Chapter 5

14 3 0
                                    

"D-dad, huwag na tayong tumuloy. Please?"naiiyak na pakiusap ko at halos lumuhod na upang mapagbigyan.

"Tumigil ka, Aurelia! Sumakay na kayo sa kotse at pupuntahan natin ang gagong 'yon!"aniya bago ako nilampasan.

Inalalayan ako ni Mommy at Nemesis na maglakad pasunod kay Daddy.

"Mortin, bakit may dala kang baril? Hon, naman! Iwan mo na 'yan! Isa ka pa, Donovan!"histerikal na sigaw ni Mommy nang matanaw ang nakasuksok na baril sa likuran ng dalawa.

"Tutuluyan ko ang Villamor na 'yon aa sandaling magkamali siya. Huwag ngayon, Amanda. Galit ako at alam mong walang makakapigil sa akin."seryosong sabi niya kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod.

Hindi ko alam kung papaano nalaman ni Daddy kung saan nakatira si JC na kahit ako ay walang kaide-ideya. Mukhang ito ang bahay na tinitirihan ng mga magulang ni JC. Bumaba kaming lahat. Mabilis ang naging lakad ni Daddy at kaagad na nag-door bell.

Ilang segundo pa ay bumukas na ang gate at bumungad sa amin ang isang magandang dalaga. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Swarthy, ang nakababatang kapatid ni JC. Iginala niya ang tingin sa amin na tila nagtataka ngunit nang mapadako ang mata sa amin ni Mommy ay ganoon na lamang ang pag-awang ng kaniyang labi.

"Uhm, hi? If I am not mistaken, you're Amanda and Aurelia Alvarez. What brings you here po?"nakangiting tanong niya.

"Good morning, hija. Can we go inside?  May kailangan lang kaming pag-usapan ng mga magulang mo. Nandyan ba sila?"wika ni Mommy.

Tumango siya kahit na bakas pa rin ang pagtataka sa mukha. Pinapasok niya kami at iginaya sa loob ng kanilang mansyon. Pinaupo kami ng katulong na inutusan ni Swarthy na umasikaso aa amin. Naglapag rin ng pagkain ngunit ni isa sa amin ay walang gumalaw non. Salubong na salubong ang kilay ni Daddy habang magkasaklop ang mga kamay.

"Amanda? What brings your whole family here?"

Napalingon kami ng may nagsalita. Naglalakad papalapit sa amin ang mga magulang ni JC, si Mcneir at Emersyn Villamor. Kasunod nila ay ang dalawa nilang anak na si Swarthy at Yossi. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon pa silang kapatid na lalaki, si Italia.

"Pretty boy spotted."dinig kong bulong ni Nemesis kasunod ng pagdaing niya nang kurutin ni Mommy ang kaniyang tagiliran. Napanguso itong sumiksik sa akin. Tumayo si Daddy kaya ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Villamor. Nabuntis ng panganay mo ang anak ko at gusto kong ipatawag mo rin siya ngayon nang magkaharap-harap na tayo."diretsong paliwanag ni Daddy na ikinaawang ng labi ni Mrs. Villamor.

Napakunot ang noo ni Mr. Villamor at nilingon ako. Hindi siya nagsalita ngunit nakakakilabot ang paraan ng kaniyang pagtitig. Napayuko ako at napakapit ng mahigpit sa kamay ni Mommy.

"Si Aurelia ba? Papaanong mabubuntis siya ni Jose gayong si Siddharth ang boyfriend niya?"tanong ni Mrs. Villamor.

"They broke up almost two months ago."sagot ni Mommy.

Sinenyasan ng ama ni JC si Swarthy na tawagan ang kaniyang kapatid at sumunod naman ito. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Gustong gusto ko ng umalis ngunit natatakot akong baka mas lalong magalit sa akin si Daddy.

"Maupo muna tayo habang hinihintay si Jose Cuervo."wika ni Mr. Villamor.

Namayani ang katahimikan sa buong bahay. Sa katapat naming sofa ay nakaupo ang pamilya Villamor. Pinasama muna nila si Nemesis kay Swarthy dahil bata pa ang mga ito at baka may marinig na mga salitang hindi angkop sa kanila. Sa isip-isip ko ay tuwang tuwa siguro ang kapatid ko dahil panay ang tingin kay Yossi.

"Ilang buwan na ang dinadala mo, hija?"

Nag-angat ako ng mukha at nakitang nakangiti sa akin si Mrs. Villamor.

"Hindi pa po ako sigurado, pero baka a month and half na po. Nalaman ko lang rin po nitong nakaraang araw."kinakabahang sagot ko. Sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan nang ganito.

"Uminom ka muna, nanginginig ka. Huwag kang matakot."wika ni Mrs. Villamor kaya tumango ako at ngumiti ng tipid. Inabot sa akin ni Mommy ang isang baso ng tubig.

Nang malingunan ko si Daddy ay nakayuko lamang siya at tila malalim ang iniisip. Mas lalo akong nakaramdam ng konsensya ngayong nakikita ko kung gaano siya kaproblemado.

"What's the commotion here?"

Nilingon naming lahat ang nagsalita at nakitang si JC iyon. Hinubad niya ang suot niyang coat habang naglalakad papalapit sa aming gawi. Nagtama ang aming paningin kaya napaiwas ako kaagad. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin sa sandaling malaman niyang buntis ako.

"Anak, mabuti naman at nandito ka na."tumayo si Mrs. Villamor para salubungin ang kaniyang panganay.

"Care to explain what's happening?"aniya habang nakakunot ang noo. Nanatili siyang nakatayo katabi ang kaniyang ina.

"Aurelia,"tawag ni Daddy sa akin ni Daddy kaya nalipat sa akin ang atensyon ng lahat. Pumikit ako nang mariin bago nagpasyang salubungin ang tingin ni JC.

"I-I'm pregnant, and ... you're the father."napipilitang pag-amin ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata ngunit tila ako ang nawindang nang ngumiti siya sa akin.

"Oh, I see. Kailan mo gustong magpakasal?"

"W-what?!"

Napatayo pa ako dahil sa hindi inaasahang magiging reaksiyon niya. As in, 'yun na 'yon? Tatanggapin niya na kaagad ako? Papaano kung nagsisinungaling ako tapos sinabi kong siya nga ang ama. Hindi sa hindi ako natutuwa na hindi siya nagalit, pero nakakabigla lang talaga.

"May relasyon ba kayo ni Aurelia matapos nilang mag-break ni Siddharth? O huwag mong sabihing ikaw ang naging dahilan ng paghihiwalay nila?"usisa ng Mommy niya.

"I don't know the reason why they broke up, Mom. Hiwalay na sila nang may mangyari sa amin."

"How can you be so sure that you are the father, Jose Cuervo?"seryosong tanong ni Mr. Villamor na tila ikinagalit ni Daddy.

"Anong gusto mong palabasin? Nagsisinungaling ang anak ko? Na sumasama siya kung kani-kanino?!"madiin at seryosong tanong niya habang nakatitig nang masama sa kaharap. Tanging pagngisi lamang ang iginanti ni Mr. Villamor sa aking ama. Mayroon kung anong sumakit sa aking puso dahil sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay medyo nainsulto ako sa kaniyang itinanong.

"Mcneir, stop! How could you ask for that kind of question?!"istriktang saway ng kaniyang asawa.

"Kilala ko ang ama ni Siddharth at alam mo rin kung gaano kababaero si Torvas noon. Lalo ka na, Amanda. He was your exfiancee."dagdag pa ni Mr. Villamor habang nakatitig sa aking mga magulang.

"Damn it! Ginagalit mo bang talaga ako, Villamor?!"Daddy asked at halos gusto ng sugurin ang lalaking prenteng nakaupo sa aming harapan.

"Mortin, calm your shits! Hindi ito ang panahon para magselos ka."inis na hinawakan siya ni Mommy sa braso. Napapailing na lamang si Kuya Donovan, tahimik lamang ito ngunit seryosong nakikinig.

"I am sorry for my father's behavior but don't worry, Mr. and Mrs. Alvarez. I'll take my responsibility and I'm going to marry Aurelia."

Tumayo si Daddy at nginisihan si JC ngunit nanatili pa rin ang masama niyang titig sa lalaki lalo na sa ama nito.

"Mabuti kung ganoon dahil kung nagkataong itinanggi mo ang anak ko ay baka kanina ka pa bumulagta dyan sa sahig. Mabuti naman at pinapagana mo ang ulo mo sa itaas at hindi puro sa baba!"

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon