Naramdaman kong bumangon si JC kaya iminulat ko ang aking mga mata nang bahagya. Kahit na inaantok at nanlalabo ay nakita kong dinampot niya ang kaniyang cellphone. Hinayaan ko siya dahil baka si Dad lamang iyon. Muli akong pumikit at niyakap ang unan.
"Where the hell are you, Agacy? What? Tsk! Fine, I'll go there. Just stay on where you are."
Ano raw? Napamulat ako nang marinig ang pangalan ni Agacy. Why the fuck is she calling my husband in the middle of the night? Nagkunwari akong natutulog nang lingunin ako ni JC.
"She's in a deep sleep. No, I insist. Baka kung mapaano ka pa dyan. Okay, bye."
Narinig kong tumunog ang pintuan sa walk in closet. Iminulat ko nang bahagya ang aking mga mata at sinilip kung ano ang kaniyang ginagawa. Pagkalabas niya ay nakasuot na siya ng jacket at may hawak rin na susi. Naglakad siya papalapit sa aking gawi kaya napapikit ako. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Naramdaman kong inayos niya ang comforter at marahang hinaplos ang aking pisngi bago maglakad papalayo at tuluyang lumabas ng aming kwarto.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Anong kailangan sa kaniya ni Agacy para tawagan siya nito ng dis-oras ng gabi? At ganoon ba siya kahalaga para magawa niya akong iwanan? Bumangon ako at sumilip sa bintana. Nakita kong papalabas pa lamang ng gate ang sasakyan ni JC. Napapailing na pinagmasdan ko lamang siyang umalis.
Damn! Ganito ba ako kamalas pagdating sa lalaki? Ang lahat na lang ay konektado kay Agacy!
Padabog akong bumalik sa kama at muling natulog kahit masamang masama ang loob. Kinabukasan ay nagising na lamang akong wala pa rin si JC ngunit ang sabi naman ng isang kasambahay na aking nakausap ay umuwi raw ito nang halos mag-a-alas kwatro na at umalis muli bandang 6 AM. Sa pagkakaalam ko ay alas dose pa lamang noong umalis siya, so apat na oras silang magkasama ni Agacy? Great! Magsama sila kung gusto nila! Basta huwag ko lang malalaman na magkakaroon rin siya ng anak sa babaeng iyon dahil lubusan ko siyang kasusuklaman.
Kinatanghalian ay bumisita ang mga magulang ko. May mga dala pang mga gamit para sa magiging apo. Hanggang ngayon ay halos wala pa rin akong imik sa kanila.
"Parang ang tamlay mo, Aurelia."puna ni Mommy.
"Maybe if you two didn't push the wedding, then I won't be in this situation."
Natahimik si Mommy habang napapailing na lamang si Daddy at tila pinipigilan ang sariling magalit. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit nag-aalala siya na baka kung mapaano ako. Hindi rin sila gaanong nagtagal dahil balak pa nilang dumaan sa bahay ni Tito Moreigh.
Buong araw kong inabala ang aking sarili sa pagbabasa. Nagtaka pa ako nang makitang napaaga ng uwi si JC. Nag-iwas ako ng tingin nang mapagawi sa akin ang kaniyang atensyon. Naramdaman kong lumapit siya at dinampian ng halik ang gilid ng aking noo.
"How are you feeling? Your mother talked to me, that's why I came home early."
So kung hindi pa siya kakausapin ni Mommy ay baka magpapagabi siyang muli kasama si Agacy? Tsk! I really hate this asshole. Talagang mas malala pa siya kay Siddharth. Ang tanga-tanga niya! Kung si Agacy naman pala ang priority at gusto niya ay sana siya na lang ang binuntis niya. Hindi 'yung pinakasalan niya ako para magparaya pero bumabalik pa rin naman sa babaeng 'yon. Ibinaba ko ang hawak na libro bago nag-angat nang mukha upang salubungin ang kaniyang titig.
"Where did you go last night?"balik tanong ko na tila hindi niya inaasahan. Umawang ang kaniyang labi at bahagyang napakunot ang noo.
"Dad called me, may inutos siya sa akin kagabi."
Motherfucking liar!
Umangat ang gilid ng aking labi bago muling ibinalik ang atensyon sa libro.
"Aurelia—"
"Shut it, Jose. I got it now, no need to explain since it was just your father. But to answer your freaking question, I am not fine and I will never be because of you. I may be nice to you sometimes, but it doesn't change the fact that I still hate you."
"Why are you saying those things? And why are you mad at me? Is this one of your mood swings?"
Inilipat ko ang pahina ng libro.
"It is not."maagap na sagot ko.
"I hope it is. I find you so hot when you're mad."
Awtomatikong sinamaan ko siya nang tingin dahil sa kaniyang sinabi. Naroon na naman ang mapaglaro niyang ngisi. Yumuko siya at ipinantay ang kaniyang mukha sa akin. Napadikit ako sa kinuupuan ko nang umatras ako upang makalayo. Bago pa ako makaangal ay dinampian na niya ng halik ang aking labi. Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng aking noo dulot ng pagkabigla. Kinagat niya ang ibaba kong labi dahilan upang mapaawang iyon nang bahagya.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang kaniyang dila sa aking bibig. My husband is french kissing me! Ilang segundo pa ay kusa siyang lumayo at umayos nang pagkakatayo. Namulsa siya at marahang kinagat ang kaniyang lower lip.
"You have no rights to kiss me! Get out of my sight!"
"Alright, your lips tasted to fucking sweet. How I wish we can still...."
Isang mahinang pagtawa ang kaniyang pinakawalan kaya mas lalo akong nainis.
"Jose Cuervo!"
Itinaas niya ang magkabila niyang kamay na para bang sumusuko bago ako talikuran.
"Fuck mood swings."dinig kong aniya pa bago tuluyang makalayo.
Napairap ako at napapikit nang mariin. Inaakit niya ba ako? Tsk! Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang magtungo sa labas at nang makalanghap man lamang ng sariwang hangin. Papalubog pa lamang ang araw at halos magkulay violet na may pink na ang langit. Napangiti ako dahil doon. Ang cute.
Pumasok akong muli sa loob at tinungo ang kwarto upang kuhanin ang aking cellphone. I feel like I want to take a picture. Mukhang nasa loob ng c.r si JC dahil nadidinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa shower. Papalabas na sana ako nang may mahagip ang aking mga mata. Natanaw ko ang cellphone niya sa ibabaw ng kama. Wala sa sariling lumapit ako at dinampot iyon.
Binuhay ko ang kaniyang phone at hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Mayroong text si Agacy para kay JC. Binalak kong buksan upang mabasa ng buo ngunit mayroong password. Pinakatitigan ko ang nakikitang message ni Agacy.
"I really owe you a lot......"
Hindi ko na alam ang kasunod dahil hindi ko ma-open ang buong message. Ibinaba ko ang cellphone at ibinalik iyon sa pinagkuhanan.
How can she say that she owes my husband a lot? Ano ang ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...