Chapter 15

15 3 0
                                        

"Bakit ba ang tagal niyang bumaba?"bulong ko sa aking sarili habang nakaupo sa isang silya sa harap ng mesang puno ng masasarap na pagkain. Kahit na gaano ko pa gustong tikman ang mga iyon ay pinigilan ko ang aking sarili dahil umiiral na naman ang kagustuhan kong makita si JC.

Nang mainip ay nagpasya akong magtungo sa aming kwarto. Pagkarating namin ay nauna akong magpalit ng damit, habang siya ay sinabing maliligo muna bago kumain. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button ng third floor kung nasaan ang kwarto namin ni JC.

Marahan ang aking paglalakad hanggang sa makarating sa loob. Wala siya maski sa walk in closet kaya marahil ay nasa shower. Upang makasiguro ay naglakad ako papunta doon at walang pasabing pinihit ang pintuan. Namilog ang aking mga mata nang makita ang hubad na likuran niya, umaagos ang tubig mula sa shower papunta sa kaniyang katawan. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang pang-upo at bigla ay nakiuyom ko ang aking magkabilang palad. Napaatras ako nang pumihit siya paharap sa akin at bago ko pa muling makita ang kaniyang kabuuan ay pumikit na ako.

"Aurelia?"

"J-just pretend that I never went here."mariing wika ko bago isinarang muli ang pintuan.

Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa nakita. Damn those cute asses! Parang ang sarap kuritin dahil hubog na hubog sa pagkabilog. Naupo ako sa dulo ng kama at hinintay na lamang siya na lumabas mula sa c.r. Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pintuan at iniluwa non si JC.

Nagkasalubong ang aming mga mata at upang hindi niya mahalatang naiilang ako ay pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. Tanging ang maiksing tuwalya lamang ang tumatabing sa kaniyang lower body. Pakiramdam ko ay sinasadya rin niyang ibalandra sa akin ang eight pack abs niya. Nagtungo siya sa walk in closet upang magbihis. Pagkalabas niya ay nakasuot na siya ng black shorts ngunit wala pa ring damit pang-itaas. Nakasabit sa kaniyang leeg ang tuwalya habang hawak ang isang white t-shirt sa kaniyang kaliwang kamay.

"Bakit hindi ka pa bumaba para kumain? Hinihintay mo ako?"

Umirap ako.

"You can say that. Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para hindi ka hintayin. At pwede ba? Isuot mo na 'yang damit mo dahil naiirita na ako sa'yo."

Tumayo ako at nag-cross arms sa kaniyang harapan. Medyo malayo ang aming distansya. Isinuot niya ang kaniyang t-shirt habang ang mga mata ay nanatili sa akin. Ano bang inisiip niya at sa harapan ko pa talaga? Pero mas gusto kong pagsabihan ang aking sarili dahil bakit hindi ako nag-iwas ng tingin? Pumasok siyang muli sa banyo upang ibalik ang kaniyang towel.

"Ang bagal!"inis na sabi ko at sinadya kong iparinig iyon.

"I'm sorry, tara."anyaya niya bago maglakad papalapit sa akin at hawakan ang aking kamay. Nagpumiglas ako nang maalala ang ginawa niya kanina.

"Hinawakan mo 'yung bulate kanina! You're dirty!"

"Lia, naligo na ako. Ano pa bang gusto mo?"muli niyang inabot ang aking kamay at hinawakan iyon nang mahigpit, though sapat lang para hindi ako masaktan.

Sabay kaming bumaba at tinungo ang dining upang kumain. Mas pinili kong manahimik at ni ang balingan siya ng tingin ay hindi ko ginawa. Napaangat ang aking mukha nang marinig na tumunog ang kaniyang cellphone. Nakakunot ang kaniyang noo habang binabasa ang message. Sino naman kaya ang nag-text sa kaniya? Ibinaba niya ang kaniyang phone bago ako nilingon.

"I have to go back to the company. Hindi na rin naman natuloy ang gagawin natin. Ayos lang ba?"

"Nagpapaalam ka ba o hindi? Papaano kung ayaw ko? Aalis ka pa rin?"kunot noong tanong ko at naibaba na ang hawak na kutsara't tinidor. Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"If you want me to stay, then I will."

"Then that's good, but it's not like I really want you to stay and be with me the whole day. It's the baby's choice."

"It's fine. I'll just talk to my Dad."paalam niya bago damputin ang kaniyang cellphone.

Kung ganoon ay si Daddy pala ang nagtext. Ang akala ko pa naman ay si Agacy na. Napapailing na lamang ako sa aking mga naisiip. Am I being paranoid? Ganoon na ba ako katakot na baka agawin niya ang lahat sa akin? Nagawa niya iyon kay Siddharth at hindi rin malabong magagawa niya rin kay JC. Agacy Trinidad belongs to the top wealthiest family in the Philippines. I must admit that she has an hourglass body like mine, and that heart shape face she has. Also, to mention her deep set of brown eyes. Those are the things why men fell for her.

Nakaramdam ako ng pangangalay ng aking binti at balakang kaya napahawak ako doon.

"What's the problem?"tanong ni JC nang marinig na napabuntong hininga ako. Mukhang kanina pa pala siyang nakabalik.

"Sumasakit ang balakang ko."pag-amin ko.

"Gusto mo bang magpunta sa ospital? Masakit na masakit ba?"bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"Hindi naman gaano, alalayan mo na lang ako pabalik sa kwarto. Gusto kong magpahinga."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at akmang hahawak sa kaniyang braso nang yumuko siya at buhatin ako. Hindi na ako umangal at hinayaan na lamang siya. Napahikab ako habang nakasakay kami sa elevator. Ibinaba niya akong muli nang nasa tapat na kami ng aming kwarto. Binuksan niya iyon at inalalayan akong maglakad hanggang sa makahiga ako sa kama. Sumandal ako sa headboard habang siya ay tumayo at tinungo ang isang cabinet. Pagharap niya ay may hawak na siyang ointment.

"Saan banda masakit?"

"Sa binti at balakang."nahihiyang sagot ko.

Naupo siya sa gilid ng kama at itinaas ng kaunti ang dulo ng aking saya. Pinahiran niya ng ointment ang aking binti at nagsimulang hilutin iyon. Well, he's good. Marunong pala siyang magmasahe, ngayon ko lang nalaman. Nakaramdam ako ng antok kaya dumiretso ako ng higa. Ipinatong niya sa ibabaw ng kaniyang mga hita ang aking mga binti at ipinagpatuloy muli ang ginagawa. Nakakatulog na ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balakang at iyon naman ang sinimulang hilutin.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon