryosong tanong ko nang makalapit sa kanilang gawi.
Ni hindi man lang ipinukol sa akin ni JC ang kaniyang tingin. So, galit nga siya. Kung ganoon ay gumaganti siya sa akin kaya niya dinala dito si Agacy? This bastard is too much!
"Your daughter is sick, and yet you left her for your work?"wika ni Agacy na ikinagulat ko.
May sakit si Aurora? Pero kanina lang ay ang sigla-sigla niya pa noong umaga. Kung ganoon ay baka kaya ako pinuntahan ni JC kanina para sabihin iyon.
"How would I know? Wala ako dito."bawi ko at hindi ipinahalata ang pag-aalala. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
"Mas mahalaga pa ba ang trabaho mo at pakikipagkita sa exboyfriend mo kaysa kay Aurora?"
Napantig ang aking tenga sa kaniyang sinabi. So alam niyang pinuntahan ako ni Siddharth? May duda akong si JC ang nagsabi non. Tinaliman ko ng tingin si Agacy.
"Oh, please, Agacy! I don't think I'm required to explain everything I do to you. Why are you with my husband if you're taking care of my daughter? Now, are you practicing to be the next wife of him?"
Doon ko nakuha ang atensyon ni JC. Walang emosyong nilingon niya ako at pinakatitigan.
"Don't be rude, Aurelia. Instead of taking care of Aurora and answering my calls, you focused on something you shouldn't do. What kind of mother are you? So irresponsible."aniya bago tumayo at maglakad paalis.
Hindi ko inaasahan ang huling dalawang salitang binanggit niya. Pakiramdam ko ay ipinahiya niya ako at sa harap pa ng babaeng kinaiinisan ko. Nainsulto ako nang lubos dahil kinukwestyon niya ang pagiging ina ko kay Aurora.
"Well, I guess, have to go? Bye, Aurelia and Jose."paalam ni Agacy ngunit hindi ko siya pinansin.
Dulot nang sobrang galit ay mabilis ang aking naging hakbang upang sundan si JC. Naabutan ko siya sa loob ng aming kwarto. Nagpunta ako sa kaniyang harapan at pinakatitigan siya. Halos mangilid ang aking mga luha habang pinipigilan siyang lampasan ako.
"How dare you say that I'm an irresponsible mother in front of Agacy?!"
Imbis na magalit siya ay nginisihan niya ako.
"What do you call yourself, then? Isang mabuti at ulirang ina na mas inuuna pa ang sarili kaysa sa anak—"
Hindi ko na siya pinatapos at pinatama ang aking palad sa kaniyang pisngi. Halos namanhid ang aking palad sa lakas ng aking pagkakasampal. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Asshole! Hindi ko alam na may sakit 'yung bata! Kung alam ko lang ay hindi na ako umalis at sa halip ay inalagaan na lamang siya!"
"Oh really? You never cared about Aurora's existence, so how can you make me believe that you're really worried? You're only mad because you've seen Agacy. You were jealous of her not because you've seen us together, but because you knew Siddharth was still in love with her. He came back, not for you, but for Agacy. You couldn't accept the fact that he never loved you."
Hindi man niya ako pinagtaasan ng boses ngunit damang dama ko ang kaniyang galit. Hindi naman ito tungkol sa kung anong meron sa aming tatlo nina Agacy. Nasasaktan ako kasi nagagalit siya sa akin.
"I h-hate you!"mariing wika ko bago siya talikuran at iwan doon.
"Tell me something I don't know, Aurelia."
Aurelia, no more Lia. He's really mad and serious about it.

BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...