Chapter 2

10 2 0
                                    

"Ma'am Aurelia, may flight po kayo bukas para sa Paris fashion show."

Kunot noong binalingan ko ang aking secretary.

"Haven't I told you to cancel that?"

"Uh, nasabi n'yo po pero hindi po kasi pwedeng iatras. Nakapagbayad na po sila."

"Then gave them back the money! Make it double, better yet, make the payment three times higher so that they will have no say against me."

"S-sige po."aniya bago lumabas ng aking office.

Napahampas na lamang ako sa ibabaw ng aking mesa sa sobrang inis. Ilang araw na akong wala sa mood simula noong mag-break kami ni Siddharth. Nakakainis lang dahil alam ko namang wala akong naging kasalanan pero ako pa itong hindi matahimik.

Kaagad kong inabot ang tissue nang maramdamang mayroong tumulong luha sa aking mga mata. I fucking hate him. May his soul rot in hell together with Agacy. Kahit gaano pa ako kagalit sa babaeng iyon ay hinding hindi ko siya susugurin upang komprontahin. Hindi ko sisirain ang reputasyon ko para lamang ipaglaban ang isang lalaking hindi naman pala talaga ako minahal.

Napadako ang tingin ko sa pintuan nang mayroong kumatok, nagtaka ako nang makitang muli ang aking secretary na si Alyssa. Bakas ang kaba sa kaniyang mga mata at ngumiti nang alanganin sa akin.

"What's the problem? Ayaw pa rin ba nilang pumayag?"

Umiling siya.

"Hindi po tungkol doon ang ipinunta ko."

"Kung ganoon ay ano?"iritadong tanong ko.

"May bisita po kayo, si Sir Siddharth. Papapasukin ko na po ba?"

At anong ginagawa ng lalaking 'yon dito?

"Huwag, paalisin mo na siya."

Kahit na puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata ay sinunod pa rin niya ako. Naiwan akong muli na mag-isa sa loob. Sumandal ako sa kinauupuan kong swivel chair. Saan siya kumukuha ng lakas para magpakita sa akin matapos niyang sabihin na kailanman ay hindi siya naka move on kay Agacy? I never thought Siddharth is one of the assholes.

"Aurelia, iinom ka na lang ba dyan at magmumukmok? Kung ako sa'yo makikipaglandian ako para makalimutan ang sakit."suhestyon ni Lavinia.

"Bad influence ka talaga, Lavi!"wika ni Roselle.

"What? Ganoon ang ginagawa ko kapag nabo-broken ako eh! Palibhasa wala kang nagiging kalandian, Roselle."natatawang giit ni Lavi.

Hindi ko na lamang sila pinansin at patuloy pa rin sa pag-inom ng alak. Maya-maya pa ay iniwan rin ako ng dalawa dahil inaya ni Lavi si Roselle na mag-boy hunting. Wala ako sa mood para sumama sa kanila kahit na gusto kong patulan ang suhestyon ni Lavi.

"You're alone again and you look so sad."

Napalingon ako sa nagsalita sa aking tabi. Naningkit ang aking mga mata nang makita si Jose Cuervo. Nakangisi pa habang nakatingin sa akin.

"Oh, hi? Nandito ka rin pala. What a  coincidence?"

Umirap ako bago nag-iwas ng tingin.

"Coincidence? Iniisip kong baka sinundan mo ako patungo dito."

"What do you think of me? A stalker?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko pa ang lalaking ito. Maybe because I'm bored? And he's right, I'm sad and lonely.

"Where is Siddharth?"

Iritadong napairap ako nang marinig ang pangalan ng exboyfriend ko.

"I don't know! Bakit itinatanong mo sa akin?"

"You're his girlfriend, may nakakapagtaka ba doon?"

Hindi na ako nakatiis at muli siyang nilingon. Bahagyang nakaharap ang kaniyang katawan sa akin at nandoon pa rin ang mapaglarong ngisi sa kaniyang mamula-mulang labi. Lumakas ang tugtog at hiyawan sa loob ng bar kaya lumapit ako upang sagutin ang kaniyang sinabi.

"We broke up and fuck you for the reminder!"sigaw ko sa kaniya.

Umawang nang bahagya ang kaniyang labi. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam's apple kasunod nang paglawak ng kaniyang ngisi. Dumukwang siya at tumapat sa gilid ng aking mukha.

"That's good to hear. Can I flirt you, Miss Alvarez?"bulong niya at halos makiliti ako dahil sa kaniyang ginawa.

Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla. Masyado siyang mabilis. Naramdaman kong umangat ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking panga upang iharap sa kaniya. Sa sandaling nagtama ang aming paningin ay awtomatikong tila nawala ako sa aking sarili at ako na mismo ang humalik sa kaniya. Gumanti siya at humawak sa aking batok upang mas mapalalim pa ang aming halikan.

Ramdam kong bumaba ang isa niyang kamay at ngayon ay humahaplos na sa aking bewang paibaba sa exposed kong hita. Kinagat niya ang aking ibabang labi dahilan upang mapaawang iyon. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa kaniyang balikat nang ipasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Halos pareho kaming naghahabol nang hininga ng bumitaw. Ang mga mata ni Jose Cuervo ay nababalot ng kakaibang emosyon at pagnanasa. Marahil ay dahil sa alak kaya ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon. Hinapit niya ang aking bewang at sumubsob sa aking leeg. Napabaling sa kabila ang aking ulo at halos mangilabot dulot ng pagdampi ng kaniyang labi sa aking balat.

"Do you want to come with me?"bulong niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa aking leeg at balikat, umakyat iyon sa aking panga hanggang sa muling nagtagpo ang aming mga labi. Itinulak ko siya matapos ang ilang segundo at pinakatitigan.

"Y-yes."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinapit ang aking bewang patayo. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako pero mas lamang ang excitement sa akin. Inalalayan niya ako na makasakay sa kaniyang kotse at nang makapasok siya ay akmang hahalikan ko na siyang muli nang umiling siya.

"Not here, babe."aniya bago patakan ng mabilis na halik ang aking labi.

Binuhay niya ang makina ng kaniyang kotse at pinaandar na iyon nang mabilis. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa isang bahay na sa wari ko ay pagmamay-ari ni Jose. Binuhat niya ako papasok ng pintuan at habang tinatahak namin ang daan paakyat sa kaniyang silid ay hindi ko napigilang hindi haplusin ang kanigang mukha, pababa sa kaniyang panga at leeg.

Naramdaman ko na lamang na ibinaba niya ako sa ibabaw ng malambot na kama kasunod ng dahan-dahan niyang pagkalas ng butones ng kaniyang long sleeve. Tumayo ako at tumapat sa kaniya. Kahit nanginginig ang aking kamay ay sinubukan kong abutin ang zipper sa likuran ng suot kong dress ngunit nabigo ako dahil hindi ko iyon makalas.

"Let me."

Pinatalikod niya ako sa kaniya at siya na mismo ang nagbaba ng zipper ng aking dress. Nalaglag ang aking kasuotan sa lapag at naiwan na lamang ang aking manipis na undergarments. Inalis niya ang suot kong bra. Napapikit ako at dinama ang sensasyon nang sakupin ng mainit na palad ni Jose Cuervo ang aking dibdib, habang ang isa ay paulit-ulit na humahaplos sa aking bewang paibaba sa aking hita.

"Are you sure about this?"bulong niya sa akin habang dinadampian ng halik ang aking balikat.

"Hmm, y-yes. Take me, Villamor."maagap na sagot ko at tuluyan nang nadala sa bugso ng damdamin.

Sa gabing iyon ay isinuko ko ang lahat-lahat kay Jose Cuervo. Nagawa ko iyon dahil gusto kong maramdaman na sapat ako at kagusto-gusto.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon