Kinabukasan ay nagising akong wala na si JC sa aking tabi. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo upang manghilamos at mag-toothbrush. Ngayong araw ang flight namin papuntang New Zealand para sa one week honeymoon vacation. Regalo iyon ng mga magulang niya para sa amin.
Nang matapos ay bumaba ako suot pa rin ang aking pantulog. Hindi na rin ako nag-abala pang suklayin ang aking buhok. Pakiramdam ko ay tamad na tamad akong kumilos. Mabilis kong nahanap ang kitchen at naabutan doon si JC na naghahayin.
"Good morning, nakapagluto na ako ng breakfast natin. Maupo ka na."aniya nang makita ako.
Walang imik na naupo ako sa isa sa mga silya habang siya ay nagtungo sa aking tabi upang ipaglagay ako ng pagkain sa aking plato. Kahit gusto kong magpasalamat ay pinigilan ko ang aking sarili dahil gusto ko siyang mainis sa aking ugali. Siya naman ang may gusto nito kaya tiisin niya ang ugali ko.
"Do you want to drink milk?"
Umiling ako at nagsimulang kainin ang pancakes na niluto niya.
"Juice? Bawal kang uminom ng kape."aniya nang akmang aabutin ko ang isang tasang kape na nasa ibabaw ng mesa. Napairap ako at nilingon siya.
"I want an annulment, maibibigay mo ba?"
Umangat ang gilid ng kaniyang labi bago naupo sa aking katapat na silya.
"Too bad, I can't."
Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa aking mukha dahilan upang ma-expose ang aking balikat at leeg. Nakita ko pang natigilan siya at tinitigan ako na para bang tinatanong ako kung anong ginagawa ko?
"Damn! This is torture!"dinig kong mahinang bulong niya sa kaniyang sarili.
Yeah, I will torture you in a very seductive way, my dear husband.
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan ko na lamang na halos magtatatlong buwan na simula noong ikinasal kami ni Jose Cuervo Mahigit maglilimang buwan na rin ang pinagbubuntis ko. Kahit na gaano ko kagustong magtrabaho ay hindi ko napigilan sina Mommy at Daddy na pahintuin ako, ganoon rin ang gusto ni JC kaya wala na akong nagawa.
Hindi sa sumusunod ako sa mga utos niya, sadyang inaalala ko lang rin ang kalagayan ko dahil ang sabi ng doctor sa akin ay bawal akong ma-stress at maselan ang pagbubuntis ko. Kahit na gaano pa ako kagalit sa ama ng batang ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Nabuo man siya sa hindi inaasahang pagkakataon ay isisilang ko pa rin siya. Minsan ay nakakaramdam ako nang pagsisisi dahil sumagi sa isipan ko noon ang ipalaglag siya.
"May check up siya bukas, anak."wika ni Tita Emersyn kay JC.
Nag-angat nang tingin si JC sa kaniyang ina bago iyon inilipat sa akin. Mayroon silang family dinner kaya no choice ako kundi ang sumama. Wala ang ama ni JC dahil may importanteng lakad daw ito.
"I have a meeting with Agacy. I have to be there. I am sorry, I can't go with you, Lia."aniya na ikinainit nang ulo ko.
Ibinaba ko ang kutsarang hawak na lumikha ng ingay dahilan upang mapatingin sa akin ang buong pamilya ni JC.
"What if I go to the hospital and then abort this goddamn baby?"hamon ko na ikinasalubong ng kaniyang nga kilay.
"Aurelia!"kunot noong tawag sa akin ni Tita Emersyn.
Ngumisi ako at pinagtaasan ng kilay ang kaniyang anak. Of course, I would never do that. Kailangan ko lang inisin ang asawa ko.
"Then cancel your appointment with her. Do you want me to call Siddharth instead? He can be the father of my child. You made me pregnant, and now you're running away from your responsibilities? I have a check-up tomorrow, and you have to be there! Stop making excuses so you can escape from this trouble you've started!"
"Aurelia, tungkol lang sa business ang pag-uusapan nila. Huminahon ka, hija."nag-aalalang hinaplos ni Tita Emersyn ang aking likuran upang pakalmahin ako.
"Jose, stop stressing your wife. Baka kung mapaano ang mag-ina mo."
Gusto kong mapapalakpak sa tuwa dahil nakita ko kung gaano ngayon kairitado si JC. Wala siyang magagawa ngayong kampi sa akin ang magulang niya. Tahimik lamang ang tatlo niyang nakababatang kapatid ngunit halata ring nagmamasid sa nagyayari. Isang matinding pagpipigil ang aking ginawa na hindi siya ngitian nang mapang-asar.
"What now, Villamor?"
"Fine, I'll cancel it. Don't you dare call Siddharth."
"You don't tell me what to do, asshole."wika ko bago nagpaalam na umalis.
Nang makatalikod ay hindi ko na napigilang hindi mapangiti. Magkikita sila ni Agacy? Para saan naman? Business-business! Monkey business!Hindi ako makakapayag na magkaroon siya ng relasyon sa babaeng iyon lalo na at nalaman kong tinanggihan ni Agacy si Siddharth. Malay ko ba kung ginagantihan lang ako ng babaeng iyon dahil naging kami ni Siddharth matapos nilang mag-break. At ang nakakatuwa pa doon ay nalaman ko rin kung gaano kalakas ang epekto ng pangalan ni Siddharth kay JC dahil sa tuwing mababanggit ko ang pangalan ng lalaking iyon ay nakikita ko kung gaano siya kairitado. Nakakapagtaka rin lamang sapagkat sa pagkakaalam ko ay close sila.
Sa araw na iyon ay walang nagawa si Jose Cuervo kundi ang samahan ako buong araw. Nang matapos ang aking check-up ay naisipan kong magpunta sa mall upang mag-shopping. Nauuna akong maglakad sa kaniya. Maya-maya pa ay naramdaman kong mayroong humawak sa aking kamay at pagtingin ko ay nasa aking tabi na si JC.
Pumasok ako sa isang kilalang shop ng clothing brand at namili ng anim na bagong damit na may presyong tumataginting na milyon kada isa. Nagpresinta si JC na siya na ang magbabayad kaya hinayaan ko na. Bahala siya. Kung gusto niyang mamulubi ay ituloy niya lamang iyon. I can afford it naman, ang kaso nag-presinta siya kaya hinayaan ko na.
Saktong napadaan kami sa isang shop para sa gamit ng mga baby kaya napahinto ako at napatitig doon. Wala sa sariling hinaplos ko ang aking baby bump habang nakatingin sa mga nakadisplay na gamit. Hindi ko pa alam kung ano ang gender ng baby dahil balak nila Mommy na magkaroon ng baby shower.
"Gusto mo bang bumili tayo ng mga gamit para sa baby?"
Napaangat ang tingin ko kay JC at kaagad na umiling nang makitang nakatingin siya sa akin.
"I'm tired. I want to rest."pagsisinungaling ko kahit na gusto ko ang kaniyang suhestyon.
Nais ko lamang ipakita sa kaniya na hindi ako excited sa magiging anak namin pero sa aking kalooban ay taliwas na taliwas iyon. Gusto kong ako ang magpaplano sa lahat pero mas gusto kong makaganti kay JC. Hangga't maaari ay ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano ako kamiserable sa piling niya at kung gaano ko siya kinamumuhian.
BINABASA MO ANG
All for You
Любовные романыAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...