Chapter 1

14 2 0
                                    

"Hey! Yuhoo? Are you with me, Aurelia?"

Napabalik ang atensyon ko kay Lavinia nang kumaway ito sa harapan ng aking mukha.

"I'm sorry, what are you saying?"

Napairap ang aking kaibigan.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang wala sa sarili lately. Don't tell me dahil 'yan sa boyfriend mo?"

Umiling ako bago uminom sa nakalapag na juice sa ibabaw ng mesa.

"Oh, come on? Magsisinungaling ka pa sa akin? Duh! I'm your best friend."

Bumuga ako ng isang malalim na paghinga at iginala ang aking paningin aa paligid. Katatapos lamang ng photoshoot ko kaya inaya kong lumabas si Lavinia.

"I miss him, ilang linggo na kaming hindi nagkikita."pag-amin ko.

"Baka naman busy talaga sa work or sa pambababae."walang prenong aniya.

"Lavinia!"sinamaan ko siya nang tingin ngunit natawa lamang ito.

"Nagbibiro lang ako, chill! Kilala ko rin naman si Siddharth at hindi siya ang tipo ng lalaking nagchi-cheat."

Inabot niya ang kaniyang cellphone at nagtipa doon. Maya-maya pa ay pinagtaasan niya ako ng kilay at halos umawang na ang labi sa pagkamangha.

"Bakit?"

"What the hell is this, Aurelia?! You were with Jose Cuervo?"

Iniharap niya sa akin ang kaniyang cellphone at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang nasa showbiz news kami ni Jose Cuervo. Mayroong picture kung saan nagsasayaw kaming pareho habang ang mga titig ay nasa isa't isa. Binawi ni Lavinia ang kaniyang cellphone at nakangising pinakatitigan ako.

"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong magkarelasyon kayo. In fairness, kinilig ako sa pagtititigan n'yo."

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at kaagad na kinuha ang aking cellphone upang i-check ang tungkol sa balitang iyon. Damn, paparazzi! Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng makitang pinapalabas nilang mayroon kaming relasyon ng lalaking iyon. Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon pero nilagyan pa rin nila ng malisya?

Napahinto ako sa pagbabasa ng mag-pop ang isang message galing kay Siddharth. Nakaramdam ako ng kung anong panlalamig. Itinatanong niya kung nasaan ako. Imbis na i-text siya pabalik ay mas pinili ko siyang tawagan.

"Hello? Siddharth?"

"Where are you?"

Bumilis ang tibok ng aking puso kasunod ng pagdaan ng kaba sa akin dahil sa lamig ng kaniyang boses.

"I'm with Lavinia. Why?"

"Nothing, are you free tonight? I want to see you, I have something to tell."

Mas lalong nadagdagan ang aking kaba sa kaniyang sinabi. Tungkol kaya iyon sa balita sa amin ni Jose Cuervo?

"Hmm, let's meet later. Bye, I love you."wika ko.

"Alright, I'll pick you up. Bye."aniya bago patayin ang tawag.

Is he mad? I hope he's not.

"Ano daw sabi?"usisa ni Lavinia.

"Magkita raw kami mamaya. May sasabihin daw siya sa akin."

Tumango-tango siya.

"Baka nagselos tapos makikipag-break na pala sa'yo."

"Tsk! Hindi ka ba talaga titigil sa pang-aasar?"iritadong banta ko kaya natawa siya.

"Joke lang naman. Ito talaga,  napakapikon."

Kinagabihan ay sinundo nga ako ni Siddharth. Tahimik ang aming naging byahe hanggang sa makarating sa isang pribadong lugar na pagmamay-ari niya. Pinagbuksan niya ako mg pinto kaya nagpasalamat ako at humawak sa kaniyang braso kagaya ng aking nakagawian. Mula sa aming kinatatayuan ay natanaw ko ang isang mesang nakaayos, he's so romantic. Napangiti ako at sumandal sa balikat ni Siddharth.

"Thanks for this, love."

Umangat ako nang hindi siya nagsalita. Seryoso lamang ang kaniyang ekspresyon at nagsimula nang maglakad patungo doon kaya sumunod ako. Inaya niya ako paupo, matapos non ay naupo rin siya silya sa aking harapan.

"Siddharth? Ano nga palang sasabihin mo?"

Nagtama ang aming paningin at halos manlamig ako. Tila hindi niya alam kung saan magsisimula dahil bakas na bakas sa kaniyang mga mata na marami siyang gustong sabihin sa akin. Ngumiti ako at inabot ang nakapatong niyang kamay sa mesa.

"Come on, love. Tell me."

"Aurelia, let's break up."

Unti-unting napalis ang aking matamis na ngiti at halos hindi na malaman kung ano ang magiging reaksiyon.

"I'm sorry?"

Pumikit siya nang mariin bago hinawakan ang aking kamay.

"Maghiwalay na tayo."

"Siddharth, ano bang sinasabi mo? Bakit gusto mong makipaghiwalay sa akin? Dahil ba kay Jose Cuervo? Dahil ba sa pictures namin? Nakita ko lang siya doon at nagsayaw lang kami pero 'yun lang 'yon. I swear, I don't like that man. I didn't cheat and I will never do that to you."

Halos hindi na ako mapakali habang nagpapaliwanag sa kaniya.

"I know, alam kong wala kayong relasyon."

"Then why are you breaking up with me?! Tell me the reason!"

"I'm still in love with Agacy."

Binawi ko ang aking kamay at tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumayo ako at akmang tatalikuran na siya nang hawakan niya ang aking kamay at iharap akong muli sa kaniyang gawi. Hindi na ako nakapagpigil pa na hindi siya sampalin.

"Y-you used me get over with her, pero hindi mo pa rin nagawa! How dare you to say that you still love her after all those years we've been through?!"

"I'm really sorry. I tried, and I did love you, Aurelia."

Dahan-dahan siyang yumuko sa aking harapan. Itinakip ko ang aking kamay upang pigilan ang gustong kumawalang paghikbi.

"You never did, Siddharth! Because if y-you do, hindi sana tayo ganito ngayon. I thought you were different, but now? What did I do for you to break my heart?"

Umatras ako at lumayo nang bahagya sa kaniya. Talagang nag-abala pa siya para makipag-break sa akin? Akala ko simpleng dinner date lamang ito pero hindi pala.

"Did you cheat with Agacy?"halos ayaw ko ng itanong iyon ngunit alam kong hindi ako patatahimikin ng aking kalooban.

Tumayo siya at umiling. Awa lamang ang nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Tama nga ako, hindi niya talaga ako minahal.

"Then papaanong mahuhulog ka sa kaniyang muli gayong hindi na kayo nagkikita pang muli?!"

"I never fell out of love with her."

Kumuyom ang aking mga palad dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman.

"M-mas matatanggap ko pa sana kung m-makikipaghiwalay ka sa akin dahil nagselos ka at nagalit sa nakita mong picture namin ni Jose. K-kasi kaya kong magpaliwanag, k-kaya ko namang patunayan kung g-gaano kita kamahal."

Tinangka niyang lumapit ngunit patuloy ako sa paglayo.

"At k-kung hindi mo naman pala siya nakalimutan, then bakit mo pa ako niligawan? P-pinaasa mo ako! Sa ilang taon nating magkarelasyon ay nagpapanggap ka lang palang mahal mo ako at masaya ka sa relasyon nating ako lang naman pala ang may gusto!"

"I am sorry."

Hinayaan ko siyang makalapit sa akin at nang akma niya akong yayakapin ay itinulak ko siya at sinampal. Saktan ko man siya ng paulit-ulit ay hindi pa rin mapapawi ang idinulot niyang sakit sa akin. Tumalim ang titig ko sa kaniya.

"Hinding hindi kita mapapatawad, Siddharth. I hate you so much."

Tinalikuran ko siya at binilisan ang lakad papalayo sa kaniya. Dinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon.

Damn you, Siddharth Mallari! Just damn you!

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon