Padabog kong inilapag ang kutsara at mabibilis ang lakad na tinungo ang aking sasakyan. Wala akong ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahan gayong nag-iisa ka lang sa harap ng hapag? Wala pa rin si Aurora dahil nandoon siya kayna Mommy. Si JC naman ay hindi ko alam kung nasaan. Kung nasa mga magulang ba niya o ano. Tsk! Bahala siya! Siya itong umalis-alis kaya magkusa rin siyang bumalik. Habang nasa loob ako ng aking opisina ay dumalaw sina Roselle at Lavinia. Nakakunot pa ang noo ni Roselle at tila naiirita.
"Bakit mga mukhang wala kayo sa mood?"natatawang tanong ni Lavinia ngunit nanatili akong tahimik. Sumandal ako sa aking swivel chair at napabuga na lamang ng hangin.
"Haays..."wika rin ni Roselle.
"Tsk! Tsk! Masama 'yan!"
"Can you shut your mouth, Lavinia?"iritadong utos ni Roselle.
"Oh my god! I can't believe this! Nagalit ka, Roselle! Ngayon lang kita nakitang bad mood. Hmm, mukhang alam ko na kung bakit. Ganoon ka rin, Aurelia."
"And why?"sabay naming tanong ni Roselle.
Ngumisi si Lavinia.
"Kulang kayo sa—"
"Lavinia!"magkasabay na tawag namin ni Roselle.
"What? Wala pa nga akong sinasabi! Kulang kayo sa exercise! 'Yun lang 'yon! Akala n'yo sa sex, 'no?"
Inirapan ko na lamang siya at hindi na sumagot pa.
"Pero kung sa bagay ay si Roselle lamang ang kulang sa sex. May asawa ka na kasi, Aurelia. Imposible namang hindi n'yo ginagawa 'yon ni Jose eh ang bali-balita ng mga naging babae noon ng asawa mo ay pak na pak daw ang performance niyang si Villamor."
The fuck?! Kailangan ba talagang ipagkalat iyon? Anyway, they're right. My husband is so damn good in bed. Kaya nga ang hirap-hirap tiisin at pigilan kapag nag-aaya. Nag-init ang aking mukha sa naiisip at napailing na lamang.
"Wala na, nilayasan na ako."
"Ano?!"
Halos mabingi ako sa lakas nang sigaw nilang dalawa.
"What do you mean by nilayasan? Anong nangyari?"sunod-sunod na tanong ni Roselle. Pumikit ako nang mariin at marahang minasahe ang gilid ng aking ulo.
"Ewan, basta umalis na lang siya."
"Baka naman kasi inaway mo na naman! Ikaw kasi eh, masyado kang maldita! Baka nagpapa-miss lang."
"I am not maldita. It's fine though, kahit huwag na siyang bumalik."pagsisinungaling ko dahil alam ko sa sarili kong naghihintay ako.
"We? Maniwala sa'yo!"
Tahimik na kapaligiran ang sumalubong sa akin sa buong bahay. I felt so lonely. Matapos makapagbihis ay nagtungo ako sa wine cellar at kumuha ng alak sa koleksyon ni JC. Umakyat akong muli sa itaas at tinungo ang daan papunta sa balkonahe sa labas ng aming kwarto. Baka dumating siya kaya tatanawin ko dito.
Halos nangangalahati na ako sa pag-inom at nararamdaman ko na ring tinatablan na ako ng alak. Narinig kong nag-ring ang aking cellphone kaya kahit nahihilo ay tumayo ako upang kuhanin iyon. Muntik pa akong mapa-untog sa gilid ng sliding window dulot nang kalasingan. Muli akong naupo sa aking silya matapos kuhanin ang aking cellphone. May missed call si Mommy. Why kaya? Kunot noong tinawagan ko siya at makalipas ang ilang ring ay sumagot rin.
"Hello? Aurelia?"
"What now, Mommy? It's late."halos naiiritang sagot ko.
"Are you drunk? Yeah, it's late, and yet you're still drinking? Where are you?"
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what had happened that led them to marriage. He tried h...
