Chapter 14

13 2 0
                                    

Gusto kong mapangiti dahil nagawa kong mapasunod si JC. Effective talaga ang pagkukumpara ko sa kaniya kay Siddharth. Sa totoo lamang ay wala naman silang pinagkaiba, pareho lang silang gago. I still hate him, pero siya ang paraan para mainis ko ang lalaking katabi ko kaya naman wala akong choice kundi ang gawin iyon.

Ibinaba ni JC ang kaniyang cellphone matapos makausap ang kaniyang ama. Mukhang ipinaalam niya na kasama niya ako at ang gagawin namin mamaya. Mabuti na lamang din at hindi istrikto si Dad.

Tahimik lamang ang aming naging byahe at halos dalawin na ako ng antok kaya naman isinandal ko muna ang aking ulo sa gilid ng pintuan at ipinikit ang aking mga mata. Maya-maya pa ay nagising rin ako sa maharapang paghaplos sa aking pisngi. Nagmulat ako at nabungaran si JC.

"Nandito na tayo. Inaantok ka pa ba?"

Humikab ako at umiling. Pakiramdam ko ay nakabawi na ako ng lakas. Bumaba siya at umikot upang mapagbuksan ako ng pintuan. Siya na mismo ang nagkalas ng seatbelt. Todo alalay pa ito sa akin, kulang na lang ay buhatin ako pababa. He's treating me like a baby and somehow.... I like it.

"Kanino 'tong fish pond?"tanong ko habang naglalakad kami.

"Sir Jose! Magandang umaga ho!"bati ng isang lalaki.

"Magandang umaga rin po."bati niya pabalik. Bumaling sa akin ang atensyon ng lalaki.

"Aba'y ito na ba ang iyong asawa? Napakaganda niya! Aba'y buntis na rin pala si Ma'am! Mabilis ka talaga, Sir!"tumatawang aniya. Napangisi ang katabi ko at inakbayan ako.

"Aurelia, siya si Mang Dodoy. Ang katiwala sa lugar na ito."

Nginitian ko ang katiwala at ilang minuto rin silang nagkwentuhan ng aking asawa. Kinurot ko ang braso ni JC upang makuha ang kaniyang atensyon. Sumenyas akong gusto ko nang umalis. Hindi dahil sa ayaw kong makausap ang lalaki sa aming harapan, kundi dahil sa naiinitan na ako.

"Mauuna na po kami."paalam niya.

"Ay! Sige! Basta tawagin n'yo lang ako kapag may kailangan kayo."

Inakay na ako papalayo doon ni JC. Nakayuko lamang ako habang kunot na kunot na ang noo dahil sa sobrang init. Huminto si JC sa paglalakad at bago pa ako makaalma ay nakita kong hinubad niya ang kaniyang suot na Armani coat at ipatong iyon sa ibabaw ng aking ulo. May kung anong humaplos sa aking kalooban dahil sa kaniyang ginawa.

Maya-maya pa ay inaya niya akong magtungo sa isang bahay. May isang matandang babae ang nakaupo sa silya sa loob ng balkonahe. Napatayo siya nang matanaw kami.

"Sir Jose! Dumalaw po pala kayo! Wow! Ang ganda naman po ng asawa n'yo! Tuloy kayo! Huwag kayong mahihiya!"anyaya niya.

Nakipag-usap pa si JC sa babae bago muling bumaling sa akin. Pumasok ang ginang sa loob ng kaniyang bahay. Binalingan ko ang magaling kong asawa, may tumutulong pawis sa gilid ng kaniyang noo pababa sa kaniyang leeg. Pero kahit na ganoon ay parang ang hot niya pa ring tingnan.

Hot? Really, Aurelia Alvarez? Just what the hell I'm thinking?!

"Dito ka na muna. Babalik din ako kapag nakahuli na ako ng mga isda."

Kaagad akong napasimangot sa sinabi niya.

"Ayoko! Gusto kong sumama!"

"Maiinitan ka lang do'n. Dumito ka na."aniya.

"Sir! Ito na po!"sigaw ng ginang sabay abot ng isang fishing rod kay JC.

"JC! Gusto ko nga sabing sumama!"giit ko nang akmang lalampasan niya ako.

Pinakatitigan niya ako habang salubong na rin ang kaniyang kilay. Tumikhim siya bago muling bumaling sa ginang.

"Manang, pahiram nga po ng payong at sumbrero."aniya kaya nagmamadaling pumasok muli ang ginang upang kuhanin ang kaniyang mga inutos. Hindi rin nagtagal ay bumalik din ang ginang at kaagad na ibinigay ang mga kinuha.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon