Chapter 13

6 2 0
                                    

"JC!"

Sigaw ko kaniyang pangalan at tila umaasang lalabas siya kung saan at magpapakita sa akin. Iritadong bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at ibinalot ng roba ang aking katawan. Lumabas ako ng kwarto at nagpalinga-linga.

"JC! Where the hell are you?!"

"Ah, Ma'am? Gising na po pala kayo?"

Napalingon ako sa kabilang side at nakita ang isang maid na papalapit.

"Kanina pa po nakaalis si Sir Jose papasok sa kaniyang trabaho. Gusto n'yo na po bang kumain?"

Napahilot ako sa aking sintido. Naiirita ako kapag nakikita ko ang lalaking 'yon pero mas naiirita ako kapag hindi ko siya nakikita. Nakakainis! Tumakas na naman siya! Umalis na naman nang hindi man lang ako ginigising upang magpaalam!

"Gusto n'yo bang bumaba? Aalalayan ko po kayo."

Umiling ako sa kaniya bilang pagtanggi bago muling pumasok sa loob ng kwarto. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto ko talaga siyang makita ngayon. Damn hormones!

Matapos akong makapag-ayos ay nagpahatid ako sa isa sa mga driver ni JC sa bahay papunta sa kaniyang opisina. Bumaba ako mula sa kotse at isinuot ang aking sunglasses. Tila nasa isang runway ako habang tinatahak ang daan papasok sa building.

"Good morning, Mrs. Villamor."bati ng ilan nang namukhaan ako.

Kung sa bagay ay hindi rin naman ako nakasuot ng pang-disguise. Isang tipid na ngiti lamang ang iginawad ko sa kanila. Hindi ko itinext si JC na darating ako. Gusto ko lang makita ang eskpresyon niya.

Ngayon pa lamang ang unang beses na makakapunta ako dito kaya naman nilapitan ko ang isang babaeng naka corporate attire na sa palagay ko ay secretary niya. Hinubad ko ang suot kong sunglasses.

"Excuse me, miss?"pagtawag ko sa kaniyang atensyon dahilan upang mapalingon siya sa akin.

"Yes, Ma'am? How can I help you?"nakangiting tanong niya ngunit halata rin ang pagkagulat nang makilala ako.

"G-good morning, Mrs. Villamor."aniya sabay senyas sa kaniyang ibang katrabaho upang batiin rin ako na ginawa naman nila kaagad.

"Good moring. Anyway, nasaan ang office ng asawa ko?"

"Uh, iyon po ba? Sumunod po kayo sa akin."

Tinungo niya ang isang daan kaya sumunod ako. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang pintuan na may nakalagay na sign na, CEO's office.

"Ay! Nakalimutan ko po palang may kasama si Sir Jose sa loob."aniya nang akmang kakatok na siya. Napakunot ang aking noo.

"Who? May importanteng meeting ba siya?"

"Ah, eh hindi naman po ata gaanong ka-importante ang pinag-uusapan nila ni Ma'am Agacy."

Napantig ang tenga ko sa narinig. Agacy? Nandito siya? Ang babaeng 'yon! Ginagalit niya talaga ako! Hindi pa ba siya makukuntento kay Siddharth kaya pati ngayon ay nilalapitan na rin niya ang asawa ko?

"Kanina pa ba sila sa loob?"kunot noong tanong ko. Lumunok siya bago dahan-dahang tumango.

"Bale halos dalawang oras na po ata. Pero about naman po sa business ang pinag-uusapan nila."

"Okay, you can leave now. Ako na ang bahala."

"Sige po, Ma'am Aurelia."

Huminga ako nang malalim bago nagpasyang kumatok sa pintuan at binuksan iyon. Unang bumungad sa akin ang dalawa na nakaupo sa sofa. Mukhang wala naman silang ibang kababalaghang ginagawa maliban sa pag-uusap. Napalingon sa akin si JC at bahagyang napakunot pa ang noo.

"Lia? Why did you go here? May nangyari ba?"

Lumapit siya sa akin ngunit ang mga mata ko ay nanatiling nakatitig kay Agacy. Ngumiti sa akin ang babae bago tumayo at damputin ang nakalapag na bag sa ibabaw ng table.

"I should go now, Jose Cuervo. Sa ibang araw na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin."

Bumaling si JC kay Agacy at nginitian siya bago tumango. He never smiled nor looked at me that way.

"Yeah, take care. Magpasundo ka na sa kapatid mo."

"Ayokong maabala pa si Kuya. Besides, dala ko rin naman ang kotse ni Papa."

Whatever! Just go and never come back, bitch! Kinagat ko nang mariin ang dulo ng aking dila dahil sa sobrang pagkairita. Bumaling sa akin si Agacy.

"Hi, Aurelia. Ilang months na ang baby mo?"

Hindi ako sumagot kaya si JC na lamang ang gumawa para sa akin.

"Almost six months."aniya bago inabot ang aking kamay at hawakan iyon.

Nginitian akong muli ni Agacy bago niya kami lampasan at tuluyang lumabas doon. Pagkasarang pagkasara ng pintuan ay hinila ko pabalik ang aking kamay at halos mapairap dahil sa labis na pagka-irita. Ang akala ko ay mapapanatag na ang kalooban ko dahil makikita ko siya pero hindi ko alam na mas lalo lamang palang masisira ang araw ko dahil sa nadatnan.

Alam kong wala silang ginagawang mali pero hindi ako matahimik. Ayoko ng may umaaligid sa mga taong malapit sa akin lalo na kung si Agacy iyon. Nag-cross arms ako sa harapan ng magaling kong asawa.

"Kumain ka na ba?"tanong niya.

"Do you think I would go here for you to ask if I'm famish?"

"Then what do you need this time? Have a seat, baka mangalay ka."

Ginawa ko naman ang inutos niya ngunit dumiretso ako sa kaniyang swivel chair at doon naupo. Napataas nang bahagya ang kaniyang kilay ngunit hindi naman umangal. Naglakad siya papalapit sa aking pwesto at sumandal ng sa gilid ng mesa sa aking harapan. Hindi ako nakakilos nang marahan niyang hawiin ang aking buhok at ikipit iyon sa likuran ng aking tenga.

"May fishing pond ka bang alam?"wala sa sariling tanong ko.

"Yeah, why?"kunot noong tanong niya na tila nagtataka.

"Hmm, gusto kong ihuli mo ako ng isda tapos ikaw rin ang magluto."

"Now?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi! Sa susunod na taon pa. Tsk!"

Umayos siya ng pagkakatayo at hinarap ako.

"Lia, may meeting ako mamaya—"

"So what? Anong gusto mong gawin ko? Mag-isang pumunta doon? Alam mo bang masama kapag hindi nasusunod ang gusto ng mga nagbubuntis? What an ass! This is one of the reasons why I hate you. Dati, isang hiling ko pa lang kay Siddharth ay tinutupad na niya—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang makitang dahan-dahang nagsasalubong ang kaniyang makapal na kilay kasunod ng pagtikom nang mariin ng kaniyang labi. Inabot niya ang coat na nakapatong sa likuran ng aking inuupuan dahilan upang halos maglapit kaming dalawa. Kulang na lamang ay huminto ako sa paghinga dahil sa kaniyang ginawa. Umatras siya at umayos muli nang tayo.

"Let's go."malamig ang boses na anyaya niya.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon