Hindi ko maiwasang hindi mairita at malungkot habang nakatitig sa aking baby bump. Hinaplos ko iyon, pitong buwan na siya ngayon kaya lumalaki na talaga.
"I've sacrificed so much for you, so be a good girl when you grow up, okay? Mommy will always love you."bulong ko na tila ba kinakausap ang aking anak.
Muli kong nilingon ang salamin sa harapan bago isinuot ang aking pantulog. Alam kong normal ang pagtaba ko dahil nagdadalang tao ako, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. Nakanguso akong lumabas ng walk in closet at hinanap kaagad ang asawa ko. Nakahiga siya sa kama habang nakatakip ang isang braso sa kaniyang mga mata. Bigla ay nakaramdam ako nang pagkairita sa kaniya. Parang gusto ko siyang inisin.
"Ang taba ko na!"nagmamaktol na wika ko bago naupo sa dulo ng kama.
"You're not."aniya kaya napairap ako.
"This is your fault! Kung hindi mo kasi ako binuntis ay hindi ako magiging ganito! And I feel so ugly! Nakakainis!"
"Stop saying that. I can still remember how you moaned and enjoyed me that night."
"I never enjoyed you, asshole!"
"They say liars go to hell, so stop telling lies, my dear wife."
Bahagya ko pang nadinig ang mahina niyang pagtawa at nang malingunan ko siya ay nakita kong mayroong mapaglarong ngiti sa kaniyang labi.
"I hate you!"
Medyo nabigla ako nang bumangon siya at pakatitigan ako. Bahagya pang nakakunot ang noo kaya halos mag-init ang mukha ko. Bigla akong nailang.
"W-why the hell are you staring at me?!"
"Let me see if you are really fat. Come on, take off your clothes."nakangising aniya na ipinanlaki ng aking mga mata.
"You, pervert! I really hate you! Siddharth is gentleman and you are not! I can't believe I married a man like you!"
"It's because he's gay."napapailing na aniya.
"He's not! You're the one who's gay!"
"You're very pregnant with my child and you're saying that I'm gay? Want me to prove it again?"
Nag-init ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi at hindi na napigilang hampasin ang kaniyang binti.
"You're really an asshole! I'm seven months pregnant and you're still lusting over me? Baka makunan ako sa'yo!"
"I didn't say that we'll do it now. Of course, some other time, maybe?"
Umirap ako.
"As if I would let you."
"Who knows? Baka ikaw pa ang magmakaawa sa akin."
"Stop talking! You're getting into my nerves! Stop stressing me!"
"Then stop mentioning Siddharth, especially when you're talking to me. You can curse me all you want. Just stop talking about him."
I got yah! Mukhang napikon ko na siya, and it lightens up my mood!
"Stop commanding me. If I want to say his name, I will say it! Siddharth! Siddharth! Siddharth fucking Mallari!"nakangising wika ko habang nakatingin sa kaniya. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Shut up, my fat wife!"
What?! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Damn you, Jose Cuervo! Fuck you!"
"Thank you."nginitian pa niya ako na animo'y compliment ang sinabi ko.
Ikinuyom ko ang aking mga palad dahil sa sobrang inis kasunod ng pangingilid ng aking mga luha. Umawang ang kaniyang labi nang makitang mangiyak-ngiyak na ako. Tinalikuran ko siya kasabay ng pag-alog ng aking mga balikat. Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi sa sama ng loob. Napatakip ako sa aking mukha.
"Now it's my fault. Tsk! Matapos akong pikunin, kasalanan ko pa."dinig kong aniya.
"I'm sorry, don't cry."
Lumapit siya at hinalikan ang aking noo. He just called me fat! That's unacceptable!
"Lia, I'm really sorry. Hindi na kita sisigawan."
Hindi naman dahil doon eh! Tinawag niya akong mataba! Pinilit niyang alisin ang aking mga palad sa aking mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi at marahang pinunasan ang tumutulong mga luha.
"Y-you called me fat, asshole!"
Itinulak ko siya at tumayo.
"Where are you going? Mahiga ka na at matulog."aniya.
"I will not sleep with an asshole like you. Ang sama-sama ng ugali mo!"mariing wika ko bago damputin ang dalawang unan at naglakad patungo sa pintuan.
"Damn it!"dinig kong mura niya kasunod nang mabilis niyang pagbaba sa kama at hinarangan ako.
"I didn't mean it. You're sexy and hot, I was just joking when I said you're fat."
Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ang huling salita. Kita ko pa ang pagkabahala sa kaniyang mga mata. Binasa niya ang kaniyang labi at tila problemadong napapikit. Nang magmulat siya ay dahan-dahan niyang inagaw sa akin ang hawak kong mga unan bago ako yakapin. Nabigla ako at hindi nakakilos. Hindi ko alam pero unti-unti akong kumalma nang malanghap ang kaniyang pabango.
Naramdaman kong paulit-ulit niyang dinadampian ng halik ang ibabaw ng aking ulo, habang hinahaplos niya ng marahan ang aking buhok pababa sa aking likuran. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa bumitaw siya at buhatin ako pabalik sa kama.
Nakita ko pa ang paglunok niya habang inaayos ang aking nakalihis na pantulog. Kinumutan niya ako bago umalis saglit upang kuhanin ang dalawang unan sa lapag. Pagkabalik niya ay nahiga na siya sa aking tabi. Wala akong imik at nakakunot lamang ang noo na hinayaan siyang iangat ang aking ulo ng bahagya upang maiunan sa kaniyang braso. Nakaramdam ako ng antok nang haplusin niyang muli ang aking buhok at likuran, minsan ay marahang tinatapik niya rin iyon na para bang pinapatulog ako.
"Go to sleep, Lia. I'm sorry, you're the most beautiful woman in my eyes. Stop worrying about your figure because I would still lo....."
Hindi ko na gaanong narinig ang kaniyang mga sinabi dahil tuluyan na akong dinalaw ng antok.
Kinabukasan ay hindi siya nakapasok sa trabaho dahil pareho kaming tinanghali ng gising. Hindi ko rin inasahan ang pagdating ng kaniyang ama sa bahay, mag-isa lamang ito at hindi kasama si Mommy. Halos kakatapos lamang naming kumain nang umagahan nang dumating siya. Lumapit ako at nagmano sa kaniya bago bumalik sa tabi ni JC. Mukhang hindi maganda ang mood ni Dad dahil bahagya pang nakakunot ang noo.
"Doon ka muna sa itaas, hija. May pag-uusapan lang kami ni Jose."mahinahong utos sa akin ni Dad kaya ngumiti ako at bahagyang tumango.
Nilingon ko si JC bago siya iniwan doon. Tinalikuran ko ang dalawa at tinungo ang daan papalayo sa sala. Dulot ng kuryosidad ay tumago ako sa gilid upang marinig ang kanilang pag-uusapan.
"Hindi ka pumasok sa opisina kanina. Alam mo bang halos magwala ang ibang investors dahil sa ginawa mo, Jose Cuervo?! I've told you many times that that meeting is important! Sinabi rin sa akin ng secretary mo na palagi kang late sa trabaho. What the hell is wrong with you?!"
"I'm sorry, Dad."
"Fuck your sorry! Aayusin mo 'to o pabababain kita mula sa posisyon mo sa kompanya?!"
Nakaramdam ako ng labis na konsensya dahil napagalitan si JC. Hindi ko naman alam na magiging ganito kalala ang mangyayari. Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng aking bestida dahil sa kaba. Nakakatakot palang magalit ang ama niya.
"Ako na po ang bahalang mag-ayos ng lahat. Magpapatawag akong muli ng meeting bukas na bukas din."
"Better do it early in the morning. I will attend the meeting so be prepared. I will expect you'll do something more to fix this."bakas ang galit sa boses ni Dad.
Sumilip ako at nakitang papaalis na ang kaniyang ama. Nakita kong napahilot sa kaniyang sentido si JC. I feel sorry for him.
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...