Chapter 39

21 2 0
                                        

"Aurelia! Wake up! Aurelia! Lia!"

Inis na dumapa ako nang pagkakahiga at hindi pinansin ang gumigising sa akin. Makakatulog na sana akong muli nang maramdaman ang pagyugyog sa akin. Inis na binalingan ko ang lalaking katabi.

"Bakit ba? Natutulog ako, I am tired, Jose Cuervo!"

Kagaya ko ay nakakunot rin ang kaniyang noo. Tanging kumot lamang ang tumatabing sa aming mga katawan. Last night was the best night of my life, halos umagahin na nga kami kaya hindi niya dapat ako inaabala sa pagpapahinga ko dahil pagod ako sa nangyari.

"Remove this handcuffs!"

Bumaling ang tingin ko sa kaniyang kamay at labis ang aking pagtataka nang makitang nakaposas nga siya. Bakit may ganoon?

"Did you put that to yourself?"natatawang tanong ko.

"I did not! You did it! Remove this, I need to pee."iritadong aniya kaya kahit labag sa aking kalooban ay bumangon ako. Umikot ang aking mga mata nang mag-iwas siya ng tingin dahil nalaglag ang kumot at lumantad ang aking katawan. Hindi siya nakapalag nang hawakan ko ang kaniyang panga at ibaling ang kaniyang mukha sa akin.

"You don't have to be shy. I am your wife at para namang hindi mo pa ako nakitang ganito."

"Just find the key and remove this, Aurelia. Ang aga-aga."aniya.

Bago ako tumayo ay pinatakan ko muna nang marahang halik ang kaniyang pisngi at labi. Tumayo ako at nagtungo sa drawer, hindi ko talaga maalala kung papaano ko siya naposasan. Sa laking tao niyang 'yan ay sigurado naman akong makakapalag siya sa akin kung hindi niya ginusto. Kung hindi ako nagkakamali ay regalo ni Lavinia ang posas na iyon noong kasal namin ni JC. Napakunot ang aking noo nang hindi ko mahanap ang susi ng posas. Patay ako nito!

"Get dress, damn it!"sigaw ni Jose Cuervo nang dumaan ako sa kaniyang harapan. Nang malingunan ko siya ay nakatakip lamang siya ng kumot mula sa kaniyang bewang pababa. Panay pa ang iwas ng tingin sa akin. Wala tuloy akong choice kundi ang magsuot ng roba kahit na gusto kong nakahubad nang sa ganoon ay magkaroon siya ng rason para hindi umalis.

"Aurelia, where is the damn key?! Naiihi na ako!"

Nagmadali akong lumabas sa walk-in closet at nilapitan siya. Alanganin pa ako dahil baka mas lalo siyang magalit sa ibabalita ko.

"Where is it? Take this off, now!"

"Uh, ano kasi...nawawala 'yung susi."

"What?! What do you mean by nawawala?! Nasaan na?!"

Halos mapapikit ako sa kaniyang pagsigaw. Imbis na lapitan siya ay nagtungo ako sa banyo upang humanap ng pwede niyang gamitin ngunit wala akong makita.

"Shit, Aurelia! Naiihi na ako!"sigaw na naman niya kaya natatarantang lumabas ako.

"Wait, may kukunin lang ako!"sigaw ko at lumabas ng aming silid. Nagmadali akong bumaba at nagtungo sa mga kasambahay na naglilinis.

"Mayroon po ba kayong arinola na hindi ginagamit?"

"Meron po, Ma'am. Kunin ko lang po."aniya kaya nagpasalamat ako matapos niya iyong iabot sa akin. Halos magkandarapa pa ako sa aking pagtakbo upang makapunta kaagad sa aming silid. Nabutan ko si JC na kunot na kunot ang noo, malamang galit na talaga siya sa akin.

"You can't be serious, Aurelia. Quit with your games at hanapin mo ang susi."aniya nang bumaba ang tingin sa arinola kong hawak.

"I don't have the key! Just use this for the meantime!"

Inilapag ko ang arinola sa baba malapit sa kaniya.

"How am I supposed to do that when I can't use both of my hands!"

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong pareho nga niyang kamay ang nakaposas. Damn it, Aurelia! Ano ba kasing nangyari kagabi at pinosasan ko pa siya?! Napalunok ako at hindi nag-atubiling hilahin ang kumot na tumatabing sa kaniya. Nanlaki nang bahagya ang kaniyang mga mata sa aking ginawa.

"I'll h-help you."nag-init ang aking pisngi at patay malisyang hinawakan ang arinola at itinapat iyon sa kaniya.

"I can't believe this."pumikit siya nang mariin at hindi na nakatiis na hindi umihi. Nang matapos ay dumampot ako ng wipes at tissue upang punasan siya. 

"Aurelia, s-stop it and just cover me with a damn blanket!"

Nag-iinit ang aking mukha na sinunod siya bago nagtungong muli sa banyo upang ilagay doon ang arinola. Nang humarap ako sa salamin ay hindi nga ako nagkamali dahil sobrang pula ng aking mukha. Gayon pa man ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Napagpasyahan kong maligo na rin dahil pinawisan ako sa pagmamadali kaninang hanapin ang susi. Speaking of it, kailangan kong tawagan si Lavinia para itanong kung saan makakahanap ng spare key. Nang lumabas ako ay nanatili pa rin sa kama si Jose Cuervo, nakatanaw pa ito sa banyo na tila inaabangan ang paglabas ko. Dumako ang tingin niya sa maliit na basin at towel na hawak ko.

"Pupunasan ko lang ang katawan mo."

"No! Hayaan mo na, hanapin mo na ang susi."mariing aniya. Ibinalik ko ang basin sa banyo at hinanap ang aking cellphone. Lumayo pa ako kay JC dahil baka marinig niya ang pag-uusap namin ni Lavinia.

"Hmm, bakit?" inaantok na wika ni Lavinia pagkasagot.

"Do you remember the handcuffs you gave me? May spare key ka pa ba non?"

"Huh? What handcuffs? Hindi ako ang nagbigay non! Hindi ba't ang Mommy mo ang nagregalo non? Teka, saan mo ba gagamitin? Huwag mong sabihing may balak kang iposas si Jose Cuervo?" natatawang aniya.

What?! Si Mommy ang nagbigay non? Patay na talaga ako nito!

"No! Of course not! Naitanong ko lang kasi nakita ko. Bye!"

Nagmadaling tinawagan ko ang aking ina at hindi naman ako nabigo nang sagutin niya kaagad.

"What? Hindi ka pa rin binabalikan ni Jose Cuervo? Just come here and we'll make a plan." bungad niya pagkasagot.

"Mom! Hindi tungkol dyan kung bakit ako tumawag. Do you remember the handcuffs you gave me at my wedding?"

"Yes, why?"

So, siya nga? Oh, my goodness! Bakit niya naman ako binigyan non?!

"I lost the key, do you still have the spare key, or do you know where I can get it?"

"Why do you need the key? Don't tell me you have a plan to use the handcuffs?" natatawang tanong niya kaya napapikit ako.

"Aurelia! I am thirsty!"dinig kong sigaw ni JC na ipinanlaki ng aking mga mata.

"Oh my god, Aurelia! Are you with Jose Cuervo? Oh, wait! Did you use the handcuffs on your husband?!" histerikal na sigaw ni Mommy.

Goddamn it! Hindi ko na malaman ang uunahin ko dahil muling sumigaw si JC kaya napilitan akong putulin ang tawag at sabihin kay Mommy na gumawa ng paraan para maalis ang posas. Pagkabalik ko kay JC ay iritado pa rin ang kaniyang ekspresyon.

"Sorry, hinahanap ko kasi ang susi."

Nagmadali akong kumuha ng tubig at pagkain sa baba. Pansin ko ang pagtataka ng mga maid, nag-alok pa sila ng tulong pero hindi ko na tinanggap. Ako na rin ang tumulong kay JC na kumain at uminom dahil hindi niya kaya. Dinaig ko pa ang may inaalagaang pasyente. Hindi ako umalis ng bahay dahil sa kaniyang sitwasyon. Hinaplos ko ang pisngi ng aking asawa habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib. Inutusan ko muna siyang mahiga dahil baka mangalay.

"I am really sorry. Don't worry, nakahanap na ako ng paraan para maalis 'yan."

Hindi pa man siya nakakasagot ay napahinto na nang makarinig kami ng pagkatok. Tumayo ako at binuksan iyon, kaunti lamang dahil baka masilip nila si JC. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Mommy kasama ang aking ama. Nagmadali akong lumusot palabas at inilayo sila sa pinto.

"Mom, where's the key?"

"Here it is, my daughter."natatawang sabi ni Dad sabay labas ng susi sa kaniyang mga palad. Mukhang alam niya na ang nangyari.

"I can't believe you are this desperate, Aurora."sabi ni Mommy kaya napaikot ang aking mga mata.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon