Chapter 34

30 1 0
                                    

Inis na ibinato ko ang aking bag sa sofa at padabog na naupo doon.

"Whoah, take it easy! Bakit bad mood ka na naman? Epekto ba 'yan kapag iniwan ng asawa?"

"Not in the mood for your lame remarks, Lavinia."

Imbis na mainis ay natawa lamang ito at naglapag ng alak sa table. Wala sa sariling nagsalin ako at diniretso inom iyon. Iniwan ko muna si Aurora sa bahay ng mga magulang ni JC dahil halos wala ako sa sarili noong umalis ako. Muntikan pa nga akong makabangga ng aso ngunit mabuti na lamang at hindi nangyari.

"Ano? Effective ba? Sinabi ba ni Tita kung nasaan ang asawa mo?"

Tanging pag-iling ang aking isinagot. Ano ba ang ine-expect nilang rason kung bakit ko hinahanap ang asawa ko? Dahil panay ang tanong ni Lavinia ay wala akong nagawa kundi ang ikwento ang nangyari.

"Alam ko na kung saan sila nakulangan sa'yo."

"Saan?"

"You should've told them na you love your husband and you are missing him na! Why are you so slow when it comes to Jose Cuervo? Duh! Parents niya iyon kaya malamang na sasama ang loob kapag nakitang na-agrabyado ang anak nila. Kung ako rin naman, baka nasampal pa kita."

"Enought of your shits, Lavinia! I am so damn stressed right now."

"Sige, sabi mo eh. In denial, I've never met someone who denies their feelings like you do."

"Oh, maybe you should go to your room and find a mirror. I'm pretty sure you'll see one."inirapan ko siya nang tumawa lamang ito.

In love? Am I in love with my husband? Yes, I miss him pero hindi ako sigurado kung mahal ko na siya.

"Pero seryoso, Aurelia. Have you even tried sending a message or calling Jose Cuervo?"

"I did! A lot of times and it's irritating kasi hindi naman siya sumasagot. I am always sending him, "Good morning and good night," every day. Pero wala akong nakukuhang sagot! Sometimes, I asked him if he's still mad or how he was feeling. Kung sumasagot lang sana siya ay hindi ako pupunta sa bahay nila. I even went to his company, but his secretary said he wasn't there! God, such a headache!"

"Hindi ka pa in love sa asawa mo niyan ha. Gaga ka kasi! Palagi mo na lang inaway!"

"Ang sarap kasi niyang inisin, lalo siyang gumagwapo sa paningin ko sa tuwing nagsasalubong ang kilay niya."

Hindi ko alam kung dulot nang kalasingan ngunit napahagikhik na lamang ako habang ini-imagin ang mukha ng aking asawa.

"Sira! At ang ganda nang pang-inis mo sa kaniya, paghinalaan ba namang may kabit tapos hindi pa inaaming naka-move on na sa ex. Naku! Kung ako rin naman si Jose, baka matagal na kitang iniwan. Aurelia, let's admit the reality. Kung hindi ka mahal ni Jose ay matagal ka na niyang iniwan or worst hindi ka niya pinakasalan. Girl! Mayaman, hot at gwapo ang asawa mo! Madaling makahanap ng iba pero ni minsan walang na-link na iba bukod kay Agacy na pinaghihinalaan mong kabit."

"Because he's loyal to his kabit! Iyon lang 'yon!"

"He doesn't have a kabit, Aurelia. Wake up. Bakit niya hahayaang maipit ang sarili niya sa ganoong sitwasyon kung pwede ka naman niyang hiwalayan na lang?"

"I don't know? Baka gusto niya ng thrill, baka he wants me as a wife and he also would like to have Agacy as a side dish!"

"Ewan ko sa'yo! I couldn't blame Tita Emersyn na hindi magalit kasi ganiyan ang sagutan mo. Ang gaga mo talaga."

"Ouch!"daing ko at sinamaan siya ng tingin nang batukan niya ako.

"Come to your senses, Aurelia. Your husband left you for months and hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam. What if naaksidente pala siya at itinago sa'yo ng pamilya niya?"

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon