Buong araw akong napagod dahil sa pagkuha ng mga picture kaya hindi rin kami nagtagal ni JC sa reception. Halos pasado alas dose na kami nang makarating sa bahay niya. Hindi ito ang pinagdalhan niya sa akin noong unang gabi namin, sigurado ako doon. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at naglahad pa ng kamay pero hindi ko tinanggap.
"JC! There's no need to carry me!"nanlalaki ang mga matang sigaw ko nang buhatin niya ako.
"It's my duty as your husband. I know you're tired."
Hindi na ako umangal pa at hinayaan na lamang siya. Abot-abot ang aking kabang naramdaman nang makarating kami sa isang kwarto. Ni hindi ko nga namalayan na nakapasok na pala kami sa bahay. Ibinaba niya ako upang buksan ang pintuan ng kwarto sa aming harapan.
"Do you own this house?"tanong ko upang maibaling ang kaniyang atensyon sa ibang bagay kung sakali mang may balak siya sa akin. Nilingon niya ako na tila isang biro ang aking sinabi.
"Sa tingin mo dadalhin kita dito kung hindi ko pag-aari ang lugar na 'to?"
"I'm just asking! You could've answered me politely, asshole!"inirapan ko siya at naunang pumasok sa kwarto matapos niya iyong buksan.
"Nandyan ang mga gamit mo sa walk in closet, right side."aniya kaya tinungo ko ang daan papunta doon. Naramdaman kong sununod siya sa akin at baka kukuha rin ng pampalit. Maya-maya pa ay lunabas rin siya kaya binuksan ko na ang cabinet na para sa akin.
Umawang ang aking labi nang makitang nandoon nga ang mga gamit ko. Naghanap ako ng pantulog at halos mapamura ako nang makitang puro nighties and lingerie iyon. Hindi sa hindi ako gumagamit ng ganoon pero iba na ang sitwasyon. Nakakainis! Kung sino man ang nag-empake ng gamit ko ay sinadya niyang ito ang ilagay!
Sa huli ay pinili ko na lamang na kuhanin ang itim na Victoria's Secret silk charmeuse slip dress. May maliit na slit pa iyon. Dahil naiinitan ay hinubad ko ang aking wedding dress at itinira lamang ang undergarments. Maging ang aking mga suot na alahas ay inalis ko rin. Bitbit ang pampalit ay lumabas ako ng walk in closet.
"Fuck!"mura ko nang may marinig na bumagsak.
Napalingon ako sa isang gawi at nakita si JC na yumuko at dinampot ang nahulog na cellphone habang ang mata ay nasa akin. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi sabay hagod ng tingin sa aking katawan na ikinataas ng kilay ko. Mukhang kakatapos lamang niyang mag-half bath dahil nakapagpalit na siya ng damit. Nakasuot siya ng white t-shirt at black shorts. Inirapan ko siya bago nagpatuloy sa pagpunta sa c.r. Ngayon lang ba siya nakakita ng katawan ng babae? May suot pa naman akong bra at panty pero parang hinuhubaran na niya ako sa paraan ng kaniyang pagtitig!
Hinubad ko ng tuluyan ang aking damit panloob bago lumusong sa tub at sumandal doon. Ipinikit ko ang aking mga mata upang ma-relax kahit papaano. May pumasok sa aking isipan kaya umangat ang gilid ng labi ko. Alam ko na kung papaano ako makakaganti sa kaniya. Tumayo ako at mabilis na tinuyo ang aking katawan gamit ang towel na nakita. Isinuot ko ang roba at bumalik muli sa walk in closet upang mag-ayos. Nadaanan ko pa si JC na may kausap pa rin ata sa kaniyang cellphone.
Inalis ko ang suot kong robe at nagpahid ng lotion sa buong katawan. Para akong sira na hindi matigil sa kakangiti. Ewan ko na lang sa kaniya mamaya kapag hindi siya mainis nang tuluyan sa aking gagawin. Siniguro kong maayos na maayos ang hitsura ko, nag-spray rin ako ng favourite perfume ko. Nang makuntento ay nagpasya na akong lumabas muli.
Naabutan kong nakaupo na si JC sa dulo ng kama. Napadakong muli ang atensyon niya sa akin at kitang kita ko kung papaano niya pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Inikutan ko siya ng mga mata at naglakad na patungo sa kama. Nakaramdam ako ng kaba nang tumayo siya. Napahinto ako sa paglalakad at hinihintay ang kaniyang susunod na gagawin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
"Matulog na tayo, malalim na ang gabi."aniya bago nahiga sa kama.
Kulang na lamang ay mapasabi ako ng isang malaking what sa kaniyang sinabi. Ano raw? Matulog na daw kami? Hindi sa gusto kong may gawin siya sa akin pero this is our first night together as a husband and wife! Iritadong naglakad ako papalapit sa kabilang side ng kama at nahiga rin doon. Papaano ko maisasagawa ang balak kong pagtanggi sa kaniya gayong hindi man lamang siya naaakit sa akin? Kinapa ko ang aking mukha. Tumataba na ba ako? Hindi na ba ako attractive tingnan? Nakakainis! Hindi man lang ako nakaganti sa kaniya ngayong gabi!
Napahinto ako sa pag-iisip nang maramdamang gumalaw siya at lumapit sa aking gawi. Ipinulupot niya ang kaniyang matigas na braso sa aking bewang at marahang pinasadahan ng haplos ang aking bandang puson. Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon at tila nakuryente sa kaniyang ginawa. Napako ako sa aking kinahihigaan nang magsumiksik siya at yakapin akong lalo. Nakabaon ang kaniyang mukha sa aking batok at halos makagat ko ang aking dila nang maramdamang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat.
"You smell so damn good, Lia."inaantok na sabi niya.
"Your hug is too tight! Nasasaktan ako!"pagsisinungaling ko kahit hindi naman iyon totoo. Dahil kung hindi ko iyon sasabihin ay ako naman ang hindi makakatulog sa aming dalawa.
"I'm sorry, sleep now. Bawal sa'yo ang mapuyat."bulong niya bago patakan ng marahang halik ang aking batok at balikat.
Kakaibang kilabot ang aking naramdaman dulot ng kaniyang ginawa. Bahagyang lumuwag rin ang pagkakayakap niya sa akin. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
All for You
RomansaAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...