Chapter 27

15 1 0
                                    

Nang mabalitaan nina Tita Emersyn na nagkasakit si Aurora ay dumalaw rin sila sa araw na iyon. Nagpang-abot pa nga sila nina Mommy kaya ayon at parang nagkaroon ng mini reunion. Magaling na rin si Aurora ngunit hanggang ngayon ay doon pa rin ako natutulog sa kaniyang tabi. Halos tatlong araw na atang ganoon.

"Bakit hindi ka pa dito matulog?"

Napahinto ako sa akmang paglabas nang marinig ang sinabi ni JC. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang nagtitipa ng kung ano sa kaniyang laptop. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang aking titig.

"You guess? Maybe because I don't want to sleep beside you?"

Tumayo siya at lumapit sa aking gawi. Akma akong aatras nang hapitin niya ang aking bewang at yumuko upang magkatapat kami.

"So you're still mad at me? I'm sorry, Lia. I promise, I won't say those things to you again."masuyong aniya.

Hindi ko inaasahan iyon ngunit ang kaniyang sunod na ginawa ang nakapagpabigla sa akin nang todo. Naramdaman ko na lamang na magkalapat na ang aming mga labi. Napahawak ako sa matigas na dibdib ni JC upang itulak siya palayo ngunit nauna na siyang bumitaw. Nakaawang ang labing kinunotan ko siya ng noo.

"I won't accept your apology, asshole!"

Dinampian niyang muli ng halik ang aking labi.

"I am sorry."wika niya sa bawat pagdampi ng kaniyang labi sa akin.

Tila naestatwa ako at hindi nakakilos. Naramdaman kong mas lumalalim ang halik ni JC hanggang sa bumaba iyon. Kinagat ko ang ibaba kong labi. Damn this man!

"A-Aurora's expecting me to sleep beside her. Iiyak 'yon."

Tumaas ang kamay niya sa aking dibdib at marahang pinasadahan iyon ng kaniyang kamay. Napapikit ako dahil sa sensasyong nararamdaman. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking bewang at pabalik-balik na humahaplos doon. Bago pa ako tuluyang madala ay bumitaw na siya at lumayo. Mayroong mapaglarong ngisi sa labi habang ako ay tila nabitin sa kaniyang ginawa.

"You can go now. Good night, Lia."aniya na mas nakapagpatanga sa akin.

Ano raw?! 'Yun na 'yon?! Inikutan ko siya ng mga mata bago lumabas ng aming kwarto. Padabog kong isinara ang pintuan. Habang binabalagtas ang daan patungo sa kwarto ni Aurora ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. He's not mad anymore, and he calls me Lia again.







Iginala ko ang paningin sa paligid upang hanapin si JC. Isinama ko siya sa party matapos ang fashion runway. Ngunit nagkalayo kami dahil may kinausap akong mga kilalang tao, ganoon din siya. Napa-second look ako sa kabilang side at nakitang kausap niya ang isa sa mga babaeng modelo. Medyo tago pa ang side na iyon. Hinintay kong matapos sila bago nilapitan si JC. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagngiti nila sa isa't isa bago siya iniwan ng babae.

"Hey, JC."tawag ko dahilan upang lumingon siya.

"I've been looking for you."

Napangisi ako.

"Really? Then why are you talking to one of my models? Ano? Balak mo rin ba silang ikama?"

Napakunot ang kaniyang noo.

"Aurelia, what heck are you saying?"

"You're obviously flirting with her!"

"Goddamnit! I am not flirting with anyone."

Akmang lalapit siya sa akin kaya umangat ang aking kamay at sinampal siya. Umawang ang kaniyang labi at nakita kong mayroong tumulong dugo mula sa gilid non. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa. Natamaan siya ng suot kong singsing. Dahil sa kabang naramdaman ay tinalikuran ko siya at humakbang upang makalayo. Hindi ko sinasadya at labis akong nakonsensya dahil sa nagawa ko.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang may humarang sa aking babae. Siya ang kausap kanina ni JC, alam kong nagtatrabaho siya sa akin ngunit nakalimutan ko ang kaniyang pangalan.

"Hi, Ma'am Aurelia."

"What?!"iritadong tanong ko.

"Your husband has been looking for you, Ma'am. Kanina pa siya nagtatanong kung nasaan ka. He seems so worried. Nagkita na ba kayo?"

"Huh?"nagtatakang tanong ko pero ngumiti lamang siya.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Villamor. I have to go, Ma'am. Nasa labas na kasi ang boyfriend ko."paalam niya.

Umawang ang aking labi sa pagkabigla. So I'm wrong? Dahan-dahan kong nilingon anh direksyon ni JC at nakitang mataman siyang nakatitig sa akin. Tinahak ko ang daan pabalik sa kaniya at nang nasa tapat na ay kinuha ko anh aking handkerchief. Marahan kong pinahid ang dugo sa gilid ng kaniyang labi bago tumingkayad at patakan iyon ng halik.

"I'm sorry."mahinang sabi ko at halos ibulong na.

Wala siyang imik ngunit hinawakan niya ang aking kamay at hinila papalabas. Hindi mahigpit, hindi rin masakit. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniyang likuran. Nagalit kaya siya? Malay ko bang nagsasabi siya ng totoo. Nakakainis! Hindi dapat ako makonsensya dahil noong una pa lang ay galit na ako sa kaniya.

Hanggang sa pag-uwi ay hindi siya nagsalita. Nagkataong wala si Aurora sa bahay dahil nandoon siya kayna Tita Emersyn at sa isang araw pa ang kaniyang uwi. Sa susunod na linggo naman ay doon siya kayna Mommy. Pareho kasing sabik ang pareho naming pamilya dahil unang apo si Aurora.

Naunang bumaba si JC sa sasakyan at hindi na nag-abala pang hintayin ako. Maski ang palagi niyang ginagawang pagbuksan ako ng pintuan ay hindi niya ginawa. He's pissed and I must admit that I am kinda scared.

Sumunod ako sa kaniya papasok sa aming kwarto. Nakita kong hinubad ni JC ang kaniyang mga kasuotan maliban sa pang-ibaba. Napapailing na pinagmasdan ko ang kaniyang likuran. My husband is so damn hot. Hinintay ko siyang matapos sa pagligo at nang makalabas siya ay pumasok ako doon.

Halos kalahating oras ang itinagal ko bago natapos. Pagkalabas ko ay natanaw ko si JC na nakahiga na habang nakatalikod sa side na aking tinutulugan. Ano 'yon? Nagtatampo siya? Hindi ko maiwasang hindi matawa sa aking naiisip. Sa laki niyang tao hindi bagay sa kaniya ang magtampo.

Matapos i-blower ang aking buhok ay kinuha ko ang aking phone bago naupo sa gilid ng kama. Habang naniningin ako ng mga messages ay nag-pop ang message ni Mommy at halos mapairap ako ng makitang tungkol na naman iyon sa pag-uudyok niyang gumawa na raw kami ni JC ng second baby. Hindi na lamang ako nag-reply at ipinatong iyon sa gilid.

Nilingon ko si JC at nakitang ganoon pa rin ang kaniyang pwesto. Since wala rin naman si Aurora, dito na lamang ako matutulog. Nahiga ako sa kaniyang tabi at tinalikuran rin siya. Nag-sorry na ako kanina at bahala na siya kung tatanggapin niya iyon o hindi. I even kissed him! Napamulat akong muli nang maramdamang gumalaw siya. Gising pa ang asawa ko.

"Bakit dito ka matutulog?"

Nilingon ko siya at halos manlaki ang aking mga mata nang makitang nakaharap siya sa aking side. Ngayon ay magkaharapan na kami.

"Kasi gusto ko. May problema ka?"mataray na tanong ko bago muling ipinikit ang aking mga mata.

Muli siyang gumalaw kaya sumilip ako nang kaunti. Tinalikuran niya akong muli. Pinagmasdan ko ang malapad niyang likuran. Parang gusto ko siyang yakapin. Nakatingin lamang ako sa kaniyang likuran habang nag-iisip kung yayakapin ba siya o hindi. Pinagmasdan ko ang kaniyang paghinga at nakitang malalim na iyon. Mukhang tulog na siya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at niyakap siya mula sa kaniyang likuran. Sumiksik ako sa kaniyang batok at tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Marahan kong pinatakan ng halik ang kaniyang batok. Ramdam kong natigilan ito kaya napangiti ako.

"I am sorry."bulong ko bago nagpatianod sa antok na nararamdaman.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon