Chapter 36

42 2 0
                                        

"I can't believe na kung gaano mo kagustong mawala ang asawa mo noon ay siya namang kabaliktaran ngayon. I've told you many times how lucky you are to have Jose Cuervo as your husband pero hindi ka naman nakikinig."mahabang lintaya ni Mommy habang kumakain kami ng breakfast.

"Mom, please. I know it's too late for me to realize that pero babawi naman ako sa asawa ko."

"I'm looking forward to that, Aurelia."

Aurora is still sleeping in my room, while Dad went to Tito Moreigh's house. Halos dito na rin kami umuuwi dahil nalulungkot lamang ako kapag naaalala kong wala si JC.

"Are you done? Your father said that Jose Cuervo will have a meeting with the Dela Fuentes. Make sure to look elegant and alluring nang sa ganoon ay bumalik kaagad ang asawa mo."

Umangat ang gilid ng labi ko. Hindi ako nagkamali nang nilapitan dahil kaagad na nalaman ni Daddy ang kinaroroonan ni JC. Hindi ko alam kung paano pero ang sabi niya ay magaling daw ang source niya. He's really the best father!

Ilang araw kong pinaghandaan ang pagkikita namin ni JC. All of my outfits from head to toe, even the undergarments were all bago just to make sure na I look good. Though alam ko namang bagay sa akin lahat. I'm not bragging, just stating some facts.

My father even texted me goodluck, and I thanked him. He said that I have to make sure to win JC's heart this time. Gusto ko pa sanang isama si Aurora kaso naisip ko ring kailangan naming mag-usap nang masinsinan ni JC.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang tinatahak ang daan patungo sa location. I was an hour ahead of the time of their meeting. Plano kong patapusin muna silang mag-usap since hindi naman talaga ako kasama sa meeting, and then kapag umalis na ang kausap ni JC ay saka ako lalapit. Maski ang reserved table nila ay nalaman ni Daddy kaya mayroon akong chance na makapili ng malapit na table.

I kept on checking the entrance of the restaurant at nang matanaw ang asawa ko ay tila tumigil ang mundo. It's been a year mula nang huli ko siyang makita. Ganoon pa rin ang kaniyang hitsura, mas lalo ata akong nahulog ngayong malapit na siya sa akin. May kasunod siyang matandang lalaki at isang babaeng mukhang nasa late twenties na, anak ata ni Mr. Dela Fuente. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdikit nito sa aking asawa. The nerve of this bitch!

I took a deep breath to calm down. Hindi ko naririnig ang kanilang pag-uusap. Nakatalikod pa si JC sa aking gawi kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. It took an hour and a half for them to finish their meeting. Nakita ko kasing nagkamayan na ang dalawang lalaki kaya siguro ay tapos na. Wala akong inaksayang panahon lalo pa at balak sumimple ng halik ng babae sa asawa ko.

Mabibilis ngunit maingat na naglakad ako papalapit at humawak sa braso ni JC. Ramdam ko ang pakabigla niya at mabilis akong nilingon. I smiled at him sweetly kahit na sa loob-loob ko ay kabado na ako. I kissed him swiftly on his lips.

"Mrs. Villamor, hindi ko inaasahang nandito ka rin pala."bati ng matandang lalaki kaya nilingon ko siya.

"Yes, my husband texted me that he'd have a meeting with you before our date."

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniyang anak at nakita ko kung papaano nawala ang ngiti nito sa mukha. He's mine, bitch! Find yours.

"Ah, ganoon ba? Then we'll go, baka nakakaabala na kami ng anak ko. By the way, she's Mary. Mary, si Aurelia, ang asawa ni Jose Cuervo."

"Whatever, Dad. Bye, Jose Cuervo and Aurelia. Call me when you need me, Mr. Villamor."

Low class bitch! What does she mean by calling her when JC needs her?

"Goodbye, Mary and Mr. Dela Fuente."bati ng aking asawa.

The flirt even has the guts to smile and wink at my husband. Mr. Dela Fuente apologized for his daughter's indecent action. Nang mawala ang dalawa ay ganoon na lamang ang pagbalik nang kaba sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pagkalas ni JC sa aking kamay na nakahawak sa kaniya at walang imik na nilampasan ako.

"JC, wait! We need to talk."pigil ko pero nagpatuloy siya at tila walang narinig.

Mabibilis ang kaniyang paglakad at kahit na tinangka kong habulin ay hindi ko na naabutan. Lalo pa nang sumakay siya sa isang kotseng nakaparada at pinaandar kaagad. Nanginginig ang labing tinanaw ko siya habang nanlalabo ang mga mata. How dare him walk out on me?! Ni ang kausapin ako kahit na galit siya ay hindi niya ginawa.

Kahit na may pagtatampong nararamdaman ay ipinagsawalang bahala ko iyon. Ako ang may kasalanan kaya kailangan kong magtiis. Pinalampas ko ang nangyari at inalam ang mga posibleng puntahan niya sa tulong ng aking ama.

"Damn it, Aurelia! Hindi ko alam na ganito ka kapatay na patay sa asawa mo. We look like a goddamn stalker!"reklamo ni Lavinia.

"The things we do for love."nakangising dagdag pa nito nang irapan ko siya.

Ibinaling ko ang atensyon sa binocular na hawak at sinipat doon si Jose Cuervo. Hindi ko magawang lumapit dahil kasama niya si Mommy Emersyn pati na rin ang kapatid nitong lalaki na si Yossi at ang girlfriend niyang si Karisma Herrera. Nakakandong si Aurora kay JC habang panay ang tawa nito dahil kinikiliti ng kaniyang ama.

"Bakit hindi mo pa kasi lapitan?"

I sighed.

"Alam mo namang galit sa akin ang nanay ni JC, pati na rin ang asawa ko. If I did that in public place, baka mapahiya lang akong muli."

Pakiramdam ko may sakit akong nakakahawa dahil panay ang iwas niya sa tuwing magkakatagpo kami. Ang masakit pa doon ay wala siyang binibitiwang salita. Baka mas maintindihan ko pa siya kung magagalit siya sa akin at ipo-point out kung gaano ako naging walang kwentang asawa at ina sa aming pamilya. Pero hindi, ni isang salita ay wala akong naririnig sa kaniya.

"Pero hanggang kailan naman kayong ganito? Wala ka bang ibang plano maliban sa sundan siya?"

"As of the moment, ito pa lamang ang kaya kong gawin. Baka kapag tuluyan na siyang nakulitan sa akin ay kausapin na niya ako."

"Whoah! At kailan ka pa naging matyaga? Damn! Hindi talaga ata ako masasanay sa'yo, Aurelia."

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon