"Y-you came home."
Hindi makapaniwalang nakatitig ako kay Jose Cuervo nang maabutan ito sa aming bahay. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Ruth ay baka hindi ko na siya naabutan. Halos maaksidente pa ako sa pagmamadali makarating lamang kaagad.
"I am here for Aurora."
For Aurora only? What about me?
"She's with Mommy."
"I see."aniya at akmang aalis na nang pigilan ko siya. Walang imik ngunit matalim ang tingin sa akin na inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"JC, can we talk? Please?"
"There's nothing we have to talk about, Aurelia. I am not here for your drama."
Nasaktan ako sa pananalita at tono ng kaniyang boses. This is not my husband. He was never like that. He was patient, especially to me. Sadly, I was the reason why he changed.
"I-I am sorry."
"Your sorry won't do anything. Just accept the fact that I am never going back."
"J-JC, please? I will be a good wife, I promise! Hindi ko na k-kayo paghihinalaan ni Agacy. Naniniwala na akong wala kayong relasyon."
I tried to reach for his hand pero tinabig niya ang aking kamay. Hindi masakit kung pisikal, pero kung emosyonal ay oo.
"Just c-come back. I miss you, and I realized that I love you. Please give me another chance. I will do better."
Nakatitig lamang ito sa akin. Napailing saglit habang may mumunting ngisi sa labi.
"Never thought you could be this desperate, Aurelia. Dati nagmamakaawa ka para makipaghiwalay makasama lang si Mallari, ngayon sa akin naman. Baka kung noon mo pa ginawa 'yan ay hindi ako umalis. If you realized that you loved me when I left, would you believe that I moved on from you during those times? Isang taon akong wala, sa tingin mo ba walang magbabago?"
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nanginginig rin ang aking labi sa labis na pagkabalisa. He just told me that he moved on! Meaning, he d-doesn't love me anymore. Hindi ko matatanggap iyon!
"I don't care if you move on, Jose Cuervo. You loved me! I can make you love me again. Just give me another chance."
"The problem is, I don't want to. You're a selfish, heartless woman. You only need me because you're lonely. That's not love, Aurelia. You don't know how to love someone. You're not capable of doing that."
Tinalikuran niya ako at nilampasan ngunit bago pa siya makalayo ay hinabol ko siyang muli.
"I gave you three years for our marriage, you should do the same!"I shouted in desperation.
"Have you forgotten how you have treated our family for the last three years? Do you think something will change if I give our relationship a chance? Nothing, Aurelia. Nothing. I am tired of this bullshit."
"One more chance, JC! Just one last chance! Please, I promise I will be a good wife."
Walang pakundangang lumuhod ako sa kaniyang harapan.
"P-please, I need you. JC, one last chance, and I won't waste it. I promise!"
Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mata ngunit tanging pag-iling lamang ang isinagot nito at tuluyan nang umalis. I sobbed so hard that my cries echoed in the mansion. This is all my fault.
Nakatulugan ko na ang pag-iyak at maski sa paggising ko ay umiiyak pa rin ako. Humihikbing niyakap ko ang unan ng aking asawa. Isang tyansa lang naman ang hinihingi ko para maayos ang relasyon namin. Aminado akong marami akong nagawang pagkakamali pero alam ko sa sarili kong mahal ko na siya at hindi na ako uulit pang saktan siyang muli. Narinig ko ang marahang pagkatok sa pintuan ngunit wala na akong pakialam kung sino iyon. Imposible namang ang asawa ko ang dumating.
"Aurelia, darling?"
Nilingon ko ang pintuan at nakita doon si Mommy. Bakas ang awa sa kaniyang mga mata. Muli kong ibinaling sa iba ang aking paningin habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Naramdaman kong lumapit siya at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang aking buhok habang marahang pinapahid ang aking mga luha.
"Anak, stop crying na. Your husband won't be happy kapag nakita ka niyang miserable. Ang akala ko ba babawiin mo pa siya? Bakit parang sumusuko ka na?"
"He d-doesn't want to see me, Mommy. Galit na g-galit siya sa akin at ang s-sabi pa niya naka-move on na raw siya."lumuluhang giit ko. Narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga.
"Hindi natin siya masisisi, Aurelia. Kahit na ako pa ang mommy mo ay hindi ko maitatanging malaki talaga ang kasalanan mo sa asawa mo. Bumangon ka na dyan at kumain, walang mangyayari kung iiyak ka lang at magkukulong sa silid na 'to. Hindi siya babalik sa ginagawa mo. Kung ako sa'yo, hindi ko siya titigilan, palagi kang magpakita sa kaniya nang sa ganoon ay maalala niya ang feelings niya sa'yo."
Sinunod ko ang payo ng aking ina, palagi akong nagpupunta kung nasaan man si Jose Cuervo. May mga pagkakataon na hindi ko siya naabutan, at sa mga pagkakataon namang nagkikita kami ay patuloy pa rin siya sa pag-iwas. Dinaig ko pa ang may nakakahawang sakit. Kalat na rin ang balita tungkol sa amin, ni wala nga sa akin kahit magmukha akong tanga kakahabol. Aaminin kong madalas kong itinatanong sa aking sarili kung may tyansa pa nga bang magkabalikan kami.
Sa aking isipan ay ako lamang dapat ang babae sa kaniyang buhay, na deserve kong mahalin ng isang Jose Cuervo Villamor, ngunit napatanong rin ako sa aking sarili kung deserve ba niya nang kagaya ko? Hindi sa mapagmataas na paraan, deserve ba ni JC ang walang kwentang babaeng kagaya ko? Tatlong taon niyang inalay ang buhay niya sa akin at ipinaramdam ko sa kaniyang wala siyang halaga kaya kung minsan ay hindi ko rin siya masisisi kung hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako mapapatawad. Iisipin ko pa lamang na patulan ang kaniyang ino-offer na annulment ay hindi ko ata kakayanin. Selfish nga atang talaga ako kasi kahit iyon na lamang ang kaniyang kahilingan ay hindi ko pa maibigay. Gusto kong sa akin lang siya.
"Anak, ano bang nangyayari sa'yo? Nahimatay ka na naman kanina dahil nalipasan ka nang pagkain! Kung ganan ka lang rin naman ay umuwi ka na sa bahay nang maalagaan ka namin nang maayos."
Bumaling ako sa iba at iniiwas ang tingin sa aking ama. Ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha.
"Ayoko, Dad. B-baka umuwi si JC at wala siyang madatnan sa bahay."
Isang marahas na pagbuntong hininga ang kaniyang pinakawalan kasunod non ay ang paghawak niya sa aking mga kamay. Hindi ko sila magawang tingnan kasi alam kong naaawa sila sa akin. Ang tanga-tanga ko kasi eh.
"Aurelia, please. Isipin mo muna ang sarili mo, maski ang kalusugan mo ay napapabayaan mo na kakasunod kay Jose Cuervo. Gusto mo bang ako na mismo ang kumausap nang sa ganoon ay mahinto ka na dyan?"
"No! Ayoko po, hayaan n'yo na lang po kami. Ayokong mapilitan siyang bumalik."umiiyak na sabi ko. Hinila ako ni Dad at niyakap nang mahigpit. Hindi ko mapigilang hindi umiyak nang malakas dahil ang lungkot-lungkot ko. Kailangan ko ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what had happened that led them to marriage. He tried h...
