Chapter 26

15 1 0
                                    

Mabilis kong tinungo ang silid ni Aurora. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay inayos ko muna ang aking sarili at mabilis na pinahid ang tumutulong luha bago dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Natanaw ko si Aurora na nanakahiga habang si Ruth naman ay nagliligpit ng pinagkainan niya. May nakatapal pang Kool Fever sa kaniyang noo. Hindi na ako nakatiis at humakbang na papalapit. Nakita kong malungkot ang eskpresyon ni Aurora at tila may iniinda.

"Oh, Ma'am? Nakauwi na po pala kayo."wika ni Ruth dahilan upang mapagawi ang tingin sa akin ni Aurora. I smiled at her. Nakatingin lamang siya sa akin.

"Marami ba siyang nakain? Uminom na ba siya ng gamot?"usisa ko.

"Opo, nilagnat po si baby Aurora kasi nainitan sa school. Hindi naman siya natuyuan ng pawis, marahil ay napagod lang po siguro. Triny ko po kayong tawagan kaso saktong dumating po si Sir Jose para sunduin si Aurora kaya siya na lang po ang gumawa. Hindi po kayo ma-contact kaya pinauna na niya kami sa bahay upang sunduin ka."

Tumango ako at nagpasalamat kay Ruth. Marahang inilapat ko ang akong palad sa pisngi ni Aurora upang tingnan kung mainit pa siya. Hindi rin naman gaano ngunit batid kong masama pa rin ang kaniyang pakiramdam.

"Mommy, sakit ulo ko."nakangusong aniya bago naupo at gumapang papalapit sa akin. Binuhat ko siya at hinaplos ang likuran upang patulugin.

"Sleep na, baby. Mommy won't leave you. I love you so much, Aurora."bulong ko habang pinapatulog siya.

"Hmmm, I wab you too."aniya kaya napangiti ako.

Hindi na ako bumalik sa opisina at maghapon na lamang binantayan si Aurora. Kinagabihan, kakatapos lamang niyang kumain nang makita kong pumasok si JC at lumapit sa aming anak. Kaagad na sumigla ang mukha ni
Aurora nang makita ang kaniyang ama. Nagpapabuhat siya na kaagad namang sinunod ni JC.

"How are you feeling? Still have a headache?"

"Hindi na po."

"Glad to hear that, baby. I was so worried."

"Daddy! Mommy said she loves me! She took care of me po while I was sick!"masayang pagkukwento ni Aurora.

Hindi ko binalingan si JC at walang imik na lumabas. Babalik din naman ako doon. Ngayon ko lang kasi napagtantong hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Ni hindi na ako nakakain ng lunch at hindi pa rin nakakapag-dinner hanggang ngayon. Wala rin naman akong gana.

Pagbalik ko sa kwarto ni Aurora ay nakita kong inaayos na ni JC ang kumot niya. Mukhang nakatulog na rin ang bata. Nagkatagpo ang aming paningin ngunit hindi ako nagsalita. Nakakainsulto ang mga sinabi niya kanina.

"Kumain ka na sa baba, ako na ang magbabantay kay Aurora."aniya bago naupo sa gilid ng silya sa tabi ng kama. Nangunot ang aking noo.

"Ayoko, baka kasi sabihin mo iresponsableng ina na naman ako sa anak natin."mariing wika ko at diniinan pa ang salitang iresponsable.

Nilingon niya ako at nakita ko kung papaano nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Aurelia—"

"Lumabas ka na. Kaya kong alagaang mag-isa si Aurora. Dito na rin ako matutulog kaya pwede ka nang umalis."wika ko bago nagpunta sa kabilang bahagi ng kama ni Aurora at nahiga doon.

Nanatili ang mga mata ni JC sa akin habang kunot na kunot ang noo. Kahit na gusto ko siyang sigawan para umalis ay pinigilan ko ang aking sarili dahil baka magising si Aurora. Umikot papaharap sa akin si Aurora at yumakap. Hinaplos ko ang kaniyang binti nang umungot siya na tila naiirita dahil naabala ang pagtulog. Ipinikit ko ang aking mga mata nang makaramdam nang pagkaantok. Hinayaan ko na lamang si JC kahit ramdam ko ang pagtitig niya.

Kinabukasan, nagising akong katabi ko pa rin si Aurora. Napadako ang tingin ko sa silya at nakitang wala na doon si JC. Baka pumasok na siya sa kaniyang trabaho. Chineck ko ang temperature ni Aurora at nakitang magaling na siya. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko pa rin siya papapasukin ngayong araw dahil baka bumalik ang kaniyang lagnay. Bumangon ako at tinawagan si Mommy.

"Hello? Darling, what's wrong? Nakikipag-divorce na ba sa'yo si Jose?"

Nanlaki ang aking mga inaantok na mata sa narinig. Nilingon ko si Aurora bago ko tinungo ang veranda ng kaniyang kwarto. Isinara ko ang sliding door upang hindi siya magising kung sakali mang mapalakas ang aking pagsasalita.

"Mommy! Ano po bang klaseng bungad 'yan?"

Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak sa kabilang linya.

"Wala naman, naririnig ko kasing napapadalas ang pag-aaway n'yo ni Jose. Hindi na ako magtataka kung ikaw ang dahilan at nagsisimula."

Napairap ako. Sinasabi ko na nga ba at may spy siya sa isa sa mga kasambahay. Si Ruth kaya? At ano daw? Ako ang dahilan kung bakit hindi kami magkasundo? Tsk!

"Let's move on from that topic. Hindi po ako makakapasok ngayon sa opisina dahil may sakit si Aurora."

"Oh my god! How's my apo?! Anong nangyari, Aurelia!"

Nailayo ko sa aking tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Mommy. Maya-maya pa ay narinig kong nagsalita si Daddy. Mukhang nakikinig siya sa aming pag-uusap.

"Aurelia! Anong nangyari kay Aurora?"

"She had a fever, pero magaling na. Calm your nerves, Mom, Dad!"

Narinig ko ang malalim nilang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Maya-maya pa ay tinapos ko na ring tawag dahil nagpaalam lang naman ako. Sinabi nilang dadaan sila mamaya para dalawin si Aurora. Bumalik ako sa loob at nakitang gising na ang anak ko.

"Good morning, baby."nakangiting bati ko.

Binuhat ko siya at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"May masakit pa ba sa'yo?"tanong ko habang bumababa kami mula sa third floor.

Umiling siya at nagsumiksik sa aking leeg. Pagkarating sa kusina ay hindi ko inaasahang madadatnan doon si JC. Naka t-shirt lamang siya at shorts, kung ganoon ay hindi rin siya pumasok? Lumingon siya at ngumiti. Medyo nagulat pa ako lalo na nang lumapit siya. Ngunit napagtanto kong para pala iyon kay Aurora. Sinilip niya si Aurora mula sa gilid at pinisil ang kaniyang pisngi. Dahil sa pagkataranta ay wala sa sariling inabot ko sa kaniya ang bata. Ayaw ko nang malapit siya sa akin.

Nakita kong nakalatag na ang mga pagkain para sa breakfast at talagang nanakam ako dahil sa pagkagutom. Simula kahapon nang tanghali pa ako hindi kumakain at wala na akong pakialam kung maging bloated ako mamaya pagkatapos.

"Let's eat."anyaya ni JC matapos maiupo si Aurora sa kaniyang upuan.

Patay malisyang hindi ko siya pinansin at inabala na lamang ang sarili sa pagkain. Mukhang gumising siya nang maaga para magluto. Napaangat ang tingin ko nang marinig ang paghagikhik ni Aurora kasunod nang mahinang pagtawa ni JC. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatingin sila sa akin.

"Mommy, you have amos here!"nakangiting sabi ni Aurora sabay turo sa kaniyang gilid ng labi.

Mabilis kong inabot ang table napkin at pinunasan ang gilid ng aking labi. Nang mapagawi ang mata ko kay JC ay nakita kong nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Parang kahapon lang ay wagas siya kung makapang-insulto pero ngayon. Tsk!

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon